19

174 4 0
                                    







KAORI POV




NAALIMPUNGATAN  ako dahil sa sinag ng araw na nagmumula sa nakabukas na bintana.
Agad pumasok sa isip ko na hinde katulad ng bintana ng kuwarto ko.
Napabalikwas ako ng upo at iginala ang tingin sa kabuowan ng kuwarto.
Ibang iba ang kuwartong ito sa kuwarto ko.kaninong kuwarto itong napasokan ko?

"Gising kana pala?" Halos malaglag ang puso ko sa gulat ng magsalita si blythe sa tabi ko at kakagising lang nya..
Kung ganon sa kanya ang kuwartong ito at nasa bahay nila ako natulog kagabe?
Inaalala ko ang nangyari kung oaano ako napunta dito.ang huli kung natatandaan na kasama ko ay si Alvi. Dinala nya ako sa hotel at doon kami kumain.pero ang naalala ko lang talaga ay kumakain kami habang nag kukuwento sya about sa naging buhay nya nong mag break kami.
Pero hanggang doon lang ang natatandaan ko.

"Huwag kana mag isip jan, bumangon kana at baka naghihintay na satin si kuya sa baba."
Pumasok na si blythe sa banyo at mukhang maliligo pa ata.
Mabilis lang sya natapos at sakto namang tapos narin ako mag hilamos.
Kaylangan kong makauwe dahil panigurado nag aalala na sina mommy ngayon dahil hinde ako umuwe kagabi at hinde rin ako nakapag paalam na dito matutulog.


Tama nga si blythe,nadatnan namin pagbaba namin si rhys na naghihintay sa hapag kainan habang nagbabasa ng news paper.mukhang wala ang magulang nila dahil tangin si rhys lang ang nakaupo sa mahabang mesa.


"Halina kayo para makapasok na tayo sa school." Sabi nya ng mapansin kami na pababa na kami ng hagdanan.
Agad naman kami pinaglagyan ng pagkain sa plato ng katulong nila.
Iba pala ang isang RHYS pag nasa bahay at pag nasa labas. Subrang tahimik at pormal nya pag nasa bahay samantalang pag nasa school ay subrang napaka babaero at mahangin.


"Kumain kana at hinde ka nakapag lunch kagabi dahil hinde kana pinagising sa ganda ng tulog mo?" Sabi pa nya ng mapansing nakatingin lang ako sa kanya,nahiya naman ako ng kaunti dahil sa nagawa ko.bakit kasi tinitingnan kopa sya,may third eye ata sya at nakikita niya ang nasa paligid niya kahit hinde sya nakatingin.


"Sa bahay nalang ako dederitso,magpapalit ako ng damit ko,na txt kona kay mommy na ipasondo ako sa driver namin dito." Nahihiya kung pahayag dahil hinde talaga ako makatingin sa kanya ng deritso.
Nahuli lang naman nya akong nakatingin sa kanya bakit ako mahihiya ng ganito kalala.
Hinde lang naman ikaw ang nahuli nyang nakatingin sa kanya dahil marahil marami ng babaeng nakatitig pa sa kanya.


"Anjan na damit mo,pinadala ng mommy mo kanin." Hinde agad ako nakakilos sa sinabi nya.
Kung ganon tinawagan nya sina mommy.

"Ipinag paalam kita kagabe kay tita na dito matutulog at may mga subject akong hinde maintindihan,magpapaturo ako sayo kaya pumayag sya" si blythe.
Ngumiti lang ako sa kanya bilang sagot.
Hinde ko parin maalala kung bakit ako nandito.
Siguro ay si Alvi nalang ang tatanungin ko sa bagay na iyon.
Nagpatuloy na ako sa pagkain at nang matapos ay nakigamit ng banyo ni blythe at naligo para makapasok na sa school.
Pinasabay narin nila ako papasok.

Subrang tahimik lang nila ngayon at hinde ako sanay sa kanilang magkapatid pag ganitong tahimik lang sila.
Sanay ako sa kakulitan ni blythe lalo na pag masama ang kuya niya.

Hanggang makarating kami at humiwalay sa amin si rhys ay hinde talaga sya nagsalita o hinde man lang sya umimik.
Basta lang kami iniwan ni blythe sa parking lot.


"Away ba kayo ng kuya mo?" Hinde ko natiis na huwag itanong kay blythe ang napapansin ko."bakit ganon nalang sya katahimik kanina?" Dagdag ko pa.


Loving you |completedWhere stories live. Discover now