chapter one | welcome hell

9.2K 561 233
                                    


Jordan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Jordan


When I was a child, I learned about the devil. Its shape and form are different in every story, but it always had horns and tails. 

Growing up, I learned that the devil doesn't really have horns or tails. It has a smile, a smile so friendly that you wouldn't even feel danger until it stabs you in the back.

However, when I returned to Rosamond Island to rebuild the bridges I burned, I came face to face with a new form of evil. So evil that it made me question everything I ever believed in.


"Maligayang pagdating sa Rosamond Island. Dahan-dahan at isa-isa lamang po sa pagbaba. Mangyaring itsek ang mga kagamitan upang masigurong wala kayong maiiwan sa ating ferry."

Pakiramdam ko'y babaliktad na ang sikmura ko. I was born and raised in this island, so, I'm pretty sure it's not because of seasickness. Nevertheless, I know I have to suck it up. It's time for me to come home and face the music. 

"At least makikita ko ulit ang mga kaibigan ko," bulong ko na lamang sa sarili sabay tayo mula sa kinauupuan. 

Bitbit ang duffle bag sa kaliwang kamay at hila-hila ang suitcase sa kanan, dahan-dahan ako sa paghakbang lalo't may malaki ring backpack sa aking likuran. Mabuti na lang talaga at sanay akong tumawid sa rampang nagkokonekta sa ferry at pantalan, kung hindi ay baka nadala na ako sa bigat ng mga dala at tuluyan nang natumba. I'd look like humpty dumpty with blonde hair and red highlights.

"Nieta," pabulong akong napamura nang makita ang isang may-edad na babae sa dulo ng rampa. Mayroon siyang bitbit na log book at pinapasulat niya rito ang bawat dumadaan. Kapag hindi niya kilala, hinihingan niya ito ng ID.

Sana hindi mo ako kilala. Paulit-ulit kong dasal sa isip hanggang sa ako na ang kailangang magsulat sa log book.

"Naku, ang dami mong dala. Ibigay mo na lang sa akin ang ID mo at ako na ang magsusulat." Masigla at puno ng pagmamalasakit niyang sambit.

"S-Salamat po." Nahihiya akong bumungisngis. "O-Okay lang po ba kung pangalan ko na lang? Nawala po kasi ang wallet ko kaya nawala rin ang lahat ng ID ko. Anne Cruz po. Isang turista."

If liars go to hell, I probably secured my spot a long time ago. 

"Hindi ka ba kumuha ulit?" aniya, hindi naglalaho ang masiglang ngiti. "Parang matanda ka na. Nakakahiya kung wala kang valid ID."

Utang na loob 'wag n'yo na akong bigyan ng rason na maging VIP sa impyerno!

"Wala na po kasing oras." Umiling na lamang ako, hibla na lang ang pasensya. There's a reason why hindi ako tumatagal sa kahit na anong customer service related part time job.

"Walang oras saan?" Usisa niya kaya bahagya akong napangiwi. "Masyado bang mahirap maghanap ng—"

"Nandito pala," walang emosyon kong bawi at inilabas na lamang ang university ID mula sa  bulsa ko nang matapos na.

The Sleepwalker SyndromeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon