HM - 3

87 3 0
                                    

Lee's POV:

I was stunned. Di ko alam ang magiging reaksyon ko sa sinabi sakin ni Lucas.

Tumikhim muna ako na nahihiya. "So what if I like you? May magbabago ba doon? Its no big deal. Di ko intention magkaroon ng connection sayo. I'm happy liking you from afar. Gaya ng sinabi mo, sapat na sakin ang lihim na sandali." tinitigan ko ang mga mata niya. "Kaya di mo na kailangan gawin yan. My feelings are true. Di ako nagiimbento. Matagal ko ng na-assess na mag pagkacrush ako sa iyo." At hinablot ko na yung diary ko. Syete.

Alam na ng gusto ko na gusto ko siya! Waaaaaaah! Nakakatuwa pala pero ang sakit din pala.

Nagseryoso na naman siya at tumaas ang kilay.

"I know. Pero magiging unfair ka sakin kung hindi mo ako pagbibigyan. I read you're diary. And despite your diary tells all about me, I really got the chance to know myself in others perspective. From another person. Ni hindi mo ako personal na kilala pero kung idescribe mo ako sa diary mo, parang kilalang kilala mo na ako. You're quite a stalker too. It creeps me out too." Hinawakan nya ako sa balikat at pinat sa ulo.

"Don't stay away from me, Lee. You should know the real Lucas Gabriel. Hindi kasi magkatugma ang diary mo, sa tingin ko sa sarili ko. Let's give it a try." At naglakad na siya palabas ng rooftop.

Sinundan ko lang siya ng tingin at napaisip ako sa mga sinabi niya. I don't get it. Pero naeexcite ako malaman kung ano ang gagawin niya para makilala ko siya.

I really don't know why this is happening to me.

Maswerte ba ako na napansin nya ako finally? O malas dahil alam na nya lahat ng lihim na damdamin ko para sa kanya? or worst malilintikan ako kasi mukhang gigiyerahin ako ng mga babaeng may gusto sa kanya.

Awww. Nevermind. Ako'y babalik na ng classroom ko.


A week later...

"Class, malapit na ang acquaintance ball ng University, at dahil isa ako sa mga assigned professor para sa program, and kayo ang advisory ko, i need your cooperation that day." sabi ni Maam Lala samin, pagkapasok pa lang niya sa klase.

"Dahil College of Architecture tayo, tayo ang decorators ng venue. Ms. Aya Espiritu, kayo ni Ms. Jamaica Elizalde and head ng decorators. Si Ms. Yanna Mendez and Mr. Philip Deo ang mamamahala sa section nyo. By the way, si Ms. Lady Lee and Mr. Lucas Gabriel, ang ating muse and escort sa ball. No more buts sa aking mga napili dahil kayo lang ang maasahan ko. Understood?" and bago pa ako makapagreklamo, naarrange na pala lahat. Muse and Escort? Eh di wow kaming dalawa ni Lucas.

"Ma'am, bakit si Lee at Gabriel ang representative natin? Acquaintance ball naman yun ee. Di Valentines Ball." may umangal, si Alissa, isa sa mga admirer netong si Lucas. Pero may point naman siya. Di ako matangkad, di rin ako kasing kinis ng isang muse. Ordinary face lang talaga ako, and kung itatabi mo ako kay Alissa, may nababagay pa siya maging muse kesa sakin.

"What's wrong with me and Lee, Ms. Tenorio? Wag nyo na palitan. Mas at ease ako kapartner si Lee." sabi niya kay Alissa sabay ngiting malandi.

Grabe, mula ng mangyari ang insidenteng yun samin ni Lucas, para na siyang ibang tao. Ang asungot ng buhay ko. Oo, asungot na siya ngayon sa buhay ko. Mula ng magkausap, magkaaminan este ako lang pala ang nabuking, lagi na kami magkasama ni Lucas. Di naman niya sinisira buhay ko, pero mula ng maging close kami, nagkaroon ako ng instant fame. Lagi kasi akong sinudundan ni Lucas sa canteen, dun na rin siya naglalunch kasama ko. Sa library, na tambayan ko ee naging instant tambayan ng lahat ng babaeng may gusto sa kanya kasi dun ako nag-aaral este natutulog, kasama siya. Pati locker ko, napupuno ng hate letters dahil sa pag-aakalang "girlfriend" ako ni Lucas na hindi naman talaga.

Di na ako umimik sa usapan nila. Kasi pag sumabat pa ako, for sure, madami na namang bulong bulungan sa aming dalawa. God, headache.

After ng klaseng yun, dumiretso na ako sa soccerfield, my usual spot na ngayon ee spot narin ng mga babaeng nagpapahangin sa asungot ng buhay ko.

"Lee, wait up. Lagi mo na lang ako iniiwan. I told you, i won't stay away from you." linya nya yan sakin everytime na hinahabol niya ako. At gaya ng dati, di ko siya pinapansin.

Umupo na ako sa usual spot ko at napatingin sa soccerfield. Wala ng naglalaro ng soccer dun kasi nandito na siya katabi ko.

"You miss watching me play, Lee?" he uttered ng mapansin nyang nakatitig ako sa soccerfield. Napatingin ako sa mukha niya.

"Yes. I admire you Lucas while playing soccer in this field. But now, you're not there playing." at napayakap ako sa tuhod ko. Iba parin yung naglalaro siya sa harap ko at yung katabi ko na siya.

"Because I'm here beside you, Lee." at tumabi siya sakin. "Isn't this what you wanted? To be near me?"

Di ko siya sinagot. Nanahimik lang ako habang nakatitig parin sa soccerfield.

Tumayo naman siya at hinila ako bigla sa soccerfield. Hinayaan ko na lang ang sarili ko sumunod sa kanya.

May dala pala siyang bola ng soccer. Sinipa niya yun papunta sakin. Napangiti ako. Sinipa ko rin yun palapit sa kanya. Hanggang sa naglalaro na kaming dalawa. Hihi.

Ilang minuto ay hiningal na ako sa sobrang pagod. Napahiga ako sa malilim na parte ng soccerfield. Buti na lang wala kaming unifom, at nakajeans ako.

"Naenjoy mu ba ang laro natin, Lee?" tanong naman ni Lucas sa tabi ko. Gaya ko nakahiga din siya at tuwang tuwa siya dahil hingal na hingal ako.

"Hihi. Sobra. Masarap pala magsoccer. At humiga sa damuhan. Haha." at tumawa ako. Tumawa rin siya at hinawakan ang kamay ko. "Halika ka na, Lee. May practice tayo para sa Acquaintance." at hinila niya na ako.

Sumunod na rin ako sa kanya. Wala na. Natutuwa na ako sa atensyong binibigay sakin ni Lucas. At natatakot ako baka hindi ako makapagpigil.

Ayoko mafall sa kanya. Period.

--

The Things Is: He's MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon