Chapter Ten

33.7K 1.1K 146
                                    

Sabado ng umaga nang nagkayayaan kami ni bestie na manood ng Avengers: Age of Ultron. At siyempre pa, hindi magpapahuli si kuya Blue at sinabing sasama raw siya sa amin para may adult supervision. If I know, gusto lang niya i-date si bestie ko, eh. Pero pumayag na rin ako kasi sabi niya libre na rin niya pati ticket and snacks ko. Eh, 'di okay.

So, ayun na nga. Nakapila na kami sa may bilihan ng snacks nang dumating si kuya na may bitbit na kasama.

"Oi, Pinkie! Andito ka pala? What a coincidence!" nakangiting sabi ni Kevin.

Naningkit ang mga mata ko. Bakit ba simula no'ng ibinigay ko sa kanya ang listahan, parati na niya akong pinagtitripan?

"Babes," ang sabi pa ni kuya kay Kathleen, "si Kevin na ang bibili ng snacks n'yo, tapos ako naman pipila na sa may ticketbooth. Kayong dalawa doon na lang kayo maghintay sa gilid. Atsaka Kevs, 'yung popcorn para kay Pinkie, bilhin mo 'yung pinaka malaki, ha. Nagwawala pa naman 'yan kapag nauubusan ng pagkain sa loob ng sinehan."

Tinapunan ko ng nakamamatay na tingin si kuya. Ngumisi lamang siya. Engot.

Habang naghihintay kami ni bestie sa side, biglang nag-open up siya sa akin. "Ang cute pala ni Kevin, 'no? Lalo na ngayon na hindi parating salubong ang kilay niya."

"Hmp! Pareho sila ni kuya. Pareho sila ng pastime na asarin ako."

"Pero bilib ako sa ginawa niya, alam mo ba 'yon?"

"Ano ba ang ginawa niya?"

"Alam mo na 'yon. 'Di ba nga, nilakasan niya ang loob niya para harapin si Blue at sabihing gusto niyang sumali sa barkada nila?"

"Oo, alam ko na 'yon. Sinabi rin sa akin ni kuya 'yon."

"Alam mo ba kung bakit?"

"Hindi. Bakit nga ba?"

Ngumiti nang malawak si Kathleen na para bang may sikretong malupit itong nalalaman. "Ginawa niya 'yon para mapansin siya ng crush niya."

"Talaga? Ganoon siya ka-desperado?"

Tumawa lang si Kathleen. "Hindi naman. Kasi nga 'di ba, sikat ang grupo ni Blue. Kaya siguro naisip niya na papansinin siya nung girl kung sikat din siya."

"Oh, eh, sikat na nga siya and everything. Bakit na tatameme pa rin siya sa panliligaw? As a matter of fact pa nga, kailangan ko pa siyang tulungan, eh."

"Hmmm... Napag-alaman ko kasi na may pagka-slow ang crush niya."

"Naku, kawawa naman pala si Kevin. Sana mapansin na siya ng crush niya, 'no? Alam ko pa naman ang pakiramdam ng hindi pinapansin ng crush. Kaya nga tinutulungan ko si Kevin sa panliligaw sa girl, eh. Naaawa kasi ako sa kanya. Poor kid."

Napabungisngis lang si Kathleen. "Effective nga, eh. Kasi pinapansin na siya ng crush niya."

"Weh? Sino ang crush niya?"

"Sikreto para bibo!"

Hindi ko na nagawang kulitin si bestie dahil dumating na si kuya Blue at kasama rin si Kevin.

"Tara na babes!" sabi niya kay Kathleen sabay akbay sa bestfriend ko.

"Tara na nga!" sabi ko naman kay Kevin.

"Oh, bakit naka busangus naman 'yang mukha mo?" tanong pa niya.

"Eh, kasi naman ayaw pa sabihin sa akin ni bestie 'yung pangalan ng crush mo."

"Bakit naman gusto mo pa malaman? Nagseselos ka?"

"Nagseselos? Ako, magseselos? Utot mong mabaho!"

"Oi, hindi mabaho ang utot ko, ha."

"Bakit, may utot bang mabango?"

"Bakit, close na ba tayo para maamoy mo ang utot ko at i-judge mo na mabaho?"

"Bakit—" Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko dahil nakita ko si Luke at si Venus na nakapila rin sa entrance ng cinema. Hinila ko si Kevin at pumila na rin kami, pero titig na titig pa rin ako kina Luke.

Nang nakapasok na kami sa loob, agad kong nakita kung saan nakaupo sina Luke. Nauna akong naghanap ng mauupuan at walang nagawa si Kevin kundi ang sundan ako. Pinili ko ang upuang nasa likod na dalawang rows mula sa inuupuan nina Luke. Buti na lang walang choice seats ngayon sa sinehan.

Inoobserbahan ko lang sila habang sinimulan kong papakin ang popcorn. Hindi pa man nagsisimula ang pelikula ay duma-da-moves na agad si Luke sa ka-date niya. Pasimple nitong inilagay ang braso sa likod ng upuan ni Venus at unti-unting gumapang ang kamay nito hanggang sa tuluyan na itong nakaakbay kay Venus.

Ang mokong na 'to. Samantalang ako, hindi man lang niyang sinubukang mag-da-moves. Tinapunan ko nga siya ng popcorn sa ulo.

"Syete sino 'yon?" asik pa niya.

Napasubsob ang mukha ko sa balikat ni Kevin para hindi ako makita ni Luke. Naramdaman ko namang ipinatong ni Kevin ang braso niya sa ibabaw ng sandalan ng upuan ko.

"Kevin, duma-da-moves ka ba?" tanong ko.

"Hindi. Nagste-stretching lang ng braso." Sasagot pa sana ako nang muli siyang nagsalita. "Pinkie, 'wag kang titingin sa harapan. Nakatingin sa atin si Luke."

"Ha? Nakikita ba niya ako? Naku, baka malaman niyang ako ang nagtapon ng popcorn sa ulo niya."

"'Wag kang gagalaw."

At naramdaman ko na lang na nasa balikat ko na ang braso niya. Bahagya pa niya akong hinapit palapit sa kanya. Hindi ko alam kung bakit pero may masarap na kuryenteng rumaragasa sa may balikat ko papuntang tagiliran ko. Hindi ko ma-explain, eh. Ang alam ko lang para akong... kinikilig?

"Uhm, Kevin..." sabi ko pa. "N-nakatingin pa ba siya sa atin?"

"H-hindi na." Itinanggal naman niya ang braso niya sa balikat ko. Bakit parang disappointed ako na itinanggal na niya agad ang braso niya?

Tahimik namin pinanood ang movie. At alam n'yo 'yun? Hindi ako mapakali na ewan. Halos hindi ko nga naintindihan ang pinanood ko, eh. Nakaka-distract kasi itong katabi ko kahit wala naman siyang ginagawa.

Parang pakiramdam ko ay kinakabahan ako na ewan. Tuliro ang isip ko. Nakukuryente ako tuwing gagalaw si Kevin at magtatama ang mga siko namin.

Weird.

At sa sobrang pagiging restless ko dahil sa presence ni Kevin, hindi ko namalayan na napautot ako! Buti na lang walang sound.

Narinig kong mahinang tumatawa si Kevin. Naamoy kaya niya?

"Ganyan pala ang utot mo—silent but deadly," natatawang bulong niya.

Napahalukipkip na lamang ako at napanguso.

"Naamoy ko na rin sa wakas ang utot mo," dagdag pa niya. "Ibig sabihin, close na pala tayo."

Asar talaga siyang tunay!

***

#DiwataNgMgaChubby

Diwata ng mga ChubbyWhere stories live. Discover now