08

242 4 2
                                    


  
DONNY POV-

Siraulo talaga ang pinsan ko, kakarating lang niya dito sa pilipinas sakit nang ulo ang binigay sa akin.

Usapan namin ay magkikita kami kanina sa school pagkatapos ng practice ko,
Aba ang loko hinde dumating.

Nong isang linggo pa sya dumating dito sa pilipinas galing japan pero hinde namin alam. Kung saan saan na ata nagpupunta at kanina lang nya sinabi na andito pala sya sa pilipinas, sinulit nya ang isang linggo dahil alam niya pag tumapak na sya sa mansyon nina lolo at lola ay limitado na ang galaw nya.

Sa japan ang both parents ni mark, dito na sya tinapon kasi hinde na sya mapatino ng daddy nya. Kaya nag deside silang kay lolo muna hanggat hinde nagtitino.
Alam nilang strict si lolo,takot kami lahat sa kanya puwera nalang ata kay mark kaya ngayon palang goodluck kay lolo.

Nagmamaniho ako susundoin ko sya,tumawag sya at nagpapasundo dahil wala daw dalang sasakyan naiwan daw nya sa school.
Hinde ko alam kung paano nya naiwan sa school hinde nga ako sinipot kanina.

Dahilan lang nya na naiwan nya para makalusot. Alam kona galawan ng pinsan ko.
Dito nanaman ata magkakalat ng kagaguhan sa school.

Natatanaw kona sya nakaupo sa sakayan ng bus.
Anong balak nya sasakay ng bus pauwe.

Huminto ako sa tapat nya at pinagbuksan ng bintana.
Ang lapad ng ngiti ng gago akala mo nanalo ng loto.

ang tagal mo naman  bro ”
Sya pa ngayOn ang nagrereklamo.

kung hinde kaba naman gago,may sasakyan ka pero nagpapasundo ka ”

naiwan konga sa school ”

at sinong uutuin mo,hinde ka nagpakita sa akin tapos ngayon sasabihin mo naiwan mo doon ”

“ totoo ”

Sinasapian ba ang gago nakangiti parin habang nakatingin sa labas ng bintana.

anong ngiti naman nyan ?”
Nagtanong na ako kisa Mabaliw pa kakaisip sa ugok na ito.

Sa inyo ako titira

Sinabi ni tita sa mansyon ka titira, ako nanaman guguluhin mo sa bahay ”

Papasok na ako bukas para sabay tayo ”

Aba at naloloko na ata sya.
Kaninang umaga sinabi nya mga ilang araw muna sya hinde papasok at dipa sya handang pumasok ng school tapos ngayon nag presenta na.
Nakasagap na ata ng masamang hangin at kung ano ano na naiisip nya. Kilangan ata mapatingin sa doctor.

alam ko nanaman kung bakit gusto mona pumasok bukas ”

“ Bro may inspirasyon na ako,magtitino na ako this time ”

“ Dapat ba ako magpasalamat sa inspirasyon mo ngayon at sa tagal tagal mong siraolo napatino ka nya, kulongan lang ata hinde mo napapasukan eh ”

Tumawa ito ng napakalakas.
Sa tawa nya alam kona kung anong naalala nanaman nya.

Nasa second year kami pariho ng muntik na kami ipasok ni lolo sa kulongan.
Nag away kami that time dahil sa isang babae.
Sila ang unang nagkakilala ni ella bago ako umiksina sa kanila,hinde ko alam na gusto nya si ella kasi tuwing tinatanong ko sya kaibigan daw sila
Hanggang sa niligawan ko sya at nalaman nga niya kaya doon kami nag away.
Umabot sa suntokan at muntik nang ipakolong kami ni lolo.

Loving you |completedWhere stories live. Discover now