chapter twelve | bogart and the boguards

4.3K 293 194
                                    


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Uminom ka muna."

Nag-angat ako ng tingin at nakita ang babaeng paramedic na may hawak na isang maliit na bottled water. Tinanggap ko ito at binuksan, ngunit bago ko pa man ako tuluyang mainom, napansin ko ang dugong tila ba nag-mantsa sa mga palad ko.

My mind went haywire. It felt like my palms were burning and the only way to put out the fire is to pour water on it—and that was what I did. But the blood wasn't coming off. I ran out of water but Papa's blood wasn't coming off, so I ended up rubbing my hands erratically against my wet, black dress.

"Miss!"

Napukaw ang atensiyon ko at nakitang hawak-hawak na ng paramedic ang nanginginig kong mga kamay. Singlakas ng tambol na binabayo ang puso ko't taas-baba ang mga balikat ko dahil sa mabilis na paghinga.

Tumango-tango ako at lumunok nang mariin. Parang ano mang oras ay masusuka na ako, hindi ko lang alam kung dahil ba ito sa lakas ng alon, o dahil sa mga alaalang tumatakbo sa isip ko.

Unti-unti niyang binitiwan ang kamay ko at saka naupo sa bakanteng espasyo ng inuupuan ko. Pareho kaming nasa loob ng ambulansya dahil sa lakas ng ulan at alon sa barge.

"Papa mo pala ang chief of police ng isla?" she sat right next to me with a polite and gentle smile. It felt like she was striking up a conversation to make me feel at ease.

Tumango ako at huminga nang malalim bago sumandal sa malamig na dingding.

"Ano nga pala 'yong sinabi ng papa mo sa 'yo kanina?" she sounded so casual and friendly. heck, there was even concern on her voice, but still, her words lifted up my consciousness from the sorrowful pits of my mind.

Napatingin ako sa damit ng babae para sa kanyang nameplate, at nang hindi ko ito makita, nag-angat ako ng tingin sa kanyang mukha.

I felt her breathing tighten the moment our eyes met. She let out an awkward chuckle and started scratching the top of her ponytailed hair. "M-Masyado bang personal ang tanong ko?"

Tumango ko. No, your question was suspicious.

"Anna nga pala ang pangalan ko." My voice came out hoarse and tired. I couldn't even dare to fake a smile. "Ikaw?"

"Ako si Lian, 'yon naman sina Pete at Danny." Tinuro niya ang unahang bahagi ng ambulansya kung saan nakaupo ang dalawa. "Lumaki sila sa isla, samantalang ako, kakalipat ko lang ilang taon na ang nakakaraan. Bilang mga miyembro ng team, ilang beses na naming na-e-encounter ang papa mo."

Bigla akong na-guilty. There I was, being so doubtful over the very people who saved my father's life.

"S-Salamat pala sa lahat ng ginawa n'yo para sa papa ko," sabi ko na lamang.

"Wala 'yon kumpara sa nagawa niya para sa isla." Nagkibit-balikat siya at ngumiti. "Nga pala, pasensiya ka na, wala kaming mapapahiram na damit sa 'yo."

The Sleepwalker SyndromeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon