Chapter 8.5

13.1K 431 3
                                    


3rd PERSON's POV
* FEW DAYS LATER* (2:34pm)

"Ayaw mo pang matulog, kleigh." Sambit ni gail kay Kleigh na umiinom ng alak sa mesa, napaupo na lang tuloy si Gail habang tinitignan ang seryosong mukha ni Kleigh.

Sobrang gabi na. Kaya bumababa na lang sa sala si Gail ng mapansing di nya katabi sa pagtulog si Kleigh.

"Matulog ka na lang ulit" sabi ni Kleigh ng buksan ni Gail ang patay na ilaw. Napatingin sya kay gail hanggang sa umupo sya sa Upuan sa tapat nito.

Napasinghap na lang ang dalaga ng makitang ininom lahat ng lalaki ang isang bote ng alak ng hindi gumagamit ng baso. Sobra na yata ang pinagdadaanan nito kaya nya nagagawa ang bagay na ito.

"May problema ba, Kleigh?" Nag aalalang tanong ni Gail.

Napaisip pa sumandali ang binata ng maipikit nya ang mga mata nya.

Ayaw nyang kamuhian sya ni Gail.

Lubos lubos nitong rinerespeto kung ano mang gusto nya.

FLASHBACK:

"Dyan ka lang,Gail. Matatapusin lang ako ah" bangit nya sa inaantok na si gail ng mailapag nya Ito sa kama, nakatulog gawa ng halik ng isang bampira.

Mabilis pa sa alas kwatro ay nakarating agad sya sa kwarto kung saan nya nakita ang kapatid. Si Kiefer Leigh Austen. Panganay.

Samantalang si Kleigh naman ang bunso.

"Napansin mo pala ako?" Natatawang tugon ng lalaking nagngangalang si Leigh.

"Anong ginagawa mo dito?" Isang salita ni Kleigh ay lumiwanag ang lahat ng torch sa buong kwarto at dun nya nakita ang kapatid.

"Wala naman.Gusto ko lang kamustahin kung pano mo gagamitin ang dalagang yun"

Sumama ang tingin ni Kleigh sa kapatid. Alam nito ang mismong tinutukoy nito.

"Sige ka.. Baka gawan pa ng masama ni tanda ang dalagang yan kung hindi mo pa sya magawang bampira,"

"Wag mo kong pangunahan, alam ko kung anong gagawin ko" madiing sabi ni Kleigh.

"Eh bakit hindi natin kausapin si tanda tungkol dyan"

Sa binanggit nyang yun ay wala pang isang segundo ay natungtong agad nila ang malaking mansion ng ama nila.

Ang pinakamalakas sa lahat ng lahi ng bampira,

"Hindi ko nga sabi magagawa yun" matapang na sabi ni Kleigh ng makausap nya ng masinsinan ang ama nila. Napakalaki ng mansion at maituturing na napakaluma na nito pero napakadetalyado ang bawat famit ang naririto.

Kaya hindi mo mapapansin ang kalumaan ng mansion.

"At bakit hindi? Simple lang ang gusto ko."

"Maiging sakin mo na lang ibigay ang babaeng yun, kleigh"

Napantig ang tengga ni Kleigh sa narinig sa kapatid at binigyan ito ng matalim na tingin.

"Magingat ka sa binibitawan mong salita Leigh, ang babaeng yun ay para sakanya... Pero kung hindi mo magagawa sa madaling panahon ang gusto ko ay mapipilitan kong maibigay ang babaeng yan..kanino man sa nais ko."

Sumabog ang lahat ng emosyon ng binata at maging ang ama ay magawa na nyang saktan. Kitang kita nya kung pano magbuga ng dugo ang ama sa pangigil na ginawa ng mahika ni Kleigh sa ama.

"Lapastangan" isa yun sa masakit na salita na narinig nya sa ama bago nya naramdaman ang masakit na mahika na tumama sa may bandang tagiliran nya.

Dalawang araw syang nahimbing sa piling ng malaking mansion maging kay Miara na nagaalaga sa binata ng palihim.

END OF FLASHBACK

"Aah! Kleigh, ang bigat mo masyado. Kumapit ka nga!" Bulyaw ng dalaga habang itinataas sa hagdan ang lasing na lalaki.

Mulat pa ang diwa nito pero sadyang nahihilo ito sa mga alak na nainom.

"Gail.." Bulong nya habang naglalakad pataas..

"Manahimik ka nga! Ang bigat bigat mo oh!" Sigaw pa nya kaya bahagyang napangiti ang binata. Gustong gusto nitong naiinis si Gail dahil para syang batang sumusunod sa mga sinasabi ng dalaga.

"Mahal kita gail. Mahal kit--"

"Tahimik" saway ng dalaga habang parang nakaakbay pa ang lalaki sakanya maitaas lang ang lasingero dito. Pati na yata sya'y nalasing sa amoy ng alak mula sa bibig ng lalaki. Napapangiti pa tuloy sya ng palihim.

"Mahal na mahal kita.. Mahal na--"

"Ssh."

Chase her InnocenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon