Ugly #46

85.7K 2.6K 206
                                    


I already accepted how this wasn't going to be easy. I was right.

Four days. It's been four days since I've started forcing my way back to Sage's life. Four days of Sage ignoring me like I didn't exist, four days of Sage giving me the cold treatment, and four days of Sage pushing me away without remorse.

It was tiring though I've never showed him how ekahxhausted I am. It hurts but I made sure not to let him see my pain. I don't want him to misread it and make him think that I'm giving up. Hindi ako susuko. I love him too much now. The mere thought of giving him up was making my heart hurt.

Kahit masakit ang pagtulak niya sa akin ay masaya naman ako dahil kahit papaano ay nakakalapit ako sa kanya. Kahit na nasasaktan ay minsan napapangiti na lang rin ako dahil sa mas nangingibabaw ang masayang pakiramdam ko kapag nakikita ko ang galit na mukha niya.

Hindi ako naiinip o di kaya ay nagagalit sa trato sa akin ni Sage. It was my fault why he's being like this. I was the one who caused his cold treatment after all. I can't blame him for something that I did.

Sa totoo lang ay hanggang ngayon ay natatakot pa rin ako. Hindi ko alam kung darating ang araw na mawawala ang takot kong masaktan pero ang alam ko ngayon ay handa na akong harapin iyon.

I'm ready to face everything for Sage because my fear of getting my heart broken was nothing compared to my fear of losing him.

No matter how much getting rejected and pushed away hurts, I'm not going to give up. I wasn't a quitter. I still have hope that he'll find it in his heart to forgive me and take me back again.

"Bakit hindi ka yata nakabuntot sa kay Sage ngayon?" tanong ni Dee sa akin nang makahanap kami ng table na kakainin sa malaking food court ng campus.

Inalis ko ang mga pagkain na binili ko sa ibabaw ng tray. Ganoon din ang ginawa ni Dee. Inabot ko ang mga trays at inilipat iyon sa kabilang bakanteng lamesa. "He's still in class. Hindi ko siya mahintay kasi nagugutom na ako."

"Baliw ka. You should buy him some food kapag sinundo mo siya sa room nila. Maybe he'll get less mad at you." pang-aasar ni Dee. Nakangisi siya habang sinasabi iyon pero tumango lang ako sa kanya.

"Yup. I'll buy him something." binigyan ko si Dee ng isang ngiti at napangiwi naman siya sa akin.

Bumuntong hininga si Dee at iniling ang ulo. "Baliw ka nga talaga."

Five minutes bago pa matapos ang klase ni Sage ay nagpaalam na ako kay Dee dahil ayaw kong magkasalisi kami ni Sage. Vacant na niya pagkatapos ng klaseng iyon at hindi ko alam kung saan siya hahagilapin sa oras na hindi ko siya maabutan sa room nila.

Nang makarating ako sa tapat ng room ni Sage ay saktong nagsisilabasan na ang mga students sa loob. Paubos na ang mga taong lumalabas nang sa wakas ay lumabas na rin si Sage. Mag-isa lang siya at walang ibang kasama. Thank God.

Sa apat na araw na pagsama ko sa kanya ay hindi sumulpot ang babaeng humaplos sa braso niya nung isang beses. Hindi ko makuhang itanong sa kanya iyon dahil alam kong hindi niya ako sasagutin. Nakakatakot rin naman alamin ang magiging sagot niya kaya mas pinili ko na hintayin ang opportunity na makilala ko ulit ang babae. Just a name and I can pay someone to dig for information.

"Sage," tawag ko at atomatikong napalingon si Sage sa tumawag sa kanya.

Nang bumagsak ang mga tingin ni Sage sa akin ay bumagsak din ang emosyon sa mukha niya. Kinilabutan ako bigla dahil sa malalamig na titig na ibinibigay niya sa akin. Sage's a professional in making me feel that my presence was unwanted. He's really good at it.

The Ugly Duckling  (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon