Chapter 20

7.3K 190 2
                                    


>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>
11:43pm

Parang lantang gulay na naglalakad ngayon si Gail pababa ng hagdan. Hindi sya makatulog sa pag iisip kay Danzell. Wala na nga sya.

Ang bilis.

Pagkaliko nya sa may kusina ay agad nyang nakita ang mga nagkaalt na gamit, platong nabasag o kung ano pa. Narinig na nito ni Gail kanina pero hindi sya bumababa para makita kung saan galing ang ingay. Agad syang pumasok at nakita si Kleigh na inaasahan nya talagang may hawak na alak.

Wala na yata syang mailuluha.

"Kleigh. Tumigil ka na nga" kinuha nito ang ilang bote na wala ng laman tsaka nilikom. Ng bumalik ulit ang dalaga ay nakita nyang muli na linulunod ni Kleigh sa madilim na kusina ang sarili nya.

Andami dami na nyang alak na ininom.

pinanuod lang ni Kleigh kung pano kuhanin ni Gail ang isang bote na iniinom nya ng walang baso. Yan na lang ang ginagawa nya. Ang mag lasing,

Pareho naman nilang alam na parehonsilang nasasaktan sa nangyayari.

"Kleigh.. Tigil na sabi eh!" Bulyaw nya kay Kleigh ng kukuhanin pa ang alak na hawak hawak nya na inagaw nya kay Kleigh. Tumino lang ang lalaki ng marinig ang hikbi ng dalaga.

"Im sorry" sabi pa ni Kleigh tsaka yinakap ng mahigpit ang dalaga ng mapa upo nya ang dalaga famit ng paghila sa kamay nito.

"Ikaw naman kasi eh. Di na nga ako makatulog, ganyan ka pa" pagsusumbong ni Gail sa dibdib ng Lalaki. Umiiyak pa ito ng tumingin sya sa mata ni Kleigh, hindi na nya nabuksan ang ilaw kaya medyo madilim.

Pero alam nya na labi ni Kleigh ang humahalik sa labi nya ngayon.

Dahan dahan at walang halong galit.

Halik na may pagmamahal hanggang sa maihiga ni Kleigh si Gail sa kama habang walang bumibitaw sa halik. Damang dama nya ang pagmamahal ng lalaking to sakanya.

Lalo na sa sobrang ingat nya ng ilapag nya na parang isang babasaging pigurin ang dalaga sa kama.

>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>

SHERIENA GAIL TAMONTE POV

Agad na kumunot ang noo ko ng maaninagan ng liwanag galing sa sikat ng araw sa bintanang nakabukas, agad ko na sanang tatakpan ang mga mata ko sa sinag ng araw ng may ibang kamay na ang nagtakip sa mga mata ko.

Si Kleigh,

Di na ako nabahala. Pagka alis na ng mga kamay nya sa kamay ko na nasa likod ko pa talaga nakapwesto ay nakita ko na lang na nakasarado ang bintana ng hindi sya umaalis sa yakap sa likod ko,. Nagmagic nanaman yata sya. Napapahanga na lang ako.

"Goodmorning" bulong nya sa tenga ko kaya napalingon agad ako sakanya. Dikit na dikit naman ng katawan nito sakin. Isang kumot na nga lang kami nagsasapi eh.

Humarap ako sakanya ng nakangiti. Ganun din naman sya sakin, pero may iba sa mata nya. Malungkot parin sya, ganun din naman ako. Akala ko makakalimutan na nya ang pangyayaring yun sa nangyari samin kagabi.

Di pa din pala.

"Hindi ko na lock yung bintana, Sensya na" nakangiting sabi nya tsaka iginilid ang hibla ng buhok ko sa may likod ng tenga ko.

Agad akong umupo sa kama habang tinitignan nya, todo kapit ko sa puting kumot sa katawan ko. Mahirap na at baka mabastos pa ako nito.

Kinuha ko ang mga damit nya na nasa tabi ko. Ito ung suot nya kagabi, sya na maglilikom. Nakita ko din ang mga nagkalat kong damit na nasa may sahig.

Chase her InnocenceWhere stories live. Discover now