Chapter 11

13K 354 3
                                    

SHERIENA GAIL TAMONTE POV

Sinubukan kong paandar ulit ang kotse. Pero shit!

Naka stuck talaga eh! Ewan ko ba kung ano nang nangyari dito.

"Siomai tinapay" bulong ko. Ayaw kong tignan kung sino man ang lalaki yun. Nakakasigurado akong lalaki yun dahil sa hubog ng katawan nya, isang lalaking hindi ko alam kung anong pwedeng magawa.

Napamura akong mahina ng makita kong bumababa ang bintana ng kotse ko kahit na wala akong ginagawa. Naalarma ako, halos hindi na nga ako makagalaw dahil sa nasaksihan ko.

Multo ba yun o ano?

Pinikit ko na lang ang mga mata ko habang ang mga kamay ko ay mahigpit na naka hawak sa manebela ng kotse. Kung makakaya ko na yatang ihinto ang paghinga ko kanina ko pa nagawa.

"Anong trip yan?"

Sa boses na yun agad agad na nagbukas ang mga mata ko. At nawala ang mahigpit na pagkapit ko sa manebela. Halos magulat ako sa nakita ko.

Akala ko di ko na makikita ang lalaking to.

"Nesfuta naman eh! Ikaw lang pala" halos tangalin ko na ang manebela na hawak ko ng makita ko ang lalaking to. Akala ko naman kung sino na. Nakakainis. Akala ko na kung sino, siya lang naman pala.

"Bakit ba?" Bored na sabi nya. Nakita ko rin na ang mga braso nya ay nakasabit pa sa bintana ng kotse ko habang suot suot nya ang kulay itim na jacket nya.,

"Eh.. Akala ko kasi kung sino ka na" paliwanag ko sakanya. Totoo naman eh.

Mabait naman to . Kahit na alam kong bampira sya di ko na lang pinapahalata na alam ko.
Di naman kasi halata sakanya. -__- magkaiba sila ni Kleigh. Sobrang amo ng mukha nya at mukhang magalang pa sa lahat ng babae. Oh diba? Ang bait lang. Hindi pa ako mahawa hawa.

Magkaibang iba.

"San ka pupunta?" Tanong nya sakin. Nakangiti na.

Aba umaasenso si dodong ah. Napalipat na kay lady gaga ang pag ka poker face nya.

"Uuh.. Sa bayan lang"

Agad namang kumunot ang noo nya.

"Hindi naman dito ang daan sa bayan" sabi nya habang tinitignan ang nasa loob ng kotse ko.

Bwisit. Bakit ba kasi hindi ko alam kung nasan ang pinupuntahan ko?

"Wala kang kasama?" Tanong nya sakin, tumango lang ako. Kaya pala may patingin tingin pa sya sa loob ng kotse ko. Sigurado akong hahanapin nya sakin si Kleigh, gah! Hindi ko kaya al--

"Si Kleigh? Asan?"

Kitams.

"Wala, magtratrabaho daw ang gago. Pupuntahan ko sana eh. Baka nasa bayan lang" nasabi ko na lang sakanya.

"Samahan na kita" sabi na lang nya tsaka binuksan ang pintuan ng kotse ko. Kita mo to! Di pa pinapapayagan nakisakay na agad.

"Sigurado ka ba? Di ko pa alam kung san pupunta?" Inosenteng banggit ko habang nakangiwi pa.

"Ok lang."

Ayan, ngumiti nanaman sya sakin. Binuksan ko agad ang makina ng kotse. Naiilang ako sakanya. Sa mga kilos nya, ang desente. Ang manly nya kausap, lalaking lalaki.

"Ah..tsaka nga pala, salamat dun sa kahapon"

"San?"

"Pinaalis mo si Miara.Nakakatakot eh." Natatawang sabi ko habang inaabante ang kotseng to. Peste naman eh. Nakakahiya pa sakanya pag hindi to gumana.

Chase her InnocenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon