Chapter 24

5.5K 467 60
                                    

TAHIMIK na umupo si Beatrix sa tapat ni Romulus.

"Iyan lang ang kakainin mo?" Sinulyapan nito ang pagkain sa kanyang plato.

"You've lost weight," puna ni Romulus. Hindi niya napansin ang bagay na iyon. Mukhang okay naman siya, ang kalusugan niya maliban sa kanyang puso na pakiramdam niya ay wasak na wasak. Sana na naman ay wala siyang sakit sa puso. Hindi nila kaya ang dagdag gastusin.

"I've ordered pasta," aniya para panatagin ito. Tumango si Romulus. Sumandal at tumitig sa kanya. Naiilang man ay sinalubong niya ang titig nito.

"Nag-apply ka raw ng trabaho sa Lua Azul?"

"Yeah," tipid niyang tugon.

"Bakit?"

"I need money to support my parents. Ayaw kong iasa sa tulong ni Luna."

"Ano ang nangyari?" Hindi niya alam ang ibig sabihin sa tanong na iyon ni Romulus.

"Kahit telepono wala ka. That man didn't provide you the kind of life I gave you." The resentment was visible in his voice. Kulang na lang sabihin nitong ito ang napapala niya dahil sa pag-iwan dito.

"He would not provide me anything dahil wala kaming relasyon." Higit pa ang pagtiim ng bagang ni Romulus sa sinabi niya. Binigyan siya ng naghahamong titig nito.

"I can still recall every word you said while I begged you to stay," may pait na sinabi iyon ni Romulus.

"Hindi totoo ang mga sinasabi ko. I just want to push you away to protect you." Her voice almost begged, trying to convince him to believe her.

"Protect me from what?"

"From me. Romulus, nasaktan na kita. I can't control the power I have."

"Kaya mas pinili mo ang lalaking 'yon! Mas pinili mong sumama sa lalaking iyon kaysa ang solusyunan ang problema mo. Natin!" Natahimik si Beatrix sa panunumbat ni Romulus. Nagbaba siya ng tingin nang kayanin ang pagtitig nito. Iyon lang ang alam niyang solusyon sa mga nangyayaring iyon noon. Ang umiwas.

"Sino ang lalaking 'yon?" Muli siyang nag-angat ng tingin kay Romulus sa tanong na iyon. Hindi nagbago ang matiim na pagtitig nito sa kanya.

"Si Baltazar...isa siyang kaibigan Romulus."

"Baltazar?"

"Baltazar Tavarez. Apo siya ni Professor Armadillo Tavarez, ang nakatagpo kay Celtici."

Kumunot ang noo nito. "Sino naman si Celtici?" Nalimutan na ba nito ang tungkol kay Celtici? Hindi nila napag-usapan si Celtici dahil sadya niyang iniiwasan iyon pero tiyak na alam nito ang tungkol sa bagay na iyon lalo't nakita niyang hawak nito ang talaarawan ni Baltasar. At si Baltazar...alam niyang kilala ni Romulus si Baltazar. Minsan na nitong nakilala si Baltazar sa eskwelahan at nang iwan niya ito para sumama kay Baltazar.

"A dark fairy. Na posibleng na-reincarnate sa katauhan ko, dala ang galit sa isang taong nanakit sa kanya noon...at posibleng ikaw iyon Romulus. Nakita ko iyon sa pangitain ko. Kaya kailangan kong umalis para protektahan kita mula sa sarili ko. Kung magkalaban tayo sa past life natin, tiyak na ganoon din ngayon." Hindi na muli pang nagtanong si Romulus. Nakita niya ang duda sa mga mata nito pero pinigil ang sariling magsalita pa.

Matapos kumain ay bumalik na si Beatriz sa kanyang silid pero nagpasyang lumabas din ulit nang mapagtantong walang tsansa na makatulog siya agad. Bababa siya sa bar at doon magpapalipas ng oras. Pero sa paglabas niya ng silid ay hindi inaasahan na makikita si Romulus sa katapatan na silid. Mukhang papasok ito.

"Romulus," tawag niya rito. Mabilis itong bumaling. Bahagya pang namilog ang mata na para bang nahuli ito sa isang bagay na hindi dapat nito ginagawa.

"Ano ang ginagawa mo riyan?" He snapped his gaze to the door that he was about to open and then dropped to the door knob he was holding. He appeared perplexed, as if he had no idea what he was doing there. Ibinalik ni Romulus ang tingin sa kanya.

A Vidente Where stories live. Discover now