HM - 10

41 3 0
                                    

Dear Diary,

Nandito ulit ako sa inuupuan ko. Nakatingin sa matagal ko ng nililihim na hinahangaan. Guess what? Di ko na siya matagalan tingnan ngayon.

Lady Lee



Nandito na ulit ako sa bench sa harap ng football field hawak ang diary ko. Tama kayo sa nabasa nyo. Hindi ko na siya kayang tingnan pa.



After namin magkausap at magkalinawan, hindi na kami nagusap ni Lucas. He completely ignore me. Sa school, sa field, sa room at hindi na ulit siya tumapak sa canteen.





"They broke up?"

"Pero ang sweet nila diba?"

"Baka ginayuma lang niya si Lucas!"

"Buti nga! May pag-asa na ulit tayo!"





Gaya ng dati nagspread na agad ang tsismis na "hiwalay" na kami ni Lucas. Sa totoo lang, wala akong pakialam. Hindi na rin ako gaya ng dati na taong walang pakiramdam ngunit natuto akong maging manhid.

Isang buwan narin ang lumipas ng magdecide kami ni Lucas. At kahit magkaklase kami, hindi na ako nagkalakas ng loob pa na makipag-usap sa kanya. Minsan, pag group project, nagkakatanungan pero hanggang "ah" "eh" at "uhhmmm" na lang ang kaya kong sabihin sa kanya.

"Lady, anung ginagawa mo diyan sa may bench? Pasok na tayo. May quiz pa tayo kay Maam Lala." tinawag na ako ni Aya para pumasok. Tumango lang ako. Isa pa pala yung babaeng yun. Mula ng nangyari ang paghihiwalay namin ni Lucas, ee lagi niya akong kinukulit bakit daw kami nagkaganun. Pero hindi ko naman sinasabi sa kanya.

May dalawang dahilan ako. Una, hindi naman kasi talaga kami ni Lucas. Panu ko sasabihin na nagkaganun ee hindi nga naging ganun diba? Pangalawa, baka malaman nya na may gusto ako kay Lucas. At pag nalaman ni Aya yun, for sure gulo ang mangyayari.



Napabuntong hininga na lang ako. Masyado na akong fed up ngayong araw na ito. Hindi ko na kinakaya ang mga pangyayari sa buhay ko. All i can say is, I fall hard for him. Pero imbes na manatili siya sa buhay ko, pinili nya parin akong iwan. At hindi ko maiwasan di isipin kung bakit.

Tumayo na ako at naglakad na ng nakayuko ng may nabunggo akong tumatakbong tao sa harap ko. At dahil nakayuko ako, nawalan ako ng balanse at napahiga, kasabay ng nabunggo ko.



"Lee, be careful. Nasaktan ka ba?"



Napatingin ako sa nabunggo ko at nanikip ang dibdib ko. Si Lucas pala nabunggo ko. Mabilis akong tumayo at nagpagpag ng damit ko. Mabilis na lumakad pero langya, ang sakit ng tuhod ko kaya napa-aray ako.



"Awwww! Letche!" at napaupo na lang ako bigla. Mabilis naman umalalay si Lucas sakin at binuhat ako.



"Ibaba mo ko Lucas. Anu ba? Ahhhhh!"



Pero narinig ko na lang siya tumawa at pinatong ako sa balikat nya. Para akong sako sa ginawa nya.



"Dumudugo ang tuhod mo, Lee. Dadalhin na kita sa clinic. Para kang bata." sabay tawa ng mahina.



Magkasama na ulit sila?

Nagkabalikan na ulit sila?

Oh no!!!



Pinapalo ko naman ang likod ni Lucas. Nakakahiya ang ginagawa nya. At nakapalda kaya ako!



"Lucas, nakapalda ako! Anu ba! Baka masilipan ..."pero niyakap nya lang ang mga hita ko ng sa ganun di na gumalaw ang palda ko.

"Lee, please wag ka na manakit. Tinutulungan na nga kita ee. Walang makakasilip sau. Nandito lang ako." at ayun, nakita narin nya ang clinic.

Natameme ako sa sinabi nya.



***

"Next time ha, wag patanga-tanga Miss Lee. Pasalamat ka dito sa boyfriend mo." ani ni Nurse Ginny habang nililinisan ang gasgas at hiwa ko sa tuhod. Nakasimangot naman ako sa sinabi nya.

"Break na kami, Nurse." sagot na nakanguso parin. Kasalanan nya binuggo nya ako.

"Ha? Eh bat dinala ka nya dito? Kayong mga bata talaga." halatang di naniniwala sabay lagay ng band aide at gauge ang sugat ko.

Di na ako umimik. Buti umalis na si Lucas. Pagpasok na pagpasok namin ng clinic ay iniwan nya ako agad.

"Eexcuse kita kay Maam Lala. Sandali. Babalik ako." at sumibat na siya.



Pero hindi yun ang kinaiinisan ko. Akala ko ba, back to square one and drama namin? Bat kailangan nya pa ulit bumait sakin. Naiinis talaga ako sa inaakto nya.

Kakagatin ko na sana labi ko ng bumukas ang pintuan at pumasok si Lucas.

"Okay na Lee. Pahinga ka na muna dito. Ihahatid kita mamaya sa bahay nyo. Papasok na ako."akmang lalabas ulit siya pero pinigilan ko ang braso nya.

"Uhmmm.. sandali." nauutal kong sabi sa kanya.

"Bakit? May kailangan ka pa ba? Ihahatid ko na lang ang meryenda mo mamaya dito." sabi neto na nakangiti sakin.

"Hindi yun. May gusto akong sabihin sayo." hindi ako nakatingin sa mukha nya kundi sa braso nya.

Gusto ko na kasing sabihin sa kanya ang totoo. Para pwede na akong magmove on ng tuluyan.



"I failed to come back to square one." at binitiwan na siya sa braso. "I did fall in love with you." at tinitigan ko ang mga mata niya. "for real." at tumulo na ang mga luha sa mata ko.



Nawala naman ang ngiti sa labi ni Lucas.



At niyakap ko ang unan na kanina'y katabi ko lang. I was not happy about it. Pero nainlove na ako sa kanya ng tuluyan. I'm inlove with my crush.

***

The Things Is: He's MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon