chapter four | fourth life

4.7K 416 191
                                    


Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


What's scarier than being chased by a crazy old woman who's supposed to be bedridden? Being chased by a former body builder turned crazy old woman who's supposed to be bedridden. What's worse? Gil and I have nowhere else to freaking go other than the freaking kitchen.

Kung sukatan ng kaduwagan ang pagsigaw, kami na siguro ni Gil ang pinakaduwag na nilalang sa buong mundo. Tila ba walang hanggan ang paglabas ng sigaw mula sa mga bibig namin kasabay ng pagkaripas ng takbo papasok sa kusina, ngunit sa isang iglap, bigla na lamang dumulas ang paa ni Gil sa basahang kanyang naapakan.

Napakabilis ng mga pangyayari, pero sa hindi malamang dahilan, nagawa pang magtama ng mga mata namin ni Gil. Kitang-kita ko ang panlalaki ng mga mata niya nang humarurot ang isa niyang paa pasulong, at mag-bending naman ang kanyang likod na para bang isang karakter sa 'The Matrix.' 

Pareho kaming gulat na nakatingin sa isa't isa, hanggang sa tuluyan siyang humandusay sa sahig.

"Bangon!" Napatili kaagad ako at nagpatuloy pa rin sa pagtakbo. There was no way in hell I would stop running. Ayokong mahuli ni Madam Laura. Ayokong machugi!

Kaso, bago pa man ako tuluyang makalayo, naramdaman kong bigla na lamang may humawak nang mahigpit at humila sa likuran ng damit ko. The force behind me was so strong that I felt my clothes tighten up against my chest, and before I knew it, it felt as if my feet have been lifted off the ground.

"Whoa .  . . " Napasinghap ako nang maramdamang nakaangat na nga talaga sa ere ang mga paa ko't nakatingin na ako sa kisame; ang mga kamay ko naman ay tila ba wala sa sariling lumupaypay sa hangin. It all happened so fast, but at that very moment, I felt everything like it was in slow motion. Pakiramdam ko'y karakter ako sa isang anime na biglang tumilapon sa ere dahil sa isang napakalakas na bomba . . . 'yon nga lang, imbes na bomba sa harapan ko, isang matandang babaeng dating bodybuilder ang nasa likuran ko.

"Audrey!"

Hearing that name as my body was thrown like a rag doll, felt like the death of me. For the third time in my life, I felt like I was going to die. And this time, no one else would come to my rescue. I was a goner. Like for real. No more extra life for Jordan Audrey Vigoria.

And then I heard it . . . the sound of my back slamming against the wall. A ringing blared within my ear as I felt a numbing vibration shoot from my head and down to my body. Literal na namanhid ang buo kong katawan at wala akong ibang naramdaman kundi matinding pagkahilo.

Totoo na ba 'to? Sure na ba 'to? Ganito ba ang feeling na tuluyang machugi? Oh shit, machuchugi na talaga ako?! My body felt numb all over, but my thoughts were more than loud and lucid. 

I can't count the times I've said that I wanted to die, but in that very moment, I really didn't want to die. Putangina, paano kung ipis pala ako sa next life ko?

The Sleepwalker SyndromeWhere stories live. Discover now