17

194 4 1
                                    



DONNY POV





"Bakit may mga reporters?"tanong ko kay seth sabay tapik sa balikat nya.kararating ko lang sa school at una ko napansin ang mga reporter sa labas ng school namin.
Hinde na bago sa akin ang may magpuntang mga media dito pero wala naman akong nabalitaan na malaking okasyon dito o ano pa.

Nasa 3rd floor kami at tanaw namin ang mga reporters sa baba.
Mukhang kanina pa sila rito.
Sino nga kaya ang hinihintay nila.

Makalipas ang ilang minuto ay mukhang dumating na ang kanina pa nilang hinihintay.
Pumarada ang mamahaling puting sasakyan at bumukas ang driver seat nito.
Hinde naman magkandaugaga ang mga reporter kakakuha ng picture at nag uunahan sa pag iinterview.

Hinde na ako nagtaka ng makilala ko kung sino ang bumaba.
Kaya naman pala may mga reporter dahil ang sikat na banda sa japan ang darating.
Wala parin kupas ang kasikatan ng isang Paulo Cruz.
Marahil ay bibisita sya dito sa dati nyang school at pagmamay ari ng pamilya nila.

"Ang future brother in law mo pala pare" rhys said. Tiningnan ko sya ng death look na ikinatawa nila pareho ni seth.
Wala na kami ng pinsan nya kaya hinde na dapat sila nagbibiro ng ganyan.

Pero nagulat ako at ng maraming nakakita ng buksan ni Paulo ang front seat at bumaba mula doon si Belle.
Mas nagkagulo ang mga reporter sa nasaksihan at hinde na sila maawat ng mga bodyguard ni paulo na kanina pa nakaalalay sa kanya.

Nakakagulat naman talaga, magkakilala sila at bakit sila sabay na dumating?

Pinagkakaguluhan narin ngayon si belle ng mga reporter dahil marahil ay bakit sila magkasama at anong relasyon nilang dalawa.

Hinde namin marinig kung anong napapag usapan sa baba at ang mga sagot nilang pareho.
Sya naman paglapit ni ella sa amin." Gusto ata nya masira ang carrer nya," aniya na nakatanaw din sa mga pinagkakaguluhan sa baba.

"Magkakilala pala sila?" Si seth na ang nag tanong.
Tumango lang si ella bilang pag oo sa tanong ni seth.
Kung ganon magkakilala nga sila pero paano.
Matagal na si paulo sa japan at ang alam ko ay hinde ito umuwe ng pilipinas kahit isang bises.

" Close siguro sila dati?" Dagdag na tanong ni seth.

" Actually isa sya sa dahilan kung bakit umuwe dito sa pilipinas si paulo." Si ella

" Diba ikakasal na sya sa nobyo nya?"hinde ko napigilan ang sarili kong itanong iyon dahil ang alam ko ay ikakasal sya sa nobyo niya at nakaattend nga sina mommy at daddy noon sa angement party nila sa japan.
Ayon kay mommy ay nakaplano na ang kasal this year.
Baka naman iba lang ang pagkakaintinde ko sa sinabi ni ella na isa sya sa dahilan kung bakit sya umuwe dito.
Malay natin bestfriend sila o magkamag anak. What ever.

"Ang papa nya ang may gustong magpakasal sya doon hinde nya kagustuhan," sabi niya.alam ko narin naman iyon pero matagal na silang mag nobyo hinde parin sya napapamahal sa babae." Ang sabi lang nya kagabi kaya niyang suwayn ang papa nya para lang sa babaeng gusto nya." Dagdag nya"mukhang si belle ang tinutukoy nya."
Lahat kami napatingin kay ella sa huli nyang sinabi.
Tama nga ang hinala ko.
Pero bakit nakaramdam ako ng kakaibang kirot sa puso ko.
Wala naman akong gusto sa kanya pero bakit bigla akong nagselos sa sinabi ni ella.
Kung ano man ang relasyon nila wala ka ng pakialam doon donny.
Una sinabi mo lang na nililigawan mo sya para malaman ni ella na wala na kayong dapat ayosin sa relasyon nyo dati.
Pangalawa magkaibigan na kayo ngayon huwag mo ng bigyan ng iba pang kahulogan iyon.
Maging masaya ka nalang dahil sa kanya napunta at hinde sa pinsan mong playboy na alam mong paiiyakin lang nya sa huli.

Loving you |completedWhere stories live. Discover now