Chapter 30

7.6K 557 99
                                    

"People claim that Celtici asked the forest goddess to disintegrate her physical form so that her spirit may roam freely to guard Heiromimos' tomb. Mabubuhay siyang muli sa katawan ng sanggol na babae mula sa linya niya  sa takdang panahon...and it was you." Nilinga niya si Manoela na nanatiling tuwid na nakaupo sa batong upuan sa hardin.

"How about Siera? Paano kung wala na talaga siya?"

"She's here. Ang Formosa na walang hinangad kundi kapangyarihan at makapaghigante ay hindi nakakalimot sa isinumpa, Beatrix. Nandito lang siya at naghihintay ng tamang panahon. Babalik siya sa mundo ng mga Formosa at maghahari roon dahil iyon naman ang nais niya noon pa man bago  siya ipinatapon sa Vila Dos Pecadore. Ang kailangan niya ay malakas na kapangyarihan para magawa iyon."

"At ang hiyas ang kailangan niya para makuha ang kapangyarihan ng reyna ng Formosa," kinikilabutan niyang usal.

Nagmulat ng mata si Beatrix, tumitig sa kisame. Hindi mawala sa isip niya ang napag-usapan nila ni Manoela. Si Siera ay isang dark fairy na ipinaton sa Vila Dos Pecadore at nawalan ng kapangyarihan. Naging mortal ito, katulad ng normal na tao, may espiritu. Pero mautak si Siera kaya nagawa nitong manipulahin ang mga nilalang na magagamit nito sa masamang balak katulad na lang ng Citanian—ang lahing kinabibilangan ni Heironimos—at ilang mangkukulam at itim na diwatang katulad nito para maibalik ang kapangyarihan nawala rito. Pero hindi iyon sapat para makapaghari ito sa mundo ng mga Formosa kaya pilit nitong kinukuha kay Celtici ang hiyas kung saan nakakulong ang kapangyarihan ng Reyna. Napatay ni Flavia ang katawang tao ni Siera pero hindi ang espiritu na siyang naghasik pa rin ng lagim. Pumaslang ng mga sanggol na babae sa linya ni Celtici gamit ang iba't ibang klaseng nakakakilabot na nilalang na kapanalig nito.

Hindi na-reincarnate si Siera. Nanatili itong espiritu. Pero maaari itong gumamit ng katawan ng mortal para maging vessel ng espiritu nito na hindi raw madaling gawin. Nagiging matagumpay ang paggamit sa katawan ng mortal kung bukal sa loob ng may-ari ng katawan ibigay ang katawan nito, walang pandarayang gagawin. Ang tanong, nanatili bang espiritu na lang si Siera o nabubuhay na ito sa katawan ng isang tao? At kung ang hiyas ang kailangan nito tiyak na lalapit ito sa taong tagapangalaga ng hiyas. Na kay Peter iyon at ngayon nasa pangangalaga ng mga Saldivar.

Mabilis na napatuwid ng upo si Beatrix. Ang mga Saldivar ang lalapitan ni Siera at ibig sabihin lang ay nanganganib ang pamilya ni Romulus kay Siera. Saan niya hahanapin si Siera? Paano niyang matutukoy ang taong  ginagamit ni Siera?

"Hoy!" Wala sa loob na tumingala si Beatrix sa taong tumapik sa kanyang balikat. Si Krizzy.

"Ayos ka lang? Kanina ka pa tulala."

Wala sa loob na tumango si Beatrix. "Gaga ka, wala kang natapos sa ipinapagawa sa 'yo ni Ms. Chavez." Sinapo niya ang kanyang noo at hinilot iyon.

"Gagawin ko na." Inusog niya palapit sa desk ang upuan at pumindot sa keyboard para mabuhay ang naka-sleepmode na computer.

"Gagawin mo kung kelan uwian na?" Natuon ang kanyang pansin sa widget clock ng screen. Ala-sais na. Seryoso? Inabot siya ng ala-sais sa kakaisip kay Siera pati na rin kay Romulus.

Lumagpas ang tingin niya kay Krizzy nang makita ang pagdaan ni Ms. Chavez. Umiling ito na mukhang disappointed nang husto sa kanya bago naglakad palayo.

"Girl, kanina pa iyan badtrip dahil hindi mo ginawa ang parte mo para sa promotional presentation. Iyong inis niya sa 'yo ibunton sa iba dahil hindi ka naman mapagalitan. Lakas mo talaga, ah? Kayo na ba talaga ni Sir Sixto?"

"Hindi. Ano ka ba? Actually, kaibigan ko siya. Boyfriend kasi siya ng kaibigan ko. Hindi ako ang girlfriend niya." Itong si Sixto talaga. Siguro sinabi sa mga head dito sa department na huwag siyang papagalitan. Ayaw naman niya ng ganoon. Ayaw niya ng special treatment.

A Vidente Where stories live. Discover now