Chapter One

78.9K 1.5K 311
                                    

Seven days after Valentine's Day

***

"I'm sorry, Pinkie. It's not you. It's me."

Tama ba itong naririnig ko? O baka naman nagugutom lang ako at kung ano-ano ang naririnig ko?

"Hindi talaga tayo bagay. Magkaibang-magkaiba tayo."

Bakit? Isa ba siyang alien at magkaiba kami? Ano ba ang pinagsasabi nitong si Luke?

"I'm breaking up with you."

What the chocolate fudge! "Teka lang Luke. Makikipag-break ka sa akin kahit hindi pa kita sinasagot? Eh, bukas pa kitang naka-schedule na sagutin, ah!"

Bumuntong-hininga si Luke at nagsuklay ng buhok gamit ang mga daliri na para bang nauubusan ito ng pasensya sa akin.

Bakit ganoon? Last week lang ay madalas ko pa siyang kasabay umuwi. Tapos no'ng JS naman ay ako ang ka-date niya. Ang sweet pa nga niya, eh. Pinupuno niya ng pagkain ang plato ko kapag nasa buffet table kami, kaya napapakain ako ng marami dahil ayokong ma-offend si Luke. Tapos dinadalhan niya pa ako ng chicharong bulaklak tuwing recess. At kapag uuwi kami, lagi niya akong nililibre ng ice cream.

Alam niya ang kahinaan ko: Ang pagkain. Ang iniisip ko naman ay baka naniniwala siya sa kasabihang "the way to a woman's heart is through her esophagus." Akala ko iyon na ang panliligaw niya sa akin, at sasagutin ko na sana siya bukas dahil kras na kras ko talaga siya, eh. Tapos ano ito? Makikipag-break na siya agad sa akin?

"Ah, gets ko na. Joke-joke mo na naman ito, 'no?" sabi ko habang pinilit ko ang sarili na tumawa. "Ikaw talaga. Napaaga ang prank mo. February pa lang ngayon. Sa April 1 ka pa dapat mag-prank."

"Pinkie, hindi ako nakikipagbiruan, okay?" napipikon niyang turan. "Look, hindi ko na ito kaya. Hindi ko na kayang ituloy pa ang panliligaw ko sa 'yo."

Ramdam ko ang pagtutubig ng mga mata ko at panginginig ng mga labi ko. "P-pero bakit?"

"Dahil wala naman talaga akong gusto sa 'yo, okay? Binayaran lang ako ng kuya mo para i-date ka. Ang totoo, binalaan niya akong gugulpihin kung hindi kita ide-date sa JS prom."

Naguguluhan ako. Paanong nasali si kuya dito? At sinong kuya ang tinutukoy nito? May dalawa akong kuya: Si kuya Red na mabait at si kuya Blue na engot. Pareho silang nasa fourth year (malamang, dahil kambal silang dalawa.) Sino sa kambal kong kuya ang tinutukoy niya? "Sino sa mga kuya ko?"

"Eh, 'di si kuya Blue mo."

Ano na naman ang pumasok sa kokote ni kuya Blue at nagawa niya ito sa akin? Ganoon na ba talaga ako ka-desperada para sa kanya at nagawa niya pang bumili ng lalaking maging ka-date ko sa prom?

Oo, aminado naman ako na wala talagang ibang lalaki ang sinubukang yayain ako sa prom. 'Yung totoo, sinubukan kong suhulan ang isang kaklase kong lalaki. Sabi ko pa sa kanya, may one week supply siya ng boy bawang kung ide-date niya ako. Aba naman, ang sagot niya sa akin ay may ka-date na raw siya! Sa hitsura niyang nerd na 'yun, nakahanap pa siya ng ka-date? So, sabi ko sa sarili ko, "okay lang 'yan Pinkie. Third year ka pa lang naman, eh. May next year pa. Baka hindi pa keri ng mga boys ngayon ang alindog mo."

At isa pa, naisip ko rin na si bestie kong maganda, si Kathleen Espinosa, ay wala naman ka-date. Eh, kung may date ako sa prom, paano na lang siya. So, okay na sana. Kaso... kaso... Si kuya Blue na mortal enemy ni bestie ay nagpanggap na si kuya Red, na crush naman ni bestie, at niyaya siyang maging ka-date!

Eh, syempre pa na-depress ako nang kaunti, 'no. Alangan naman makiki-join pa ako sa dalawang iyon. Yucks kaya-'yung kuya ko na kung umutot ay kasing baho ng sampung bulok na itlog combined at mahilig maghulma gamit ang kulangot tapos ipapahid sa braso ko, magiging ka-date ni bestfriend at soon-to-be boyfriend pa? Eeew. Awkward!

Isusumbong ko na nga sana kay bestfriend ko 'yung kalokohan ni kuya Blue, kaso nakiusap si kuya na huwag daw muna, na siya na raw ang aamin kay bestfriend. Naawa ako kay kuya at nakita ko naman na mukhang malakas ang tama niya sa bestfriend ko. Kaya hayun, tikom-bibig si Pinkie. Tapos ito? Ito pa ang igaganti ni kuya sa akin? Wow naman!

"Napilitan lang talaga ako. At isa pa, pinagtatawanan na ako ng mga barkada ko dahil sa 'yo. Kaya ayoko na tutal tapos na rin naman ang JS, eh," dugtong pa ni Luke.

Ang gulo-gulo! Parang isa itong math equation at pinapahanap sa akin ang value ng x. Eh, lagi pa naman ako sumesemplang sa math. "So, ibig sabihin, wala ka talagang gusto sa akin?"

Nag-snort pa itong si mokong na para bang nakakadiring isipin na may gusto ito sa akin. "Syempre, wala."

Ang sakit. Ang sakit sakit. Mas masakit pa ito kaysa sa panahon na nakalunok ako ng tinik ng isda, o 'yung time na uminom ako ng slurpee at nagka brain freeze ako. Aminado akong na-inlove na nga ako kay Luke. Eh, sino ba namang hindi? Guwapo ito. Palabiro. Magaling mambola kaya madalas akong kinikilig. Akala ko, meant to be na kaming dalawa. Pareho pa naman kami mahilig sa penoy.

Isa-isang tumulo ang luha ko. Hindi ko alintana ang mga tao sa paligid, kahit panay silip sa akin ng mga lalaking nasa tabi-tabi na nagwawalis ng quadrangle-mga estudyanteng na-late kanina sa flag ceremony.

"Luke... kahit minsan ba hindi ka nahulog sa akin?" Eh, 'di ba ganoon iyon sa mga movies? 'Yung lalaki liligawan ang isang babae dahil binayaran siya o dahil sa isang bet. Tapos sa bandang huli ay magkakagusto rin siya sa babae. Tapos happy ending ang lahat. 'Di ba ganoon din dapat ang mangyari sa love story ko?

Nagulat ako nang biglang humalakhak si Luke. "Okay ka lang? Eh, paano ako magkakagusto sa isang balyena? Tapos lagi pang ubos ang pera ko dahil ang siba mong kumain ng snacks. Parang patay-gutom ka kung kumain. Tae, eh, wala ka ng ibang ginawa kundi lumamon!"

"Tae mo mukha mo!" Ayos din itong lokong 'to, ah. Makikipag-break na nga iinsultuhin pa ako?

"Eh, totoo naman mga sinasabi ko, ah. Nakakahiya kang kasama. Lagi na nga akong tinutukso ng mga kabarkada ko dahil sa 'yo. Okay lang sana kung seksi ka. Kaso, grabe naman! Kasing laki mo ang ref namin sa bahay! At 'yung pisngi mo, parang mga siopao. Kita mo 'yang palda mo? Parang sasabog na ang zipper!"

Aba naman! Dinurog na nga niya ang puso ko, nagawa pa akong kutyain? Napa-praning na ako dahil nakita kong tumigil sa pagwawalis ang mga nasa paligid at sabay-sabay pa sa pagngisi at bungisngis dahil sa sinabi ni Luke.

Pakiramdam ko ay umiikot ang aking paligid at pinagtatawanan ako ng mga tao sa paligid sabay turo sa akin.

"Balyena!"

"Refrigerator!"

"Mukhang siopao!"

"Patay-gutom!"

Halos wala na akong makita dahil puno na ng luha ang mata ko. At sa sobrang inis ko sa mga sinabi ni Luke, buong lakas ko siyang sinipa sa pagitan ng kanyang mga binti. Mapisa sana ang mga iyon!

"Itlog ko po!" daing nito at natumba sa quadrangle.

Hindi ko na siya pinasin pa at mabilis akong tumakbo palayo sa mga estudyanteng nagtatawanan sa quadrangle.

Sa unang pagkakataon ay naranasan ko ang ma-in love. Makalipas ang dalawang linggo, na broken-hearted naman ako. Ang saya-saya lang, ano?

***

A/N:

Follow me on twitter: https://twitter.com/MaxineLaurel

Stalk my FB Page: https://www.facebook.com/maxinelaurelstories

***

Hello! Ate Maxine Here. You can use this hashtag #DiwataNgMgaChubby in your FB/Twitter/IG kasabay ng inyong comments and violent (hahaha!) reactions tungkol sa adventures ni Pinkie Diwata. That way, madali ko kayong mahahanap. :)

Enjoy reading!

LOve Lots,
Ate Maxine ♥

Diwata ng mga ChubbyWhere stories live. Discover now