Chapter 13

10.9K 298 15
                                    

9:47pm

Nakatingin lang ang batang si Danzell habang naglalakad si Miara palabas ng pinto ng bahay. Sobrang tahimik sa masyon maging ang matandang bampirang kanina'y nag aagaw buhay,. Ngayo'y isang malamig na bangkay na lamang.

Walang kaalam alam ang batang naghihintay sa tatay nya. Nakatingin sa pintuan at kasama ang napaka cute na aso na si Chou chou.

"Chou chou..*tingin sa aso* diba hihintayin pa natin si Dad? So stop being lazy and let's just wait him. Huh? " nakangiting sabi ng bata sa asong nakahiga sa sahig.

Ang asong to rin ang binigay ng tatay nya sakanya. Malinaw na malinaw na nakukuha nya ang lahat pagdating sa mga materyal na bagay.

Walang nagsasalita. Napaka tahimik ng batang si Danzell. Hindi tulad ng mga ordinaryong bata na dapat ay kasama ang mga magulang nila sa mga oras na ito. Ibang iba sya kaya nga ang ginagawa nya lamang ang paghihintay sa kanyang ama.

"Dad" maliit na tinig ng bata ang namutawi sa buong mansion. Nagkaroon ng kagalakan ang puso ng bata ng makita ang ama. Agad agaran nya itong yinakap kahit na walang pang tatlong hakbang papasok sa bahay.

"How's my baby?" Nakangiti ng pilit si Leigh hanggang sa mabuhat nya ang anak na si Danzell. Lasing ang sya at alam nyang napansin agad yun ng bata.

"Im fine, Dad... Do you get drunk again? Where's my mom? Babalik pa po ba sya?" Tanong batang si danzell ng maramdaman nyang dinala na sya pataas ng kwarto. Walang imik ang lalaki habang buhat buhat ang anak.

Di nya parin masabi sa anak nya na dati ng patay ang ina nya. Sigurado namang hindi maiintindihan ng batang si Danzell kung namatay ang ina nya ng hindi manlang nya nakikita.

"Dad.. You're not answering me" naka pout na sabi ni Danzell habang nakatingin sa ama na walang emosyon ang mukha ng ama.

May mga katulong sa bahay na gusto ng patulugin si Danzell pero mas pinili ng bata na hintayin ang tatay nya. Ang mga may pure blood vampires lang ang may kakayahang di makatulog. Pero kalahating tao at bampira si Danzell.

Nakakaramdam sya ng antok tulad ng mga tao, pero minsan ay na adapt na ni Danzell ang pagiging isang bampira,

"You should sleep as well"

"I don't want to sleep pa. But chou chou really do want yo sleep, da--"

"Oh damn!" Nabulalas ni Leigh ng makita ang ama na nakalupasay na ang katawan sa magandang yaring sahig. Pinakawalan agad nya si Danzell na talagang nagulat sa nakita,

"Kyaaaaahhh!" Irit ng batang babae, kasunod nun ang pagtulo ng mga luha sa mata nya. Ngayon lang sya nakakita ng dugong nakakalat sa mismong sahig. Napakabata pa nito para makakita ng ganitong bagay.

"Ssh.." Kahit na bigla ay agad na tinakpan ni Leigh ang mga mata ng anak na napayakap na sa tuhod nito.

Wala ni isang ideya tungkol sa nasaksihan.

             3:43am

Naalimpungatan ang dalagang si Gail ng magising sya ng alas tres ng gabi.

Wala sa tabi nya si Kleigh.

Agad na nagtaka si Gail ng makapa nya ang tabi ng kama. Nasa isip nya'y baka pumunta agad sa trabaho nito o baka naglalasing sa sala. Pero may iba pa pala syang nakita. Isang bulto ng isang lalaki. Alam nyang hindi iyon si Kleigh.

Parang na stuck tuloy sya na nakaupo lang sa lalaking yun. Napaka creepy dahil nakasandal pa ito sa pader ng kwarto.

"Para ka namang nakakita ng multo" natatawang sabi ng isang lalaking boses.

Chase her InnocenceWhere stories live. Discover now