Chapter 14

5.1K 110 9
                                    

SEVIANNA KATE POV:

_

_

3 MONTHS PASSED:

_

_

Kasalukuyan akong nagluluto ngayon nang kakaining umagahan ng mga mag aama ko. Nagluto ako ng spam, buttered shrimp, omelet, hotdog at kimchi rice. Yun kase ang request ni Tyler. Habang naghahanda ako nang mga pagkain narinig kong lumabas na ng kwarto si Tyler.

“Good Morning.” saad niya bago umupo sa upuan. Agad ko namang inilapag yung mga pagkain sa lamesa para makakain na at baka malate pa siya sa trabaho.

“Good Morning. Tulog paba si Zyler” tanong ko sa kaniya. Tumango tango nalang siya bago magsandok ng kanin. Napansin ko ding naka simangot siya nung lumabas sa kwarto. Bad mood ba siya? Hindi ba niya nagustuhan yung ginawa namin kagabi?


Umupo nadin ako at nagsimulang kumain. Nagtataka ako dahil hindi man lang siya nagsasalita. May problema ba siya? Tahimik lang kami habang kumakain dahil baka magalit pa siya kapag nagtanong ako. Maya maya ay tumayo na siya sa kinauupuan niya at naglakad patungo sa cr. Nagtataka ulit ako dahil routine na namin yung hahalikan niya ako bago pumasok sa banyo. Ni hindi nga manlang siya nag I love you. Galit ba siya sa akin? Medyo na curious ako kaya kaagad ko siyang sinundan sa banyo para sabayan siya maligo. Agad akong kumatok sa pinto nang makarating ako dun.



“Love sabay tayong maligo.” saad ko bago pihitin yung doorknob ngunit naka lock ito. Lagi naman kaming sabay naliligo sa umaga ah?

“Not now Sevianna.” he said in irritated voice. Nalungkot ako dahil hindi naman siya ganun. Tahimik akong naglakad papalayo sa kaniya at bumalik nalang sa kusina.



Nang matapos siyang maligo agad siyang nagbihis at umalis. Nalungkot ako dahil hindi niya man lang hinalikan yung mga anak niya at saka ako. Isinawalang bahala kona lang siya nung marinig ko yung pagiyak ni Skylaire at pinuntahan ito. Nagugutom na siguro siya. Habang pinapad*de ko ito napapaisip parin ako sa mga kinikilos ni Tyler. Nawawalan naba siya ng pagmamahal sa akin? Napa buntong hininga nalang ako dahil umiiyak nanaman si Skylaire.

_

_

Medyo mag gagabi na ngayon pero wala parin si Tyler. Hindi naman weekends ngayon kaya hindi siya mag oover time. Kanina padin ako hintay ng hintay sa reply niya sa message ko pero hindi man lang siya nagreply. Nakain kami ng mga nachos, burger, fries at milktea ngayon dito sa bahay. Kasama ko sila Tristan at Crystal ngayon na broken hearted. Yung daw kasing nurse sa hospital kung saan nagtatrabaho si Sir Andrew ay nakikipag landian sa jowa niya. Kahapon nahuli daw ni Crystal na naghahalikan yung dalawa kaya magka away sila ngayon. Ang nakakapag taka pa ay hindi man lang nag sosorry si Sir Andrew. Limang buwan nalang ikakasal na sila tapos ngayon pa sila nagka problema.


“Besh tara bar tayo. Maghahanap ako nang bagong jojowain. Ayaw na ata sa akin ni Andrew. May bago na siyang gusto.” lumuluhang saad niya. Kawawa naman itong kaibigan ko, pero alam kong loyal si Sir Andrew sa kaniya. Baka cool off muna silang dalawa ngayon.


“Besh huwag na. Hihintayin ko pati si Tyler para makilag usap ngayon. Bukas nalang kita sasamahan.” aniya ko bago sumubo ng nachos. Nagulat kaming lahat ng tumunog yung cellphone ko.


Agad ko itong kinuha at tiningnan, nag chat si James. Nang buksan ko ang message niya biglang gumuho ang mundo ko. Naluha ako nang makita ko yung mga picture at video  na sinend niya. Paano niya nagawa sa akin toh? May babaeng naka upo sa hita ni Tyler at naka ngiti pa siya. Mas lalong nadurog ang puso ko nang panoodin ko yung video na sinend niya. Dahil nakikipaghalikan si Tyler dun sa babaeng naka upo sa hita niya at halatang nagugustuhan niya ito. Nagsimulang tumulo ang mga luha ko. Ito ba? Ito ba ang dahilan kung bakit ganoon niya ako tratuhin? Akala ko ba huli na yung sa secretary niya? Paano mo nagawa sa akin toh Tyler? Kung hindi pa sinend ni James sa akin hindi kopa malalaman na niloloko niya ako.


My Professor Got Me Pregnant [COMPLETED/EDITING]Where stories live. Discover now