20

174 4 1
                                    











SETH POV






MAG UUMPISA NA ang laro pero hinde parin dumarating si donny.
Huwag syang magpapahuli kung hinde lagot sya kay coach.
Tinawagan na sya ni rhys at papunta na daw sya.


Ano bang pinagkaabalahan nya kahapon at hinde natulog ng maaga,sabi kasi nya hinde sya nagising ng maaga kaya muntik ng malate ng gising.

Hanada narin ang lahat at ilang ninuto nalang talaga ay magsisimula na.
Tinatawag na kada isa isa ang kabilang team at kami na ang susunod na papasok.

Nakahinga ng maluwag ang coach namin ng makita namin si donny.
Halata ngang kulang sya sa tulog.

Nagpalit na sya ng damit at magsisimula na ngang tawagin ang team namin.
Sya ang pinakahuling pumasok sa amin.
Hiyawan ng mga taong nanonood nang sya ang pumasok.
Kilala na kasi syang magaling mag basketball.
Maraming tao ang nanonood ngayon at halos mapuno ang basketball court kahit napaka laki naman ito.

May iba pa namang laro ngayon sa ibang court pero dito na ata ang maraming nanonood.

Hinde nakaligtas sa mata ko si blythe na parang tanga sa ginagawa nyang pag sasayaw.
Oo magaling sya sumayaw pero ano naman. Pakulo nya at nagsasayaw sabay sigaw pa ng pangalana ng school namin.
Marami din naman ang taga suporta ng ibang team pero dahil sa school namin ginanap ang laro mas marami parin ang taga suporta namin.

Kakaumpisa palang ng laro pero mainit na ang labanan.magaling ang kalaban at nakikita naming ayaw nilang nalalamangan ng puntos. Lalo na ang lalaking matangkad na may pagka guwapo narin.
Masyado syang magaling at pati si donny ay nahihirapan syang lusutan.




Nag overtime ang kalaban kaya pahinga muna kami ngayon.
Inabotan ako ni blythe ng tubig at pampamunas ng pawis.
Napatingin ako kay rhys na iba ang tingin sa kapatid.
Away nanaman ang dalawa panigurado.

Naging mainit pa ang laro hanggang sa last quarters. Subrang nagkakainitan na si donny at ang nasa kabilang team.
Paano ba naman kasi ay larang naghahanap sila ng away at sinusubukan talaga nila kung hanggang saan ang kayang pananahimik ni donny.
Pati si rhys ay hinde narin makapagpigil at mapapatulan na sila.
Pinapaalalahanan ko lang sila na nasa court kami at baka pag kami ang mag umpisa ng away ay baka ma violation kami at hinde kami makapaglaro ulit.
Manalo matalo man kami ngayon ay may iba pa naman school team na makakalaban namin. Magtimpi pa sila kahit ngayon lang dahil last quarter na.


"Puwede maki upo dito?" Isang magandang dalaga ang nagtanong kung puwede makiupo sa katabi kong bakanteng upuan.
Hinanap ko si blythe kung andito parin ba sya dahil sya ang nakaupo dito.
Baka pag nakita nyang may nakaupo magliyab nanaman ang ilong non sa galit.

Sinabi ko nalang na wala.sayang kung hinde ko pauupuin ang magandang katulad nya.

"Francine nga pala." Pagpapakilala nya sabay abot ng kamay niya.nakikipagkamay sya sa akin.
Sino ba naman ako para tanggihan sya.
Ngunit parang kakambal ng kamalasan si blythe dahil bigla bigla sumusulpot.
Hinila niya ang kamay ko na handa na sana abotin ang kamay ni francine.

"Hoy mali ka ng team na nilapitan!" Pagtataray niya.pinigilan ko sya habang hawak ang kabilang kamay nya.
Ang hilig niya talaga sa away.

"Kuya mo diba ang mayabang na nasa kabilang team diba?" Isang ngiti lang ang isinagot sa kanya ni francine.
Sino namang mayabang ang tinutukoy ni blythe.
Ang haba naman ata ng antena niya at nalaman agad niyang magkapatid sila.


"Sabihin mo sa kuya mo matatalo sila kaya huwag syang naghahanap ng away."
Ang sarap tirisin ni blythe alam nyo guys.
Kung hinde lang sya kapatid ni rhys at kung hinde ko lang alam na childesh talaga sya ay matagal na ito nakatikim sa akin ng batok kanina pa.
Ngayon nga lang may lumapit at nagpakilalang maganda sa akin sinira pa nya.


Loving you |completedWhere stories live. Discover now