22

195 7 2
                                    






BELLE POV






HINDE ako dalawin ng antok ngayon,paano ba naman kasi hinde mawala-wala sa isip ko yong sinabi ni donny kanina.
"Seryoso ba talaga sya sa sinabi nya"kanina pa ako palakad lakad dito sa labas ng apartment,tulog na si aunte kaya hinde naman ata nya ako mapapansin ngayon sa labas.

"Ang gulo nya talaga kahit kilan"heto baliw na ako kinakausap kona pati sarili ko.
Ano nalang iisipin sa akin ni ella pag nalaman nya, siguro kung aabot na hanggang langit ang galit nya sa akin.
Namomroblima nanga ako kay paulo dahil sa alok nya sakin sa pagpapagamot ko dinagdagan naman nya ng mas malala pa.

Mapapaaga ata ang paglala ng sakit ko dahil sa kanya eh, ginulo nya utak ko kakaisip.










Malawak ang pagkakangiti ni blythe, para na syang iwan na hinde namin malaman kung anong nakain nya sa subrang laki ng ngiti nya.
Tinanong na sya ni kaori pero masaya lang daw sya dahil may magandang nangyari sa kanya kahapon.
Baliw na sya panigurado.

Ngayon pa naman ang laro namin tapos hinde maganda ang tulog ko kagabi,baka kung mapano pa ako nito mamaya.
Uminom narin ako ng gamot at maagang nag almusal.
Nag trxt narin si paulo na kung may maramdaman ako mamaya ay tawagan agad sya.
Busy sya kaya paano ko pa sya magagawangabalahin sa lagay nayon.
Imbes atupagin nya trabaho nya nagagawa pa nyang mag updated sa akin.

"Galingan nyo ah." Si blythe, may mga paandar talaga ang babae na ito,pag ito gumawa ng eksina mamaya nakoo mababatukan ko.

Handa na ang lahat at malapit na kami maglaro.kinakabahan pa ako lalo na ata mukhang magagaling ang kabilang team at malalaki rin ang katawan kumpara naman sa amin."Mukhang mapapalaban kami ng husto ngayon"
Ayoko sana pumasok muna sa ring at mamaya pa sana ako maglalaro pero si coach ang nagdeside na papasokin na ako sa 1st quarter palang.
Kinakabahan talaga ako ng subra.

Nakita ko sina Rhys at seth pati si donny, manonood pala sila,"wala ba silang laro?"
Nginitian ko nalang sila ng makita nila ako.
Nasabi ni blythe na nanalo daw sila kahapon sa basketball game nila.
Hinde na iyon nakakabigla lalo pa at magagaling naman talaga sila.

Mag uumpisa na kaya naman pumasok na kami ni kaori kasama ang ibang team.
Hinde paman nagsisimula ay umalingaw-ngaw na ang malakas na busis ni blythe.
Isigaw ba naman ang pangalan namin ni kaori pati ang pangalan ng school namin.
Pasaway talaga sya,sinabigan ko na sya kanina na huwag gumawa ng eksina pero hito sya ginagawa na nya.

Nag umpisa na kami guys.
,kalma sa umpisa pero mukhang nag iinitan na sa laro.
Hinde ko pa pala nasasabi na kasama namin si samantha,pinili lang daw kasi talaga ni coach sa lahat ng player ng vallyball ng school ay iyong magagaling.
Hinde ko naman i iniiexpect na mapipili kami ni kaori sa dami ng magagaling sa school namin.
At oo guys subrang kilala pala talaga si samantha maging sa ibang school.
Rinig na rinig ang hiyawan ng mga tagahanga nya kahit ibang school ay nagsisigawan para sa kanya.

Napapansin korin na medyo takot sa kanya ang kalaban namin, magaling naman talaga sya kaya hinde na nakakagulat ang mga reaksyon nila sa kanya.
Kalmado sya maglaro at super galing nya tumira. Halos kalahati nga ng puntos namin ay sya ang nakakuha eh.

"FOCUS MISS MARIANO,NAWAWALA KA MINSAN.!!" Wika ni coach ng mag time out.
Uminom ako ng tubig at nagpunas ng pawis ko.
Nagsasalita pa si coach ng kung ano ano sa dapat namin gawin pag tapos na ang timeout.
Nakikinig naman ako pero kaylangan kona ata magpahinga kahit ilang minuto lang.
Change court na rin kasi kaya ako nakakaramdam na ng pagod ngayon.

Loving you |completedWhere stories live. Discover now