Chapter 19

7.6K 199 6
                                    

9:32am

Tahimik lang na nakatingin si Danzell sa plato na nasa harap nya. Kasama nya ang dalawang maid ng malaking bahay na bagya lang talaga kung mag salita. Kaya siguro nahawa na si Danzell na maging matahimik din at ituring ang sarili nya bilang isang weirdong tao.

"Umalis ba si Dad?" Tanong na lang ni Danzell dahilan para mapatigil sa paghahanda ng pagkain ang dalawang maid.

"Oo. Kagabi ko lang napansin"

Di pa rin kasi umuuwi ang ama nya na parang wala sa sarili sa oras na ito.

"Goodmorning, Sweetie" napatingin na lang si Danzell sa may bandang pinto na kinalalagyan ni Miara sa oras na ito.

"Goodmorning, Tita" nakangiting sabi ni Danzell ng maupo sa tapat nya si Miara.

"Eat your breakfast as well,.. Gusto mo bang lumabas ulit tayo mamaya?" Nakangiting sabi ni Miara habang hinihintay na mapuno ang juice sa isang baso. Hawak hawak nya ang isang pitsel para mapuno ng juice ang baso nya.

"Wala pa po si Dad eh. Papaalam muna ako" sabi nya habang nakatingin sa ulam nya sa plato. Nakasanayan na nya kasi sa mga nagdaang araw na magpaalam sa ama nya bago umalis sa bahay.

"Kailangan pa ba yun?,.. Besides ako nanamang bahala eh." Nakangiting sabi muli ni Miara habang pinapanuod ang mahinhing pagkain ni Danzell sa hapag.

"Come on.. Sweetie. Wala pa naman ang daddy mo eh. Ako mismo ang magpapaalam sakanya. Susunduin mo na lang naman ang daddy mo"

"Ok" tango tangong sabi ni Danzell. Tingin nya'y wala namang problema kung sumama sya sa tita miara nya, nasabi pa nito na sya nanamang bahala diba? Wala ng problema.

>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>

"Di po ba natin isasama si tita Gail? Sabi nya kasi sakin kahapon, aalis kami pareho." Hawak hawak ni Miara ang maliit na kamay ni Danzell papunta sa kotse nya. Agad nyang kinuha ang susi na nasa pouch nya ng makita si Danzell sa loob ng kotse.

Akala nya magiging mahirap ang bagay na ito, pero sobrang dali lang naman pala paikutin ang ulo nila.

"Not really, isasama ko din naman sila sa susunod" nakangiting sabi nya ni Miara ng sumakay na sa driver seat.. Alam nya sa sarili nya na dalawa ang kahulugan ng bawat binabanggit na salita nya sa bata.

"Okeeyyy.." Sabi na lang ni danzell tsaka sumandal sa malambot na upuan ng kotse. Mataas ang kalidad ng kotseng to kaya madaling makatulog, masarap pa sa pakiramdam..

"Just take a sleep, sweetie huh?" Huling salita na makakapagsarado ng mata ni Danzell ng dahil sa tulog.

>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>

"Why? What the hell!" Nasabi na lang ni Barbara na kaugnay pa sa plano ni Miara. Bakas ang pagkabigla ng makita ng dalawang babae na si barbara at aris ng makita si Leigh na nasa loob ng isang silid. Nakahiga pa ito sa kama pero sobrang putla. Buhay pa ang lalaking to at hinihintay na mamatay ang satili para mabawasan ang sakit na nadarama.

Isang nakakalasong gamot na unti unting pumapatay kay Leigh. Inuuna nito ang mga lamang loob nya. Inshort mauuna pa yatang maging bangkay ang lalaki bago sya mamatay. Living zombie pag nagkataon.

Kung kaya nya lang magpakamatay sa oras na ito, mukhang nagawa na nya.

"Fvck. Miara, isasama mo pa ba yung batang nasa baba?" Tanong ni Aris. Masyado syang naguguluhan at kailangan pang unawain ang lahat. Alam nilang tutulungan pa nila si Miara sa engagement party na malapit ng maganap. Madaming paghahanda ang dapat gawin at kailangan pang i contact ang ilang bampira na nasa ibang bansa, sa syudad o kahit sa lugar na ito.

Chase her InnocenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon