Chapter 35

6.6K 503 46
                                    

"ALAM mo, Beatrix, napakaswerte mo kay Sir Romulus, ano?" si Krizzy na ikinawit sa kanyang braso ang sariling braso habang papalabas sila ng elevator.

"Oo nga! Tanggap ka pa ng pamilya," si Brian na niyakap naman ang kabila niyang braso.

"Sabi mo fake lang 'yang blue diamond mo. Grabe! Ang bongga! Mahal tiyak 'yan," komento uli ni Krizzy. Tipid na mga ngiti lang ang naging tugon niya sa kadaldalan ng dalawa. Sinulyapan niya ang singsing na suot. Napakaganda nga nito. Naging brooch ito ni Peter na paglaon ay ipinagawang singsing at naging family heirloom ng Saldivar. Ibinigay ito ng mama ni Romulus kay Luna nang mag-propose si Romulus kay Luna pero ibinalik din ni Luna kay Romulus.

Okay na sana ang lahat sa kanila ni Romulus kaso hindi sa kanyang nanay na hindi sang-ayon sa muli niyang pakikipagrelasyon kay Romulus. Ang nais nito ay mamuhay na lang silang malayo sa mga lycan at Paganus. Baka gumulo na naman raw ang buhay nila. Nalaman niya rin mula kay Luna na ang ipinapadala pala nitong tulong sa magulang niya ay galing pa rin kay Romulus. Pinalabas lang na galing kay Luna dahil una, ayaw ni Romulus na malaman pa ng ibang tao lalo na ni Romi na nagagawa pa nitong tumulong sa magulang niya kahit na niloko na niya, at pangalawa ay hindi rin tumatanggap ng ibang tulong ang magulang niya maliban lamang kung galing kay Luna. Sobrang nahiya ang magulang niya kay Romulus dahil sa ginawa niyang pag-iwan dito.

Pero hindi niya kayang pagbigyan ang kanyang magulang ngayon. Nagkamali na siya at ayaw na niyang magkamali pang muli. Hindi niya kayang mawala sa kanya si Romulus. Hinding-hindi na niya uulitin pa ang bagay na iyon.

Natigil sa paghakbang si Beatrix na sinundan naman ng dalawang kaibigan nang makita ang taong hindi inaasahan na nakatayo sa daraanan nila. Agad na bumilis ang tibok ng puso niya sa kaba habang magkasalubong ang kanilang titig.

"Ang ex," usal ni Krizzy na pumisil sa kanyang braso ang kamay.

"Nandito lang kami, back-up mo," ani Brian na mas lalo pang ikinawit ang braso sa kanya.

"Hey," malumanay na bati ni Missy. Nahihiya pa itong ngumiti na kung tutuusin ay siya ang dapat mahiya. Ang bait talaga nito.

"Missy?" bati niya sa mababang boses.

"Can we talk?" Sa halip na bitawan ng dalawang kaibigan ay higit lang ang paghigpit ng kapit ng mga ito sa kanyang braso na para bang may mananakit sa kanya. Hinawakan niya ang kamay ni Krizzy, at bahagya itong tinanguan para sabihing ayos lang siya.

"Mauna na kayo."

"Sure ka? Bantayan ka namin," si Brian na pinukol si Missy ng nagbabantang titig.

"Okay lang ako, Brian. Sige na. Mauna na kayo." Saka hihintayin pa rin naman niya si Romulus. May kausap lang ito. Ang balak nila ay magkape muna habang hinihintay si Romulus. Pinipilit ng dalawang samahan muna siya.

"Sure ka talaga?" paniniguradong tanong ni Krizzy. Ngumiti siya rito bilang tugon. Humalik ang dalawa sa kanyang pisngi bago tuluyang nagpaalam. Panay pa ang lingon ng dalawa sa kanila ni Missy hanggang sa makalabas.

When she and Missy were left alone, a deafening silence engulfed them as no one spoke. They only exchanged awkward looks as they both struggled to find a conversational opening. Missy laughed softly, a perfect way to break the silence and lessen the tension that had wrapped around them.

"Doon tayo," she said, referring to the seating area. They took slow, deliberate strides towards the lounge area. She couldn't say anything. She was at a loss for words. Upon approaching the area Missy took a seat on the long-armed-chair while Beatrix remained rooted in place, unsure where to sit. Missy patted the space next to her, inviting Beatrix to join her and eventually, Missy had her sitting next to her. She held the handbag securely in place on top of her thigh by grasping the handles with her two hands. Missy's gaze dropped on her hands, probably noticing how tight her grip was.

A Vidente Where stories live. Discover now