Chapter 2

37.8K 856 18
                                    


"Gail.." Narinig kong bulong sa tenga ko. Napakalambing at kaakit ang bawat salitang binibitawan nya. Kasunod pa nun ang kakaibang naramdaman ko ng paglapat ng labi nya sa leeg ko. Nakakakilabot. Pero hayok dito ang pagkalambing na nararamdaman ko mula sa estrangherong lalaking to.

Napabangon ako sa kama sa inasta nya. Nakatulog pala ako, hindi man lingid sa kaalaman kong ibang tao ang nandito ay nakatulog pa ako..

Ah! Hindi nahimatay ako. Walang makakatulog sa inasta ng lalaking to kanina.

"Masyado ka lang napagod sa biyahe kaya nahilo" paliwanag nya sa mahinahong boses.

Pinagmasdan ko ang kama na pinaglalagyan ko. Shit! Hindi ito ang kwarto ko kanina.

Yung damit ko..Holy mammoth!

"Ri nape mo ba ako?!" Bulyaw na tanong ko sakanya.

Say no!

Napatingin lang sya sa kabilang bahagi ng kwarto.

"Yun ba? ang totoo nyan--"

"Pisti ka! Ginawa mo nga." Singhal ko sakanya habang hinahahawakan ng mahigpit ang kulay puting kumot na nagbabalot sa hubad kong katawan. Kaya pala nasa sahig ang mga damit ko.

Ano na! Hindi na ako birhen?

Wala na? Butas na ba talaga? Iyak na tanong ko sa isip ko.

Gusto ko syang sipain at wala lang syang ginawa kundi nakahawak ang peste nyang kamay sa batok nya. Nakangiwi lang sya habang nakatingin sakin. Yan lang ba idadahilan nya sakin.

"wag kang umiyak hindi nam--"

"Wag ka ngang lumapit sakin"

Tingin ko magsisimula ng mamasa ang mga mata ko. Ang bilis naman, di ko manlang maalala ang nangyari. Walang akong alam, sobrang inosente ko. Bwisit! Nababoy na agad ako. Di ko pinangarap y--

" ang bilis mo naman agad magisip ng ganyan pa--"

"Oo talaga! Abnormal!" Sigaw ko sakanya. Nagsisimula na talaga ako mainis todo sakanya, yung tipong masasakal ko ang lalaking nakangisi sakin ngayon.

Nakakainis! Wala naman akong naalala n-

"Wala ka talagang maalala" mabilis na sagot nya sabay kuha ng ilang hibla ng buhok ko na nakatakip sa mukha ko.

Nakakainis eh! Ang bastos nya.

"Masasanay ka din sakin, "

"Wag ka ngang lumapit sakin!" Ayan, natatakot ako eh. Bumuhos na agad ang luha ko. Ngayon lang akong nahubadan ng kahubad hubadan. Sa buong nanghuhubad.

"Gail, wala kan--"

"Wag mo nga akong tawagin sa pangalan ko!" sumiksik pa lalo ako sa headboard ng kama. Ayaw ko sa lahat ang nagiging mahina sa harap ng tao--unggoy. Kaya nga ako nagbakasyon para dito eh. Magkaroon ng peace of mind, hindi yung sakit sa ulo.

"Di naman ako sakit sa ulo ah"

"Mammal ka! Animal!"

"Hindi pa naman kita nare rape eh" angal nya habang hinihimas ang noo nya na dinuduro duro ko kanina lang sa pagsasalita.

"Hindi ko din gagawin yun" dugtong nya pa sa mahinang tono.

"Talaga?" Masiglang tanong ko. Madali ring napawi ang iyak ko.

Ayoko pang maging batang ina noh!?

"Hindi ka pa magiging batang in--"

"Magsalita ka nalang!" Pagpupumilit ko sakanya.

Chase her InnocenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon