HM - 5

71 4 2
                                    

Ako:

"Anung ginagawa mo dito Gabriel?" halos hindi na marinig boses ko habang nagsasalita. Syete, nandito pa naman ang mga magulang ko. Maya maya pa aalis yun. Tss. At mapapatay ako pag nakita nila ang isang toh.


"Tinext kita kagabi diba na susunduin kita? Hello dear!" sabay ngiti na parang baliw pero sabay seryoso din." Sama mong girlfriend. Kabago bago lang natin ee, di man lang ako tinext. Maglambing ka naman sakin."

Sinapok ko siya! Oo, first time ko din manapok ng gwapo! Haha. Ikaw ba naman litanyahan ng ganito sa umaga. Hihi

"Oo na. Saglit lang. Wag kang papasok. Alis na tayo." sabay takbo ako kuha ng gamit ko sa kusina. Buti naguusap parin ang dalawang matanda at nagkakape." Ma, Pa, alis na ako ha." sabay takbo pabalik sa pinto.

Ayun, nakasandal na sa isang Volkswagon ang lolo mo. Hihi. Isa to sa ginusto ko kay Lucas. Hindi siya nahihiya sa kotseng dala nya. Volks na kulay apple green lang naman ang sasakyan nya, parang kay Mr. Bean, at lagi nya yung nirarampa. Buti na lang apple green kasi favorite color ko green. Haha.

Lumapit na ako sa kotse nya at pinagbuksan ako ng pinto. Aba, gentledog ang lolo mo. Hahaha.

"Bat ka nakangiti Lee dear? Kinilig ka ba sakin? Haha" yan agad linya nya habang nagdadrive na siya papuntang University. Tingnan mo toh, nagdadrive pero nakatingin pala sakin. Baliw lang ee.

"Hindi ako nakangiti noh. Normal face ko yan Gabriel. At wag ka nga dear ng dear sakin. Ayoko ng ganyang endearment." at sabay facepalm. Patay. ANg feeling ko! Endearment talaga Leng! Ikaw yata ang feeling gf ng lolong toh.

Ayun, tawa siya ng tawa. Sabi na ee. Ibibig deal nya yung sinabi ko.

"Ikaw ha, Lee. Sabi na ee. Gusto mo din akong maging boyfriend. Naks, kinilig ako dun." sabay tawa ulit. Hay. Itong lalaking to. Ngayon ko lang talaga nakita tumawa ng ganito si Lucas.

Cold hearted. Serious type. Strong personality. Adonis. Yan ang mga descriptions ko sa kanya. Pero syete, mas maganda parin pala pag yung nakilala kong Lucas noon ay very opposite ng Lucas ngayon.

"I never seen you laugh like that, Lucas. Even a single laugh mula ng makita kita sa field." bigla kong sabi sabay ngiti sa kanya. Napatigil naman yung lolo mo sa kakatawa.

Bigla niyang tinigil ang pagdadrive at tumitig saking mga mata.

"Because I have no reason to laugh that time, Lee. But now, its different." sabay ngiti neto ng ubod ng tamis. At hinawakan ako sa cheeks ko. At lumabas na siya ng kotse. Syete, nasa school na pala kami.

"Thank you, Lucas." pinagbuksan nya ako ng pinto at nginitian ko narin siya. This is not bad after all.

"Lika na." at hinawakan na nya ang kamay ko. Nabigla ako pero di na ako nagsalita. Bigla na ang ako ngumiti sa kanya.

Eto ba yung sinasabi nilang butterflies in your stomach. Haha. Hindi ako makahinga. Lintek na paru paro to.




Girlfriend nga siya ni Lucas!

Oh my god! This is really is it.

Sayang naman! Di siya bagay sa kanya.

Seryoso kaya si Lucas sa kanya?!




Yan ang mga naririnig ko habang naglalakad kami ni Lucas papuntang classroom. Hello, di ako ang humawak Siya. Kumapit lang ako. Hahaha.


"Di ka ba naiinis sa naririnig mo, Lee?" tanong ni Lucas nung lampasan namin ang mga tao sa corridor. Nasa malapit na kami sa room namin.


"Bakit ako maiinis, Gabriel? I dont let anybody interfere with my life. So, hindi ako magpapaapekto sa mga ganun." yun lang ang sinabi ko. Diba tama naman ako? Nangyari na ang lahat. Di naman mortal crime ang ginawa ko o yung nangyari. Its accident. And I'm happy about it.


"Good." at pumasok na kami sa classroom namin.






KYAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!




***

Nakasimangot na si Lucas habang ako naman ngiting ngiti. Haha. Panu ba naman sobrang nakanganga ang mga kaklase ko ng makita kaming dalawa na naghoholding hands. At bigla siyang dinumog ng mga kaklase namin. Hahaha. At ako, ayun, umupo ako upuan ko at tawa ng tawa.



Lucas, kayo na ni Lady?

Aba, first girlfriend mo si Lady diba?

Wow, Ang cute nyong dalawa!




Yan lang ang mga pinagsasabi ng mga kaklase namin. Di naman siya naimik pero sumimangot siya ng bitawan ko ang kamay nya.


Tumabi na siya sakin at hinawakan na naman ako sa kamay. Napatigil naman ako sa aking tawa.

"Lagi mu na lang ako iniiwan! Maging sweet ka naman sakin, girlfriends ko." sabay hawak sa bewang ko. Langya, namula ako.

Naglakihan naman mga mata ng kaklase ko sa ginawa niya. Kaya kinurot ko siya sa braso sabay tanggal sa kamay na nakahawak sa bewang ko.

"Lucas, makadikit ka. Parang aagawin ako ng iba sayo. Magtigil ka nga." sumimangot ang loko sa ginawa ko at nagpout. Aba naman. "Di ako sweet Lucas kahit kanino. Di ko alam maging girlfriend. Kaya wag mu ako simangutan." yun na lang sinabi ko para di na siya magpout. Nangiti naman siya sa sinabi at umayos ng upo sa upuan nya.

"Ako ba first boyfriend mo, Lee?" ngiting ngiti ang loko. Syete, oo nga noh? Di ko naisip yun.






"Uhhhhmm.." di na ako nakasagot kasi pumasok na si Maam sa room. At nag umpisa ng klase.

***

The Things Is: He's MineDonde viven las historias. Descúbrelo ahora