14

201 5 1
                                    





BELLE POV






HINDE na nakakagulat ang kumakalat na balita sa school tungkol amin ni donny.
Wala naman mag papakalat non kung hinde si ella.
Sya ang kasama namin nang marinig nya ang pag uusap nina mark at donny tungkol sa pagpapanggap namin ni donny.

Wala naman issue sakin iyon dahil kahit kalat sa school ang pag dedate namin pero wala naman talagang nangyaring date.

Ito siguro naisip ni ella ang ikalat sa buong school para makaganti sa akin.

Sinabi ko narin sa mga kaibigan ko ang buong storya kung paano kami nalagay ni donny sa ganoong setup.
Naintindihan naman nila at mas maganda nadaw na lumabas ang totoo dahil ako daw ang masasaktan sa huli pag nainlove ako kay donny at sa huli si ella naman pala ang mahal, kaya daw siguro iyon ginawa ni donny ay para pagselosin si ella sa ginawa niyang pakikipag break noon.

Alam ko naman iyon at aware akong mali rin ang pag payag ko.
Hinde rin ako apektado kung nalaman man o wala ni ella.
Ang iniisip ko ngayon ay ang sinabi niyang ipapatanggal ako sa iskolar ko.

Alam kung kayang kaya niyang gawin iyon.
Wala pa syang hinde ginawa sa mga sinasabi nya.
Kilala ko sya at kahit imposible ay magiging posible sa lola nya.
Masyado sya pinapaboran ni lola na kahit mali ay mas pinapakinggan parin sya kisa sa iba.



Kahit ilang besis ko sinabi okey lang ako at hinde ako naapektuhan sa mga kumakalat na balita tungkol sa akin ay anjan parin ang mga kaibigan ko para sa akin.
Hinde ko daw pinapakitang naapektuhan ako kasi ayaw ko daw mag alala sila.

Kung ano ano na naiisip nila kahit wala naman talaga sa akin iyon.

Ano naman kung hinde totoong nililigawan ako ni donny.
Mas matuwa panga sila dahil ang pinapantasya nila eh hinde naman talaga ako nililigawan.

Doon sila dapat magalit kay ella dahil sya ang girlfriend,sya ang totoong kaagaw nila.



"Napaka ambisyosa mo naman pala, ipinagkalat mo talagang nililigawan ka ni donny?"
Ang mga haliparot na walang magawa sa buahay nila.
Ako nanaman ata ang pagtatripan nila.

"Hinde ko ipinag kalat ang tungkol sa bagay nayan"
Sabi ko nalang dahil ayaw ko patulan ang mga kagaya nila.

Hinde na ako high school para makipag sagutan.
May mga iba pang dapat pag aksayahan ng oras,hinde iyong tulad nito na wala akong mapapala.


"Kahit kaylan hinde ka magugustohan ni donny, may ella sya at sila ang bagay"

Ano naman ang kinalaman ko sa relasyon nila. Akala koba break na sila dati pa.

"Hinde na tayo high school para pag awayan ang relasyon ng iba"

" Dahil ang kapal ng mukha mong ipagkalat ang hinde naman totoo"

Ganyan naba sila kabaliw para makipag away sa iba para lang ipagtanggol ang gusto nila.

"Wala akong ipinag kalat at sana tantanan nyo na ako"
Inis na talaga ako sa kanila.

Nilagpasan ko sila pero masyadong mabilis ang pangyayari at hinde ko napansin ang paglapit agad ng isa sa kanila at hinila ang buhok ko.
Hinde pa naman ako nagtali ngayon dahil basa pa buhok ko.

Nasasaktan na ako dahil humigpit ang kapit nya at hinihila na talaga ako.
Napasunod nalang ako kung saan man nila ako hinihila dahil nasasaktan na talaga ako.

Loving you |completedWhere stories live. Discover now