Chapter Three

47.2K 1.3K 105
                                    

Ganito pala ang depression —nawawalan ka pala ng ganang kumain. Tulad kagabi, si Mama at Papa takang-taka kung bakit panay buntong-hininga lamang ako at ini-snob ko raw ang porkchop na paborito ko.

"Papa, dalhin na natin sa ospital si baby girl natin!" natatarantang sigaw ni Mama kagabi.

"Ha? Bakit? Napaano si bunso?" tanong ni Papa.

"Walang ganang kumain si baby girl ko! Kawawa naman ang anak ko. Baka mangayayat siya, Papa. Baka kailangan nang lagyan ng dextrose ang anak natin! Naku, isa akong pabayang ina!"

Asus. Nagdrama na naman si Mama. Si kuya Blue naman, naki-join pa sa eksena. 'Yun nga lang engot pa rin siya kahit kailan.

"Naku, Ma, aabot ng one hundred years bago  mangayayat si Pinkie. Sa kapal ba naman ng taba niyan sa katawan, matatagalan bago matunaw 'yan lahat!" ang sabi pa ni kuya engot.

Isinuksok ko ang mukha ko sa mga braso kong nasa mesa. Pati ba naman si kuya Blue, ang tingin sa akin ay Mount Everest sa laki. Magsama sila ni Luke! Kapag ako pumayat, kakainin nilang dalawa ang lahat ng taba ko!

"Hoy Blue, tama na nga 'yan. Kita mong malungkot si bunso, eh, dinadagdagan mo pa. O, baby girl, ano ang gusto mong kainin?" Buti pa si kuya Red, understanding sa feelings ko. "Gusto mo bang ibili ka ng kuya Red mo ng ice cream?"

Ice cream? Ice cream! Naalala ko pa noon, madalas akong binibilhan ng ice cream ni Luke. Masaya ako noon. Feeling ko ang ganda-ganda ko kasi may manliligaw ako. 'Yun pala... 'yun pala...

Tumayo akong bigla at tinitigan si kuya Blue gamit ang killer eyes ko bago ako pumanhik sa itaas. Bago ko naisara ang pinto ay dinig ko pa si Mama na pinapagalitan si kuya Blue.

"Ano na naman ba ang ginawa mo sa kapatid mo, bata ka?"

"Malay ko ba, Ma! Wala akong ginawa! Peksman! Pumayat man si Pinkie!"

Wala raw. Kainis si kuya! Hayun tuloy, hindi ako nakapag-dinner kagabi. Kaya ngayong umaga, pakiramdam ko lumuwag ang palda ko.

Patingin-tingin ako sa salamin. Suot-suot ko ang gray na uniporme namin at ang itim na stockings. Bakit ba kailangan namin magstockings? Ang init-init kaya. At isa pa, hindi tuloy kita ang legs kong makinis.

"Hoy baboy girl, tara na! Naghihintay na si babes ko." Panira ng moment si kuya Blue, eh. Pintasero talaga siya kahit kailan. Kaya nga inis na inis sa kanya dati si best friend Kathleen. Pero ang alam ko, dalawang tao lang naman ang pinipintasan niya: Ako at si Kathleen. Kaya minsan naiisip ko na ang mga taong mahal lang niya ang pinipintasan niya ng ganoon. Ang weird magmahal ni kuya—brutal, eh.

"Kuya, it's baby girl, hindi baboy girl," ang sabi ko pa.

"Parehas lang iyon, may extra lang na letrang O. Bakit ba kasi ang tagal mo riyan sa salamin?"

"Kuya, pumayat ata ako."

Narinig kong biglang nag-clap ng hands si kuya. "Magaling, Pinkie! Magaling! Bravo!"

"Ano na naman ba kuya?"

"Ngayon ko lang nalaman na may talent ka pala sa pagiging ilusyonada. Keep it up, sis. Keep it up."

Naku! Tinapunan ko ng unan si kuya saka siya natatawang lumabas ng kuwarto ko. Eh, totoo naman na lumuwag ang palda ko, ah.

Pumasok na kami sa school. Alam kong dapat makinig ako kay teacher, pero walang pumapasok sa utak ko. Laman pa rin ng isip ko ang mga pinagsasabi ni Luke sa akin kahapon.

Ang sabi pa niya, walang magkakagusto sa akin dahil mataba ako. Kahit may ekstrang taba ako, cute naman ako, ah. At isa pa, huggable daw ako sabi ni kuya Red. Parang teddy bear lang. Eh, ayaw ba 'yun ni Luke? May girlfriend na nga siya, may teddy bear pa!

Diwata ng mga ChubbyWhere stories live. Discover now