Chapter 2

14.2K 589 38
                                    

SHE took the beige long-sleeve knitted cardigan dress off the bed to complete her school OOTD. She threw it over her Herve Leger coordinate-white fitted mini skirt and sleeveless knit viscose-blend crop top. She then took the beige classic flap bag in grained calfskin leather and gold-tone hardware from the chair and slung it across her body. Her lips formed a delighted smile as she realized how pleased she was with her appearance. She loved neutral colors. She completed her ensemble with white ankle boots. She ran her fingers over her jet black hair, which was sleek and straight. 

Nang makuntento sa ayos ay kinuha niya ang dalawang libro at notebook sa ibabaw ng kama saka lumabas ng silid. Sa paglabas ng bahay ay gumuhit ang ngiti sa kanyang labi nang makita si Romulus na nakasandal sa gilid ng pulang sasakyan nito. Nakahalukipkip, naka-cross ang mga binti. Isang jeans, leather shoes at abu na fitted sweatshirt ang suot  nito. A sexy grin appeared on his lips upon seeing her. He immediately lifted his back off the car and  walked straight towards her. Agad naman niyang sinalubong si Romulus. Automatikong pumaikot ang isang bisig niya sa leeg ni Romulus habang ang mga braso  naman ni Romulus ay pumaikot sa katawan ni Beatrix at ang kanilang mga labi ay naghugpong sa isang mainit na halik. Hindi inalintana ang mga guwardiyang nasa paligid na nagbabantay sa bahay. 

Napakatagal nilang hinalikan ang isa't isa at nang tapusin ay medyo mabigat ang kanilang paghinga. "Dapat talaga–" She laughed, cutting him off by pushing him away from her. He cajoled her to have sexy time earlier but she refused since she's running out to time. 

"Let's go!" Nilagpasan niya ito at tinakbo ang sasakyan. Hindi na niya hinintay pang pagbuksan siya ni Romulus. Agad na siyang sumakay. Napatawa si Beatrix nang makita si Romulus na hinahaplos ang likod ng ulo habang napailing. Naglakad ito patungo sa sasakyan at lumulan. 

"Ayaw mo talaga? Kahit ikaw na lang. I love watching you climax." Argh! She tried everything she could to avoid being affected by Romulus' seduction but she failed. She felt a tickling sensation between her thighs, and she knew he scented his arousal since his nostrils flared.

"Stop it, Romulus! I have a quiz in my first subject," natatawa niyang sabi. Dismayado itong bumuntong-hininga saka binuhay ang makina ng sasakyan. 

"Mamaya na lang pagkatapos ng klase mo." Muli siyang napatawa pero sinang-ayon na lang ang sinabi nito. 

"Anyway, miss ka na raw ni Luna. Bukas babalik na sila rito."

"I missed her and Javiah, too." 

"Ayaw niyo ba kasing sa Manila na lang?" 

"Sina mom and dad kasi." Tumango si Romulus. Agad namang naintindihan ang sitwasyon niya. Dalawang taon din silang nag-aral ni Luna sa Manila bago nagpasyang bumalik ng Benguet para dito ituloy ang pag-aaral. Ang kanyang mga magulang naman kasi ay hindi gustong tumira sa Manila. Nang maglambing ito sa kanyang bumalik na sa Benguet ay pinagbigyan na niya. Pero ang totoo, mas gusto niyang tumira sa Benguet kaysa sa Manila na napakainit ng panahon. Itong si Luna na kakabit bituka na yata niya ay ayaw magpa-iwan kaya sumama pa rin sa kanya. Si Fhergus na ang nag-adjust. 

Maraming nagbago sa buhay niya–sa kanilang pamilya matapos ang giyera sa pagitan ng mga Paganus at Lycan. Matapos mamatay ng diablong si supremo ay kasabay rin ng pagbagsak ng marangyang pamumuhay ng karamihan sa paganus at kabilang sila sa naapektuhan. Hindi lahat ng Paganus ay sang-ayon sa pakikipag-alyansa ng mga witches sa Lycan. May mga Paganus na piniling makipag-alyansa pero may ilang mas piniling mamuhay sa labas ng pamumuno ng Lycan at Paganus. Mas piniling mamuhay ng normal.

Nang mamatay si Seraphim ay may mga Paganus na bumagsak ang pamumuhay. Ang lahat ng ari-arian at investment ng bawat  individual ay nawala sa kanila. Kahit wala na si supremo ay malaki pa rin ang impact nito sa mga Paganus. Hindi naman kasi lingid sa kaalaman nila na ang tagumpay ng lahat sa larangan ng negosyo, pulitika at iba pang karera ay dahil sa mataas na opisyales ng Paganus. Dahil sa koneksyon na kayang ibigay sa mga miyembro ng Paganus. Kaya nang mawala si Seraphim at umaklas ang iba pang matataas na miyembro ay parang gumuho ring parang gusali ang pamumuhay ng mayayamang Paganus. Kaya ito, asa siya kay Romulus. Kapag bitinitawan siya nito hindi niya alam kung saan siya pupulutin. 

A Vidente Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ