Chapter Fourteen

30.8K 931 5
                                    

"Pinkie!" narinig kong sigaw ni Kevin, pero hindi ko siya pinansin. Dire-diretso lang ako sa paglalakad.

Dalawang araw na simula no'ng sinabihan ko siya ng I hate you, at dalawang araw ko na rin siyang hindi pinapansin. Tutuksuhin na naman niya akong may gusto sa kanya. Tapos pagtatawanan na naman niya ako. Masasaktan na naman ako.

So tama na, okay? Ayoko ng masaktan pa.

"Bestie, ba't 'di mo ginagalaw ang pagkain mo?" nag-aalalang tanong ni Kathleen sa akin no'ng lunch time. "Ilang araw ka ng hindi kumakain, ah."

Bukod sa hindi pagkain ng lunch, hindi rin ako nag-breakfast kanina. At kagabi naman ay isang basong gatas lang ang ininom ko.

Gusto kong pumayat. Gusto kong maging kasing payat ni MiMiCute. Baka sakaling... baka lang naman... baka sakaling ma-in love sa akin si Kevin...

"Hindi kasi ako nagugutom, bestie," sagot ko sa kanya.

Mukhang hindi kumbinsido si Kathleen pero hinayaan na lamang niya ako.

Dumating ang panghapon na recess at hindi pa rin ako kumain. Pakiramdam ko kasi, sa bawat subo ko ng pagkain, lumulobo ako agad-agad. Kahit tubig nga hindi na ako umiinom kasi nadadagdagan ang timbang ko. Kaya siguro nang mag-aalas singko na ng hapon ay nakaramdam ako ng pagkahilo.

Pinilit ko pa ring maglakad kahit parang nanghihina ako. Nanginginig ang mga kamay ko, pati na ang mga tuhod ko. Naramdaman ko rin parang bumilis at lumakas ang tibok ng puso ko.

"Pinkie, okay ka lang ba?" tanong ni Kathleen na nasa tabi ko. "Bakit ang lamig ng braso mo?"

Halos hindi ko na maintindihan ang mga sinasabi ni Kathleen. Parang tambol kasi sa lakas ang tibok ng puso ko. Biglang sumikip ang dibdib ko, at unti-unting nagdidilim ang gilid ng aking paningin. Hanggang sa tuluyan ng binalot ng kadiliman ang paningin ko. At ang huli kong narinig ay ang sigaw ng bestfriend ko at isang boses ng lalaking tinatawag ang pangalan ko.

***

Napakurap ako dahil sa nakakasilaw na puting ikaw sa itaas. Napansin ko ring puti ang kulay ng kapaligiran ko.

"Nasa langit na ba ako?"

"No, Ms. Dela Rosa. Nasa clinic ka ngayon," tugon ng isang babaeng nakaputing uniporme na nakatayo sa gilid ng hinihigaan ko. Si Ms. Lopez pala, ang school nurse namin. Maganda at matangkad si Ms. Lopez. Bukod doon ay sexy rin ito. Naiinggit ako sa katawan niya. Kailan kaya ako magkaka-figure ng ganyan katulad sa kanya?

"Papaano po ako nakarating dito?"

Umupo sa katabing silya si Ms. Lopez. "Dinala ka ng mga kaibigan mo rito. Nahimatay ka kasi kanina. Ms. Dela Rosa, may I call you Pinkie?" Nang tumango ako, saka siya nagsalitang muli. "Alam mo ba kung bakit ka nahimatay?"

May ideya ako kung bakit. Pero nahihiya akong aminin iyon, kaya umiling ako.

"I see," ang sabi pa ni Ms. Lopez. "Pinkie, bumaba ang blood sugar level sa katawan mo. Ang tawag doon ay hypoglycemia. Ang sugar sa katawan ay dapat katamtaman lang --hindi sosobra, hindi rin dapat kulang. Ito kasi ang isa sa source of energy natin sa katawan. Alam mo ba kung bakit bumaba ang blood sugar mo sa katawan?"

Muli akong umiling.

Nagpatuloy naman sa pagsalita si Ms. Lopez. "I reviewed your health records and wala ka namang ibang sakit. Which leads me to think of one thing: Are you skipping meals?"

Nahihiya akong sumagot. Pero alam kong alam na niya ang kasagutan sa tanong na iyon. Kaya para san pa ang pagsisinungaling?

Tumango ako bilang sagot.

"Bakit mo ginawa iyon?" tanong niya.

"G-gusto ko po kasing pumayat, ma'am."

Ngumiti si Ms. Lopez sa akin na may pang-unawa. May idinukot siyang kung ano sa bulsa niya. Nakita kong wallet pala niya iyon, at may inilabas siyang isang maliit na picture. "Here, have a look."

Tiningnan ko ang picture na hawak niya. May isang babaeng naka tirintas ang buhok ang naka-pose sa picture. Bilugan ang mukha nito at may katabaan ang katawan.

"Sino po ito?" tanong ko.

"That's me back in college."

"Huwat?! Weh, 'di nga? Eh, ma'am bakit ang medyo hebigat kayo rito sa picture?"

"Back then, malaki talaga ako. Walang kaso naman sa akin na malaki ako, but then napansin ko na madalas akong tinutukso ng mga kasamahan ko. Dabyana, balyena, Ms. Piggy... ilan lang 'yan sa tawag nila sa akin. Para sa iba joke lang 'yun, pero syempre nasasaktan din ako."

"Naku, ma'am. Same pala tayo. Gano'n din 'yung mga tinutukso sa akin," sabi ko pa.

Ngumiti si Ms. Lopez sa akin. "One day, I told myself that the teasing had to stop. So I forced myself to go on dieting --I stopped eating."

Napalunok ako. Gano'n na gano'n din ang ginawa ko. Kahit nagugutom na ako, hindi pa rin ako kumakain dahil gusto kong pumayat.

Nagpatuloy si Ms. Lopez. "And I realized my mistake the hard way. I was hospitalized one day because of severe dehydration and malnutrition. Gusto kong pumayat, pero mali ang pamamaraan na ginawa ko. At mali rin ang dahilan ko kung bakit ko gustong pumayat. Naiintindihan mo ba ang sinasabi ko, Pinkie?"

Tumango ako bilang tugon.

"Pinkie," ang sabi pa niya, "ang sobra ay hindi tama. Neglecting your health is not the best solution sa pagpapapayat. Ang goal mo dapat ay to be physically fit, and hindi ang pumayat lamang. May tamang paraan para diyan. Exercise is the best way to reach that goal. At balanced diet ang tamang kainin. Eating a well planned meal can help you reach your desireable weight based on your BMI. I can help you with that. Pero walang saysay ang lahat ng ito kung mali ang motivation mo."

Motivation? Gusto kong pumayat dahil mas maganda sa paningin ng mga classmates ko ang sexy, atsaka para hindi na nila ako tuksuhin ng oink oink. At dahil gusto kong magustuhan ako ni Kevin. Mali ba ang motivation ko na iyon?

Pinisil ni Ms. Lopez ang kamay ko. "Dapat mahalin mo ang sarili mo, at dapat ginagawa mo itong 'pagpapapayat' dahil mahal mo ang sarili mo at dahil gusto mo maging healthy. Dapat ay ginagawa mo ito para sa sarili mo at hindi para sa iba. Hindi porke't sa tingin ng karamihan ay in na in ang supermodel na payat ay iyon na ang tama. Dapat ang iisipin mo ay kung ano ang makakabuti sa kalusugan mo. Do you understand me, Pinkie?"

Muli akong tumango. Kung napasobra pala ako sa ginagawa kong pagdi-diet, makakasama pala ito sa akin. Ayoko rin naman na dumating ang time na magkasakit ako dahil sa pinaggagawa ko ngayon.

At siguro nga tama si Ms. Lopez. Bakit ko nga ba ginagawa ito sa umpisa? Para pasayahin ang mga tao sa paligid ko? At kapag nangyari iyon, magiging masaya rin ba ako? Siguro hindi, dahil magkakasakit naman ako.

Nangako si Ms. Lopez sa akin na tutulungan niya akong gumawa ng sample menu na may tamang computation ng caloric intake based sa BMI ko at appropriate weight sa edad at height ko. Medyo kumplikado 'yung itinuro niya sa akin at nahilo ako sa mga numbers na nakita kong isinusulat niya. Pero sabi naman niya ay ituturo rin daw niya ang basic na computation kay mama at dadalaw raw siya sa amin para ipakita kay mama ang sample menu planning. Magpapatulong daw siya sa kaibigan niyang Dietician para gumawa ng sample menu.

Effort kung effort talaga itong si Ms. Lopez. Kina-career ang pagiging nurse. May referal pang nalalaman! Pero bilib ako kay ma'am. Parang gusto ko tuloy maging isang nurse na tulad niya.

"O sige na, you are free to go," sabi ni Ms. Lopez. "Kanina ka pa hinihintay ng kaibigan mo sa labas."

Nagpasalamat ako kay Ms. Lopez at lumabas ng clinic niya. Pagkalabas ko ng clinic ay nakita ko agad ang kaibigang tinutukoy ni Ms. Lopez.

"K-kevin? Ano'ng ginagawa mo rito?"

#DiwataNgMgaChubby

Diwata ng mga ChubbyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon