Chapter Eight

36K 1.8K 67
                                    

How to make LIGAW (na may kasama pang do's and don'ts)

By Pinke Diwata dela Rosa

1. Magpakilala sa girl. Siyempre, dapat alam niya na nag-e-exist ka pala sa mundo, na hindi ka invisible tulad ng isang mabahong utot na lumilipad-lipad na carefree sa hangin. Huwag papahalata agad na type mo siya. Minsan kapag alam nilang may gusto sa kanila ang lalaking hindi naman nila bet, iiwasan nila ito agad. Hindi ka pa nga nag-uumpisang manligaw basted ka na agad.

2. Use kuneksyons! Kung ang liligawan mo ay anak ng kumpare ng pinsan ng best friend ng tatay mo, aba gamitin mo na ang connection mo para magawa ang tip # 1. Dito papasok ang reto-reto system.

3. I-add o i-follow siya sa Fb, Twitter, Instagram, Pinterest, Google Plus, Tumblr, Wordpress etc. Doon ka makakakuha ng ideya sa mga likes at dislikes niya. Kunwari nag-post siya ng "craving for some boy bawang! Huhuhu," sa recess lapitan mo siya at alukin mo ng boy bawang at sabihin mong "favorite ko kasi ito, eh." O, eh may something in common na kayo!

PAALALA: utang na loob, utang na utang na utang na loob. Huwag mong i-like ang lahat ng naging profile pictures niya sa album! Magmumukha ka lang creepy stalker sa FB niya.

4. Dapat lagi kang visible within the radius ng paningin niya. Hindi ko sinasabing magpapansin ka. Dapat andoon ka sa isang sulok, o nasa kabilang table niya. Paminsan-minsan ay lumapit ka para mag-hi o hello lang. Pero huwag sosobra para hindi ka (again) magmumukhang stalker. Sa ganitong paraan, isinisiksik mo na ang sarili mo sa subconscious mind niya. Malay mo, ikaw ang mapapanaginipan niya mamayang gabi. At para hindi ka niya madaling makalimutan.

5. Maging friends sa friends niya. Ang mga friends ay hindi lang bridge, mga reporters din sila. Sa kanila ka kumuha ng mga ideya kung ano ang gusto ng nililigawan mo, o kailan siya pupunta ng mall tapos kunwari napadaan ka rin ng mall at "what a coincidence!" lang ang pagkikita n'yo roon (consider tip number four). Tandaan: minsan, pag-approve ka kay friend, approve ka rin sa nililigawan mo.

6. Huwag masyadong assuming. So naging friends na kayo at nagsha-share na kayo ng boy bawang. So what? Eh, ano ngayon kung binibilhan mo siya ng siopao tuwing recess o nagla-like na kayong dalawa sa kanya-kanyang post sa FB? SO WHAT? Akala mo naman alam na niya na nanliligaw ka na pala? Tapos kapag tinanong mo siya ng "kelan mo ba ako sasagutin?" tapos sasagot siya ng, "Ha? Nililigawan mo pala ako?" Tapos 'yun pala hindi naman pala siya nagpapaligaw dahil strict ang parents niya. Tapos ano? Sisisihin mo na naman ang mga kababaihan sa mundo at mag-ge-generalize ka na mga user ang babae? Eh, engot ka pala, eh! Kasalanan mo 'yun, duh.

Hindi mind readers ang mga babae. Malay ba niya kung friendly ka lang talaga o sadyang generous lang pagdating sa pagkain? Eh, ano'ng malay niya na nanliligaw ka na pala? Humanap ng perfect timing at sabihing, "Puwede ba kitang ligawan?"

7. Kung sumagot siya ng "sorry, hindi pa ako puwedeng magpaligaw, eh," huwag kang mag-alala. At least sa umpisa palang ay alam mo na na wala kang pag-asa. Pumasok ka sa kuwarto, yakapin si pillow at umiyak ka. Umiyak ka lang. Hindi nakakabawas ng ka-macho-han ang pag-iyak. Sa katunayan, ayon sa research and findings, studies show na madaling lumambot ang puso ng isang babae kapag nakakakita sila ng lalaking-lalaki na umiiyak. Totoo! Pramis! Kasi iisipin nila "ows, in-touch siya with his feminine side!" Kapag ganoon, ibig sabihin ay plus points 'yan dahil alam nila na naiitindihan mo ang nature ng kababaihan, like PMS (ano ang PMS? i-google mo).

Life goes on pa rin kaya MOVE ON!

8. Kung sumagot naman siya ng "Oo," dude huwag kang assuming na sinagot ka na niya for real! Hello, manliligaw ka pa lang--hindi pa kayo, 'no. Dito ka na um-effort ng todo.

Ihatid mo sa classroom. Yayain mong maglunch si nililigawan and friends. Kung kapos sa budget, humanap ng tyempo kung kelan mag-isa lang siya at saka mo yayain mag-recess, lunch, afternoon recess etc. Tuwing uwian naman, ihatid mo siya sa paradahan ng dyip nila, o 'di kaya samahan mo na hanggang bahay niya. Text-text ng "goodnight and sweet dreams" sa gabi. "Good morning sunshine!" sa umaga. At "don't forget to take your lunch" sa tanghali.

Slight cheesy lines allowed. Manood ka ng movies ni kuya John Lloyd. Marami kang mapupulot na lines doon.

Magpaka-sweet ka na! Ginusto mo ito, eh. At gusto mo naman siya. Eh, ano'ng problema?

9. Kung ang sagot naman niya ay "hindi ako sigurado kung papayag sina mommy at daddy, eh," 'wag kang mawawalan ng pag-asa. Dahil may 45 percent chances ka pa of winning her matamis na OO. Oo! Meron pa! Dito pasapasok ang "pagsisibak ng kahoy" at "pag-iigib ng tubig sa poso" method. In short, ligawan sina mommy at daddy.

Pero dahil modern day na ngayon, huwag gawing literal ang lahat. Ang pagsisibak ng kahoy ay puwedeng ganito: ipakita kay mommy ang kasipagan mo sa pamamagitan ng pag-alok na ikaw na ang magbibitbit ng sampung bayong na ipinamalengke ni future mommy-in-law. Ang pag-iigib ng tubig ay puwedeng idaan sa ganito: bisitahin si daddy, kuya at tito at sabihing "mga tito, kuya, may dala akong 1.5 litrong Coke. Tagay tayo?"

Hindi. Joke lang ang huli. Next! (Ang point, magpa-impress at pakitang gilas ka sa family ni babae.)

10. Be the better version of yourself. Hindi ko naman sinasabi na magbago ka. I-improve mo lang nang kaunti. Kung mabaho ang kilikili mo, mag-deodorant ka! Kung tadtad ka ng pimples, gayahin mo si Xian Lim at magpahid ng coffee bean extract sa mukha. Malay mo, sa paggamit mo ng facial wash na ginagamit niya ay maging kamukha mo na siya. Kung nangyari 'yon, balitaan mo 'ko dahil isa iyong malaking breaktbrough sa larangan ng Siyensya, Agham at Teknolohiya!

Okay, aminin na natin. Hindi lahat ng tao ay ipinanganak na James Reid at Daniel Padilla sa ka-guwapuhan. Masakit mang aminin, pero talagang ganoon ang buhay. Pero kung makikita ng babae na um-effort ka sa pag-ayos sa sarili, 'yung tipong presentable ka naman, okay na okay ka na sa kanya.

11. Perfect timing. Yes. May tamang panahon para sa lahat, kasama na riyan ang pagtatanong mo ng "kelan mo 'ko sasagutin?" Hello! Kahapon ka pa lang nagsimulang manligaw, itatanong mo na agad 'yon? Huwag madaliin ang lahat. Take it slow. Pero huwag masyadong slow kasi baka mainip naman si babae, hindi ba? Kaya dapat marunong kang makiramdam. Malalaman mo 'yan dahil sa mga "clues" na ibibigay ng babae sa 'yo. Kung gusto ka na niya sagutin, magbibigay siya ng mga hints at clues. Kapag naramdaman mo 'yon, magtanong ka na.

Take note: 'Wag mong asahan na sasagutin ka niya kung hindi ka naman nagtatanong. Ano 'yon? Maghihintayan kayong dalawa? Kaya magtanong ka kung puwede ka niyang sagutin, okay? Gets?

12. Kung sinunod mo ang payo ko, at basted ka pa rin it's either 

a. 'di ka talaga niya bet, she tried pero hindi talaga; 

b. bagsak ka sa criteria niya para sa kanyang "man of my dreams" checklist, mga 1 out of 100 lang ang check mo; 

c. masyadong umaalingasaw ang baho ng kilikili mo at hindi na kayang idaan sa deodorant; 

d. you're not meant to be.

Hindi pa end of the world. Hindi lang talaga siya ang para sa 'yo sabi ni Lord.

So sa tingin mo sayang ang effort? Hindi. Ganoon talaga sa pag-ibig--dapat matuto kang sumugal.

13. Kung sinagot ka niya, CONGRATULATIONS! ('Wag mong kalimutang magpakain sa mga taong tumulong sa 'yo. Ehem--ako). Nauto mo siya, bro! Este, magaling magaling. Inagatan ang relasyon ninyong dalawa at huwag magbago. Kung sweet ka sa umpisa, ituloy-tuloy mo na at baka makarinig ka pa ng "bakit ang sweet sweet mo dati, ngayon hindi na; bakit ayaw mo nang um-effort?"

PS: ito ay mga payo lamang. Nasa sa iyo kung susundin mo ito. Pero kung balak mo lang gawin ito para mangolekta ng babae, le-lechon-in kita!

Compilations of Pinkie Diwata dela Rosa, taken from Blue dela Rosa's tips on "Papaano Makuha ang Matamis Niyang OO!" and "On Winning a Girl's Heart" by Red dela Rosa. With contributions given by Kathleen Espinosa ("Ano Ang Gusto Ko Sa Isang Lalaki?"). Other sources: Google. WikiHow. Wikipedia. Facebook. Yahoo Answer. CNN.

***

#DiwataNgMgaChubby

Diwata ng mga ChubbyWhere stories live. Discover now