chapter eleven | the good daughter's promise

3.8K 313 18
                                    


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Jordan. Jordan, may sugat ka. Gamutin muna natin?" 

I felt so numb that I couldn't even shake my head or turn to look at PJ. All I wanted was to hold my father's cold, bloody hand. I didn't want to let go or look away from him, scared that he might leave the world for good if I do so.

"Jordan, sige na. Makinig ka sa kuya mo," Mama said with a weak voice and blank expression on her face. She was sitting on the other side of the stretcher, holding on to Papa's other hand. Alam kong takot na takot at labis na nasasaktan si Mama, pero pilit lang siyang nagpapakatatag para sa amin ni PJ.

"Okay lang ako." Huminga ako nang malalim at humawak nang mas mahigpit sa kamay ni Papa.

Ramdam ko ang bawat along pumapalo sa barge na sinasakyan namin. Delikadong pumalaot dahil sa sama ng panahon, pero alam naming mas delikado para kay papa kung mananatili siya sa isla sa kasagsagan ng bagyo. Pare-pareho naming alam na mas makukuha niya ang tulong na kailangan sa isang mas malaking ospital.

"Sir, kaya pa naman po ni papa, 'di ba?" tanong ko sa isa sa mga paramedic na nagpa-pump ng oxygen at umuobserba kay papa.

The paramedic just lowered his head and continued pumping. His silence was enough of an answer. It terrified me even more.

"Jordan, ipagdasal natin ang papa mo," Mama said firmly and turned to look at PJ who was standing behind us. "Ikaw rin, PJ. Ipagdasal natin ang papa mo."

"Ma'am, gusto raw po kayong makausap ng captain." Biglang dumating ang isa sa mga crew ng barge kaya walang nagawa si Mama kundi tumayo. 

"Ma!" Pareho kaming nagsigawan ni PJ nang muntik mabuwal si Mama sa kinatatayuan. Dali-daling lumapit si PJ at inalalayan si Mama patungo sa kinaroroonan ng captain kaya ako ang naiwan sa tabi ni Papa, kasama ang mga paramedics na umaasikaso sa kanya.

"Hinintay mo pang mamatay bago bumalik! Gano'n ka rin ba sa amin ng mama mo?! Magpapakita ka lang kung isa na sa amin ang kailangang ibaon sa hukay?!"

Habang pinagmamasdan ang mukha ni Papa, paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang mga salitang binitiwan niya. Napakasakit, kasi alam kong tama siya. Nasaktan ko sila. Kung alam ko lang na hahantong lang pala sa ganito ang lahat, sana hindi ako tumakbo. Sana hindi ko sinayang ang huling tatlong taon, malayo sa kanila.

"Pa . . . " Yumuko ako at dinampi ang kamay ni Papa sa pisngi ko. "Pa, sorry. Pa, pinagsisihan ko ang lahat. Pa, sorry."

Umiyak ako nang umiyak, walang pakialam sa mga nakakarinig o nakakita. 

"Pa, lumaban ka, please. Kailangan ka namin. Kailangan ka ng isla." Sa isip ko, may posibilidad na baka marinig kami ni Papa kaya paulit-ulit ko siyang pinapaalala sa kanya kung gaano siya kahalaga para sa amin. Na napakaraming nagmamahal sa kanya, hindi lang kami.

"Miss," wika ng paramedic at tinuro ang ubod nang putlang mukha ni Papa.

"Papa!" Napahagulgol ako nang makitang unti-unting bumubuka ang mga mata ni Papa. Bukod dito ay gumagalaw din ang labi niya na para bang may nais siyang sabihin.

"Pa? Pa, please huwag ka munang—"

I felt the tap of my father's finger against my wrist. Pakiramdam ko'y may nais siyang sabihin kaya inilapit ko ang tainga ko sa kanyang bibig.

"Ang isla . . . Jordan." Tatlong salita. Tatlong salita lamang ang naibigkas ni Papa gamit ang natitirang lakas, pero sapat ito para maintindihan ko ang ibig niyang sabihin.

Sa pagitan ng mga hikbi ko, tumango-tango ako at pilit na ngumiti. "Huwag kang mag-aalala, Pa. Pangako, hindi na ulit kita bibiguin."

***

The rain was already pouring when we reached the city. Inside the ambulance, I did nothing but hold my father's hand. And when we finally reached the hospital and ran through the haunting hallways, I knew it was time for me to let go.

Letting go of his hand was difficult, knowing I might not be able to hold him again.

Nang maipasok na si Papa sa loob ng operating room, hinawakan ni Mama ang mga kamay namin ni PJ at sama-sama kaming tumungo sa chapel.

I knelt and prayed hard. Prayed like I never did before. Growing up, I always prayed for myself. But at that very moment, I found myself praying for my father's survival, for my mother and brother's strength, and for the safety of everyone in the island.

I looked up from my trembling hands and saw that my mother was still kneeling next to me, praying hard with her head bowed down her bloody knuckles. Meanwhile, PJ was just sitting next to her, staring blankly ahead.

"Ma, may pupuntahan lang po ako," paalam ko kay Mama.

"Ha? Saan ka pupunta?" Napaangat si Mama ng mukha, punong-puno ng kalituhan ang mukha.

"Samahan na kita." PJ stood up and quickly wiped off his tears.

Umiling lamang ako at ngumiti. "Huwag na, samahan mo lang si Mama rito. Mas kailangan ka niya."

Without saying anything else, I pulled my mother to a tight embrace. I clung to her as I mustered up all the strength that I would need.

"I love you, Ma," I whispered in her ear, holding on to her even tighter.

I walked out of the hospital, covered in my father's blood. I walked under the pouring rain, hoping that the water would wash them away. People were looking at me weirdly, and I couldn't blame them.

"Ma'am!" 

Wala sa sarili akong napalingon at nakita ang isang babaeng paramedic na lumabas mula sa isang ambulance.

"Ma'am, napakalakas ng ulan. Saan ka pupunta?" Lumapit sa akin ang isang babaeng paramedic. Nagulat ako nang mapagtantong ito ang parehong paramedic na umasikaso kay papa sa barge.

"Salamat po sa pag-aasikaso kay Papa." I didn't know who was older between us, but I still bowed my head, utterly helpful for the aid they gave my father. If it wasn't for them, Papa wouldn't have been able to leave the island and reach a more capable hospital.

"Wala 'yon." She smiled. "Sana maka-recover siya. Napakaraming nag-alala para sa kanya."

"Babalik na po ba kayo sa isla?" tanong ko.

Tumango siya. "A, oo. Last trip na kasi—"

"Pasabay sa inyo, please," pakiusap ko.

I turned around the hospital for the last time, praying to still be able to hold my father's hand when we see each other again.


The Sleepwalker SyndromeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon