Prologue

31.1K 442 31
                                    

NAPAHUGOT ng malalim na hininga si Jackie nang makita ang marker ng bayan ng San Joaquin. Bahagya niyang sinulyapan si Yael pero hindi ito nakatingin sa kanya. Hindi makita ni Jackie ang mga mata ni Yael dahil naka-shades ito. Pero base sa pagkakatikom ng mga labi nito, alam niyang malalim din ang iniisip nito.


Inikot ni Jackie ang wedding ring na nasa kaliwang kamay niya. Hinugot niya iyon pero muli ring ibinalik. Tumingin siya sa bintana ng sasakyan. Ilang sandali na lang ay itatabi na ni Yael ang pick-up sa harap ng gate nila.


Napapitlag si Jackie nang gagapin ni Yael ang kamay niya. Tumingin siya dito.

Ngumiti si Yael. Lumabas tuloy ang nag-iisang dimple nito. "Everything's gonna be okay, babe," anito. Dinala nito sa mga labi nito ang kaliwang kamay niya at hinalikan iyon.


Sinuklian ni Jackie ang ngiti nito pero hindi niya magawang magsalita. Napakabilis ng tibok ng puso niya.


"Tanggalin mo na muna 'yang singsing mo," wika ni Yael. "Ako na lang muna ang magtatago."

Muling humugot si Jackie ng malalim na hininga. "Parang ayoko siyang tanggalin, Yael. Kaka-twenty-four hours pa lang niya sa kamay ko, eh."


Bahagyang tumawa si Yael. "Babe, ayoko din namang tanggalin ang singsing ko, eh," anito. "Pero malamang tatagain ako ng Papa mo kapag nakita 'yan. At ang labas mo, biyuda twenty-four hours pagkatapos ng kasal mo."


Sinimangutan ni Jackie si Yael pero hinugot niya ang singsing at iniabot iyon dito. "Kinakabahan na nga ako, nagpapatawa ka pa."


"Hindi ako nagpapatawa," anito. Ibinulsa nito ang singsing. "Masaya lang talaga ako. Ikaw ba hindi?"


Napailing si Jackie pero hindi na niya napigilan ang pagguhit ng ngiti sa labi niya. Siyempre masaya siya. At hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa mga nangyari kahapon. Sa nangyari kagabi.


They just got married. Secretly.


Dahil kapag nalaman ng mga magulang niya, ibibitin siya ng patiwarik at malamang nga, tatagain talaga ng papa niya si Yael.


She was only nineteen. Si Yael naman ay twenty-four.


Naging boyfriend ni Jackie si Yael noong sixteen siya. Siyempre tutol ang mga magulang niya noon. Bukod kasi sa napakabata pa daw niya ay baka makasira daw sa pag-aaral niya ang pakikipag-relasyon niya kay Yael. Pero nangako si Yael sa mga magulang niya na aalagaan siya nito. Na babantayan siya nito.


But it was easier said than done. They were so in-love. Hindi na nila nakikita ang sarili nila na mabubuhay nang hindi kasama ang isa't-isa. Maliban pa iyon sa katotohanang pareho silang nasa Maynila at malayo sa mga magulang nila. Make-out sessions became hotter and hotter. At dahil nangako si Yael sa kanya na walang mangyayari sa kanila hangga't hindi sila ikinakasal, gumawa ito ng paraan para makasal sila. Hindi naging mahirap iyon. Yael was willing to pay and he knew the right people.


At kahapon ay opisyal siyang naging Mrs. Rafael Diestro. She was now Jacqueline De Vera Diestro.

Because Almost is Never EnoughWhere stories live. Discover now