38

150 2 0
                                    








BELLE POV











Para akong nasa alapaap, ang mga paa ko parang naka apak sa ulap sa subrang saya ko.

Hinde ko alam kung paano ko mababawe ang mga ngiti na ngayon ay nakaukit sa mga labi ko.
gusto kong kalimutan lahat ng mga masasakit at mga pangit na nagyari sa buhay ko, gusto ko itong araw na ito ang simula ng buhay ko.
gusto ko magsimula ulit ng masasayang pangyayari sa buhay ko at gusto ko si donny ang kasama ko sa mga masasayang araw na iyo.


gusto ko araw araw nakikita ko mukha niya, ang mga ngiting abot sa mata niya.
Ang busis niyang napaka sarap pakinggan.
At sana mangyari ang mga gusto ko,


Padilim na at hinde namin namalayan ang mga oras.
Nagyaya na syang umuwe at baka raw nag aalala na si mama sa akin.
gusto ko pa makasama sya, gusto kopa makita sya. gusto kopa marinig ang busis nya. gustong gusto ko huwag na syang umalis sa tabi ko.



sakay tayo doon?”
sabay turo ko ng firreswell.

hinde sya huminde kaya nagpunta na kami ng bilihan ng ticket.
bata palang ako gusto ko na sumakay sa ganito pero ayaw ako payagan ni mama.
Anjan naman si donny sa tabi ko para sa'kin kaya kampante akong sumakay.





hinde ka takot sa matataas na lugar?”

nakita ko kasi sa mukha niya na nag aalinlangan kaya natanong ko na kung takot ba sya sa matataas na lugar.
baka hinde sya sanay o takot sya.




first time kaya kabado.”donny




ah_” tanging nasabi ko.






Sa subrang ganda ng tanawin sa taas habang nakatingin ka sa baba hinde mo mararamdaman ang takot o kaba.
Subrang ganda ng mga ilaw sa bawat matataas na buildings, mga ilaw ng sasakyan at kung ano ano pang ilaw na nagbibigay ng napaka gandang liwanag sa buong paligid.




Màlayo sa mga taong masasama ang intensyon sa kapuwa tao.
Malayo sa ingay, malayo sa realidad na nangyayari sa paligid.
Gusto kong manatili dito, nakatanaw lang habang nilalanghap ang masarap na hangin.


KASAMA ANG TAONG GUSTO KO.”




Ngunit ang mga gusto kung iyon ay saglit lang, titigil din ang pag ikot nito.
babalik ulit sa realidad ng buhay.

Bigla kung naramdaman ang paghawak ni donny sa kamay ko.
Tiningnan ko sya ng maigi sa mukha. tinitigan na para bang ngayon ko lang sya matititigan ng ganito kalapit.


Tumigil man ang pag ikot, bumalik man ako sa realidad ang pinaka importante, kasama ko sya.





















Pumasok ulit ako ng school, marami mang na mess na subject ang mahalaga nakabalik ulit ako.

Hinahatid sundo ako ni donny sa bahay at pagkatapos ng school ko.
Pumunta kung saang lugar na hinde pa namin napupuntahan.
Sa mga araw na nagdaan parang ang dami naming nagawa, ang dami naming ginawa na magkasama.

Iyon ang mga sandali na hindeng hinde ko makakalimutan kahit kilan.



Kung masayang masaya ako dahil nakikita ko araw araw sina mama at kapatid ko masayang masaya din ako dahil sa wakas nagka love life narin ang mga kaibigan ko.

Sinabi sa akin ni blythe na sila na ni seth at ganon din sina kaori at rhys.

Madalas sabay sabay kami lumalabas, kumakain sa canteen kasama ng mga boyfriend namin.


Hinde na ako nagulat sa kanila dahil alam ko naman na doon din papunta ang relasyon nila.
ayaw lang talaga nila umamin nung una kaya mas nauna pa kami ni donny.
































Ang lahat ng masasayang nangyari ay may kapalit palang hindeng hinde ko kayang harapin.

Nagmakaawa na ako, lumuhod hanggang sa kaya ko. kinausap ng taimtim si lord,
Sana kahit kunting panahon pa, kahit kunting araw pa pagbigyan nya kahilingan ko.

Sa araw araw na nakikita kong nahihirapan si mama, umiiyak ng dahil sa akin, sinisisi ko ang sarili ko.

Tinatanong ko si lord, “bakit sa dami ng tao sa mundo, ako ang pinili niyang pahirapan ng ganito?” si bryan na halos napapabayaan na ang pag aaral para bantayan ako, para palakassin si mama.




Ang mga kaibigan ko, araw araw nakikita ko din kung paano sila nalulungkot dahil sa kalagayan ko.
nag aalala pero ayaw nilang ipakita sa akin ang totoong lungkot na nararamdaman nila.
pinapangiti at pinapatawa parin nila ako kahit na sila umiiyak na palihim.



Si donny, ang taong gustong gusto ko makita araw araw. ang taong nagpapalakas ng loob ko, sya ang dahilan kung bakit gusto ko pa lumaban kahit na alam ko sa sarili kong pagod na pagod na ang buong ako.

pagod na pagod na labanan ang sakit na ito.



Ayaw kung nakikita syang umiiyak dahil sa akin. ayaw kong nag aalala sya sa magiging kahihinatnan ng lahat ng ito.

Mahal na mahal ko sya, sana pagdumating ang araw na hinde kona makayanan makipag laban, pag mawala na ako “SANA KAYANIN NYANG MAGPATULOY.”












Loving you |completedOù les histoires vivent. Découvrez maintenant