Chapter Seven

36.7K 1K 100
                                    

Naisip ko na magtulungan kami ni Kevin. At sinabi ko nga ang ideya kong iyon sa kanya kinabukasan.

Tulad ng dati, gulat na gulat na naman ito nang umupo ako sa harapan niya during lunch time sa canteen. This time, kasama niya sina kuya and friends.

"Ano'ng ginagawa mo rito, Diwata?" tanong sa akin ni kuya Blue. "For the boys lang itong mesang 'to!"

"Kuya hindi naman ikaw ang sadya ko rito, 'no. At isa pa, wala akong kasamang mag-lunch kasi ando'n si bestie kasama si Ms. Reynoso. Eh, ayoko naman ma OP sa bonding nilang future mag-ina." Humarap ako kay Kevin. "May proposal ako sa 'yo, partner."

Kumunot ang noo niya. "Ano na naman 'yan? Hindi pa nga ako pumapayag sa una mong proposal, eh."

"Maganda ito, promise! Makinig ka. Kapag tinulungan mo ako kay Luke, tutulungan din kita sa crush mo na manligaw."

"Bakit, ano'ng alam mo sa panliligaw?"

"Marami!" Wala.

"Ano ba ang alam mo sa pagpapakilig sa babae?"

"Syempre alam ko 'yan!" Pagkain.

"Marunong ka ba gumawa ng love letter o ng poems?"

"Naman! Magaling ata ako riyan!" Magaling akong mag-google at copy-paste. "At isa pa, hindi na uso ang mga love letters na 'yan. Idinadaan na 'yan sa Twitter at FB."

"Ba't ang dami mong alam? Ilan na ba nanligaw sa 'yo?"

Magaling din talaga itong si Kevin sa mga banat, eh. Sapol na nga, tagos pa sa heart.

"Isa. Fake nga lang," turan ko sa mahinang boses. "Pero promise, tutulungan kita sa kanya. Ilalakad kita, totoo."

Napaisip si Kevin. Siguro wala siyang tiwala sa kakayahan kong maging tulay sa kanyang mailap na pag-ibig. Madali lang naman siguro maging bridge. I-go-google ko na lang kung papaano mamaya. Baka nga nasa Wikipedia pa iyon, eh.

"Sige, payag ako," sabi niya.

Napangiti ako nang malawak. At saka ko lang napansin na si kuya and friends ay nakikinig pala sa aming usapan. "Mga tsismoso!" sabi ko sabay tayo at hinila si Kevin papalayo sa mesa nina kuya.

Walang imik si Kevin habang hila-hila ko ang kamay niya at dinala siya sa playground. Nang nakarating na kami roon, saka ko lang binitiwan ang kamay niya. Humarap ako sa kanya at pansin ko agad na pulang-pula ang mukha niya na parang mansanas, 'yung red.

"Oh, bakit ang pula ng mukha mo?" tanong ko sa kanya.

"Ha? Eh... allergies."

"Saan? Sa araw?"

"Sa kamay mo!" sarkastiko niyang sagot. "Dami mong tanong."

Umirap lang ako sa sagot niya at umupo sa dulo ng slide. "Ano ba ang pangalan ng crush mo para naman alam ko kung ano ang i-go-google, este, ibibigay kong tulong sa 'yo."

"Ayoko ngang sabihin. Sabi ng kuya Blue mo reporter ka raw ng mga tsismis, eh. Baka i-kuwento mo pa sa iba ang sikreto ko."

Si kuya talaga. Siniraan na naman ako. "Okay, fine. Ganito na lang, magkuwento ka tungkol sa crush mo."

Bigla itong napangiti na para bang tuwing maaalala niya ang crush niya ay gumaganda ang araw niya. "Mabait, cute, masayahin... Minsan maingay, madalas isip-bata... Pero matapang siya. Mabuting kaibigan. Mabait na anak. Makulit na kapatid."

"Parang ako lang 'yan, ah! Crush mo 'ko?"

"Gusto mo upakan kita?"

"Eh, sa gano'n din naman talaga ang ugali ko, ah."

Diwata ng mga ChubbyWhere stories live. Discover now