Chapter 23

8.1K 196 14
                                    


"Ah! Anoooo?" Nayayamot na tanong ni Gail sa lalaking kumakaladkad sakanya gamit ng kamay nya. Hindi sya malingon ni Kleigh, naiinis ito at gusto pang sundan si Travis na sandaling nakaiwas sa mahika nya. Konting galos lang ang natamo ni travis at hindi yun sapat para maging ayos ang lahat.

"Magpaliwanag ka nga, kanina pa ako nagsasalita dito ah" nabahidan ang pagkatakot nya ng pagkayamot sa lalaking hinihintay nya na hindi makalingin sakanya ng ayos. Kasalukuyang kinakaladkad papunta sa kwarto, kahit na siguro ang ilan ay maiinis kung hindi sila papansinin ng
Taong hinihintay nya at inaasahang natutulog sa oras na to.

Madilim sa kwarto ng buksan ito ni Kleigh na hindi nagsasalita sa oras na ito. Masyado na syang mahina, hindi na nya kayang pagtagumpayan ang mga gusto nya.

Ayaw nya lang na basta matulog lalo na sa panahon na nalaman nya ang nasa isip ng dalaga. Masakit man isipin pero nalaman nya yun sa paraan ng pagmamahalan nilang dalawa. Ang pinakaunang pagtatalik nila sa nakalipas na dalawang linggo.

Nakatingin sa mga mata.

Nasakanya ang buong atensyon ng dalaga kaya di na nito napigilang malaman ang lahat. Tinanong pa nya ang dalaga kung bakit, pero bakas sa mukha nito na ayaw na nitong alalahin ang nangyari.

Isa nga syang tanga.

"Ah! Magpaliwanag ka nga. Akala ko ba natutulog ka ngayon, tapos nambabasag ka pa talaga ng bintana. Iba rin ang trip mo n---"

Agad nyang hinalikan ng buong pananabik ang kasinatahan na lagi nyang tinatanaw tuwing natutulog. Ang babaeng umiiyak sa gabi sa kaiisip sakanya at ang babaeng hindi nya makakamtan habang buhay.

Sa tatlong araw na pagtulog ay maliit na bagay lang ang nagawa nya. Di sapat para protektahan ang prinsesa nya.

>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>
*next morning*

"Aah! Nakakainis" nakangiting sabi ni Gail ng makita si Kleigh na mulat mulat parin ang mata habang linalaro ang buhok nya.

"Akala ko mauunahan kitang magising" nakangiting sabi ni Gail habang nakatingin kay Kleigh na nakatingin sakanya sa oras na ito. Sobrang lapit nila sa isa't isa dahilan para maramdaman na ni Gail ang paghinga ni Kleigh.

"..uhm. Pwede ka nabang magpaliwanag sakin?" Tanong ng dalaga habang hindi inaalis ang kamay ng binata na lumalaronsa buhok nito. Napadako na lang ang tingin nya ng umupo ang binata kaya napaupo din sya. Napasandal sa kama kasama ang isang makapal na kumot na nagbabalot sa hubad na katawan nilang dalawa.

Matahimik at umaga na. Hindi nagsasalita si Kleigh kaya hindi nito alam ang nasa isip nito, napakabilis ng araw na naging ganito na ang pagtingin ni Kleigh kay Gail. Minahal na nya ito iyo ng lubos.

"Basta mahal kita"

Matahimik na hinalikan ang dalaga at napatingin ang tingin nito sa tiyan nito. Sandaling napangiti at napahawak sa maliit na tiyan ng dalaga. Agad itong nag takha.

"Bakit?" Inosenteng tanong ni gail habang nakangiwing nakatingin sa tiyan nya, nakangiti si Kleigh ng tignan ang dalaga.

"Salamat dito, Gail" kahit na bakas ang tuwa sa mukha nito nanatiling may malungkot na emosyon na napapailalim sa mga ngiting yun.

Pinangarap nya na magkaroon ng pamilya. Asawa at anak na tatangap sa pag katao nya. Sana mangyari pa nga ang bagay na yun base sa konklusyon nya sa isip nya.

"Anong salamat ka dyan, Parang tanga? -__-" nayayamot na sabi ni Gail tsaka inalis ang hawak ni Kleigh sa tiyan nya na may nakabalot na makapal na kumot.

Chase her InnocenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon