Chapter 11

7.7K 417 25
                                    

IT'S Been three days since the incident happened but Romulus is still on the bed. Mahina pa raw ang katawan nito. Hindi na muna siya bumalik sa Benguet. Si Luna na muna ang bahalang magpaalam sa kanya sa eskwelahan sa hindi niya pagpasok. Ang mahalaga ay maalagaan niya si Romulus. 

"Big mouth." Agad namang sumunod si Romulus sa kanyang sinabi. Isinubo niya rito ang hiniwang karne ng baka. Kapag ganitong nanghihina ang mga Lycan ay karne raw ang mabilis na nakakapanumbalik ng lakas ng mga ito. Kung mate lang sana sila ay mas mabilis sana itong gumaling. Walang makakapantay sa healing power ng pagmamahal ng mate katulad na lang ni Luna kay Fhergus. Mabilis na gumagaling ang mga sugat ng isang Lycan sa mga halik at haplos ng mate nito. 

"Sana dina muna ako gumaling." Wala sa loob na napalo niya ito sa dibdib. Umigik si Romulus at sinapo ang dibdib. 

"Oh, I'm sorry. Hindi pa rin ba magaling ang sugat sa dibdib mo? Patingin nga ako."

"Huwag na. Masakit kapag na-i-expose sa hangin." 

"Ganoon ba?" Mabigat siyang bumuntong-hininga. 

"I'm so sorry. Hindi ko talaga sinasadya. Hindi ko makontrol, eh." Nang makitang maiiyak na si Beatrix ay agad na kinuha ni Romulus ang platong nasa kamay niya, inilagay nito iyon sa bedside table at agad siyang kinabig ni Romulus. Masuyong niyakap. Nag-alala siya nang madaganan niya ang dibdib nito kung saan may sugat. 

"I might hurt you, Romulus."

"Okay lang. Kahit paulit-ulit mo akong saktan. Mabilis akong gagaling basta sa tabi lang kita."

"I mean 'yong sugat mo nadadaganan ko." 

"I can endure the physical pain…what I can't endure is the emptiness I'd feel whenever you aren't beside me." That made her chuckle. 

"Puro ka talaga kabaduyan." He finally let her go after hearing Logan scoff. Naglakad si Logan patungo sa higaan. Napasinghap si Beatrix nang bigla na lang hampasin ni Logan ang dibdib ni Romulus at sa pagtaas ng kamay nito ay dala na ang suot na damit ni Romulus. Nawasak iyon. 

"See that? Wala ng bakas…kahit galos wala. Pinagloloko ka lang niyan ni Romulus." Itinapon ni Logan ang damit sa mukha ni Romulus saka naglakad patungo sa single couch. Hinablot ni Romulus ang T-shirt mula sa mukha nito at pinukol ng matalim na tingin si Logan. Hindi na nasabi ni Romulus ang dapat sasabihin nang haplusin ni Beatrix ang dibdib nito. Tuluyan na ngang humilom ang sugat doon. Walang kahit isang bakas. Inabot ni Romulus ang kanyang kamay na banayad na humahaplos sa dibdib nito.

"I'm sorry. Kasi–"

"Kasi pabebe. Gusto lang magpa-alaga," agaw ni Logan sa sasabihin sana ni  Romulus.

"Pakialam mo ba!? Palibhasa matandang binata ka. Iyong paborito mo pang inaanak hindi ka na favorite." Sa sinabing iyon ni Romulus ay tumiim ang mukha ni Logan. He's referring to Romi. 

Humiga si Beatrix sa tabi ni Romulus. Isiniksik niya ang sarili sa katawan nito. Ginawa niyang unan ang braso ni Romulus at mahigpit yumakap sa kasintahan. Si Romulus ay napatitig kay Beatrix. Nakangiti niyang tinitigan ito sa mga mata.

"You don't have to pretend that you are still hurt. I'm still taking care of you."

He rolled to his side until he was fully facing her. He reached for her face and ran his knuckles delicately along her cheek. "Really?"

"Hmm..." Her eyes closed as his fingertips touched her nose.

"I want to stay like this," he said, his voice full of contentment and tenderness.

"Me, too." She meant it. Nakakagaan ng pakiramdam. Nakakasaya ng puso. Minsan iniisip niya ano kaya ang buhay nila kung kapwa lang sila ordinaryo ni Romulus. Marahil ay walang agam-agam ang kanyang puso. Hindi siya nag-o-overthink. Hindi siya advance mag-isip. Ini-enjoy lang ang kasalukuyan at hindi iniisip ang nakalipas at hinaharap. Puno ng kasiguraduhan marahil ang puso niya. 

A Vidente Where stories live. Discover now