HM - 4

71 4 0
                                    

Ako:

"Leng naman. Magtino ka nga. Hindi tayo pwede matalo sa Mr. and Ms. Acquaintance. Lalo na kasama mo si Lucas. Sheeeet! Anu ba talaga ang meron sa inyo?" talak na naman sakin ni Aya, nandito kasi kami sa final rehearsal namin para sa search. At akala ko kaya niya ako sinamahan ee tutulungan nya ako. Yun pala tatanong lang about kay Lucas.

"Pwede ba Aya, walang meron sa amin ni Lucas." at napatingin ako sa gawi ng mga escorts, kung saan andun si Lucas kasama ang ibang escorts ng ibang colleges. Ako naman dito lang sa tabi. Aba, ayoko makihalubilo sa kanila. Nahihiya ako pero dahil sa Lucas na yan, nadamay ako. Siya pala nagrequest kay Maam Lala para maging partner ako. Sobrang inis ako pero wala ako magawa kasi nandun na ee.

"Naku, Lee. Chance muna yun para makapartner ako. Diba gusto mo ako maging King? Haha" yan lang ang sinabi niya sakin nung kinompronta ko. Oh diba masaya?

"Shit, ayan na naman si Alissa oh. Napapansin ko kung makadikit yan kay Lucas." napatingin ako sa direksyon ni Alissa, at ayun nga kasama niya ang mga escorts. Nagpapacute siya kay Lucas.

Tinaasan ko lang ng kilay si Aya at hindi pinansin ang ginagawa ni Alissa kay Lucas. I know Lucas. Hindi siya ang tipo ng lalaki na magkakagusto ng basta basta sa isang babae. Kung hindi ako nagkamaling mahulog yung secret diary ko, hindi naman kami magiging ganito. Anu nga ba kami ni Lucas? Ay ewan sa pagong.

"Leng, alam mo, mas maganda sayo si Alissa. Kung ako sayo, ibakuran muna yan si Lucas." litanya ni Aya habang nagpapractice ako magmake up. Pero wala parin akong imik. Tiningnan ko lang ulit si Alissa at Lucas. Langya, nagngingitian na ang dalawa!

"Aya, kung magustuhan man ni Lucas si Alissa. Wala akong pakialam. Kasi wala naman talaga kaming something ni Lucas." nilakasan ko pa para marinig ng dalawang naglalampungan dun sa sulok. Kakapang init ng dugo.

"Eh bakit nakasimangot ka Leng? Nagseselos ka nuh?" Tanong pa ulit ni Aya, habang ninguso ang dalawa na nagtatawanan na. Ay sya naman talaga.

"Hindi ako nagseselos Aya. Kasi si Lucas, hinding hindi yan magkakagusto kay Alissa." at nagwalk out na ako.

Call me whatever, pero alam ko walang pag asa si Alissa kay Lucas. Hello, sa apat na taon namin dito sa University, never pang nagkagf yan si Lucas. Tapos ni minsan wala pa siyang pinakitaang interes na maging kaibigan, maliban sakin. Kung di dahil sakin, di makakausap ng tao si Lucas.






"Lee! Sandali. "tingnan mo, naghahabol na naman sakin ang ugok pagkatapos nyang makipaglandian kay Alissa. Hay.

"Bakit?" hinarap ko siya at tumigil na siya kakatakbo.

"Galit ka ba? Sabi ni Aya, nagselos ka daw samin ni Alissa. Totoo ba yun?" nakatitig lang siya at seryoso ang tingin sa mukha ko.

"Wala akong pakialam sa inyo ni Alissa. Di kita boyfriend para magselos ako." at bigla siyang mgumiti sa sagot ko.

"Defensive Lee. Eh di boyfriend muna ako ngayon para magselos ka." at inakbayan na ako.

"Wala akong balak maging girlfriend mo, Gabriel. Di ako defensive. Nagsasabi lang ako ng totoo." at inalis ko na ang braso nya sa balikat ko.

"Lee naman. Ako na nagooffer sayo maging boyfriend mo, aayawan mo pa. Diba matagal mo na akong pinagnanasaan, bat di mo pagbigyan sarili mo? Dali na kasi." kiniliti ako sa kilikili. Langya, nasa public place kami makakiliti sakin tong damuho nato. Ahhhhhhhh!

"Lucas naman. Wag mo ako kilitiin. Kakaaning ka din ee. Magtigil ka." pero parang bata tong lalaking to. Kinikiliti parin talaga ako ee kahiya hiya siya. Ako, si Lady Lee, the nobody, ay kinikiliti at kinukulit ni Lucas Gabriel para lang maging girlfriend nya. Help me!

"Oo naaaaah! Bitiwan muna ako Lucas. Tama na. Suko na ako."

At bigla siyang napatigil sa pagkiliti sakin. Napanganga siya at bigla ngumiti ng parang tanga.

"Girlfriend na kita, Lee?

Umirap lang ako at ...

"Di ko na uulitin ang sinabi ko Gabriel." at tumakbo na ako palabas ng gate ng University.

Oo nakatakas ako pero hindi ako makakatakas pa ulit sa kanya.

Tama naman si Lucas.

Bakit ko ba hindi pagbibigyan ang sarili ko? Eh matagal ko na siyang gusto? At papakipot pa ba ako ee siya nagoffer? Instant boyfriend ko na agad ang lalaking matagal kong pinantasya.

At sumakay na ako ng jeep pauwi samin.




***

Ang sakit ng ulo ko. Hindi na ako nakatulog ng maayos dahil buong gabi akong tinext ni Lucas.



"Lee dear, nakauwi ka na ba?"

"Bat di mo ako hinintay? Ako dapat maghahatid sayo. >_<"

"Uyy magreply ka naman dear. :("

"Uyy wag ka na magtampo girlfriend ko. Hihihi."

"Bukas susunduin kita girlfriend ko. Goodnight."



Yan ang mga texts nya sakin kagabi. Tawa ako ng tawa at konting kilig na naramdaman. Hello, major crush ko masyadong sweety! Haha. Pero dahil di ako nagloload masyado at di kasama sa allowance ko ang load allowance, di ako nakareply o mas tamang sabihin, wala akong panreply.

Pero, kailangan ko na talagang gumayak kasi may klase ako ng 8:00 ngayon at malapit na ang 7. Ilang sandali pa ay nakaligo at nakapagbihis na ako. Gagawa na lang ako ng sandwich para hindi ako malate. Pagbaba ko sa kusina namin, andun si Mama, kausap si Papa. The usual, nagkakape sila habang ako ay gumagawa ng sandwich ng may nagdoorbell.

Sumenyas lang si Mama sakin sa na buksan ko ang pinto kasi naguusap pa sila ni Papa.

Nagulat ako ng mapagsino ko ang nasa pinto.





Langya! Bat siya nandito sa bahay namin!?

***

The Things Is: He's MineDonde viven las historias. Descúbrelo ahora