Chapter 9

7.6K 167 11
                                    

Simula nung araw na na iyon ay maayos na ang pag sasama namin ni Tyler. Pinatawad ko na siya pero hindi ko alam kung bibigyan ko pa ba siya ng pagkakataong mahalin muli ako. Nasaktan kase ako sa ginawa niya. Hindi ko alam kung kaya ko pa bang mag tiwala sa kaniya. Pero sa mga oras na magkasama kami, hindi ko mapigilan ang sarili kong mahulog muli sa kaniya. Palagi na siyang nag iingat sa mga sinasabi niya at palagi na din siyang malambing.

Kasalukuyan akong naghahanda ng susuotin kong damit ngayon para sa date namin ni Tyler. Inakit niya kase akong mag date daw kami ngayon dahil sa successful daw yung business meeting niya kanina at kailangan naming mag celebrate. Nabigla naman ako dahil kagabi lang ay nasa isang restaurant kami habang nag da-date.

Isang buwan na din ang nakalipas nung aminin ko kay Zyler na si Tyler ang ama niya. Sobrang saya ni Zyler dahil may Daddy na siya na susundo sa kaniya sa school. Wala naman naging tutol sa pamilya ko na makasama ni Zyler yung ama niya. Ayaw kong pagkaitan ng kumpletong pamilya si Zyler at gusto kong maging masaya siya. Saka deserve niyang lumaki na kumpleto ang pamilya.

Habang nag bibihis ako ay hindi ko mapigilang mapangiti. Dahil noon lang masaya na ako kapag kinausap niya ako tapos ngayon may anak na kami. Maraming pangyayari ang naganap pero hindi ko talaga siya kayang kalimutan.

Ilang taon na ang nakalipas pero siya pa rin talaga ang kaisa isang lalaking minamahal ko. Marami man kaming maging problema, handa akong tulungan siyang malagpasan namin ito.

Nang matapos na akong magbihis ay agad akong bumaba dahil nag text na si Tyler na nasa ibaba na siya. Nagulat ako dahil kanina lang ay nag chat siya na bago pa lang siya naliligo.

"My Mommy is so beautiful." my son complimented me habang nag lalaro siya sa kaniyang ipad. Agad naman akong napangiti at hinalikan siya sa pisnge.

"Mommy bawal po ba talaga ako sumama sa inyo ni Daddy?." Zyler said and pouted. Gusto niya kaseng sumama sa date namin ng Daddy niya pero ang sabi ni Tyler na ibibili niya ito ng bagong toys kapag hindi siya sumama.

"Anak matagal din kaming hindi nagkita ng Mommy mo. Gusto kolang siya masolo kahit isang araw lang."aniya ni Tyler bago halikan si Zyler sa noo at agad namang tumango si Zyler bago lumapit kila Crystal at Sir Andrew.

"Gora na beshh, don't worry hindi ko iiwan yung anak mo. Maghapon kaming mag ba-babysit netong lalaking toh." saad niya sabay turo kay Sir Andrew na nakayakap sa kaniya.

"So let's go na Love."pag aaya ni Tyler sabay hawak sa kamay ko. Nang makalabas na kami agad kaming sumakay sa kotse niya at umalis na.

_

_

_

"Love tikman mo ang sarap." saad niya habang sinusubuan ako ng carbonara. Nandito na kami ngayon sa Restaurant malapit sa mall. Agad ko naman itong sinubo at kinain.

"Hmm masarap nga."aniya ko bago punasan yung labi ko.

"Alam mo sobrang saya ko nung malaman kong anak ko si Zyler. Nung una nagtaka ako dahil bakit may batang green ang mata sa bahay ni Tristan dahil ako lang naman ang may green eyes sa aming dalawa. Pero nang tanungin ko siya kung sino ang Mommy niya, alam kona agad na anak ko siya." aniya niya bago hawakan ang kamay ko. Namula naman ako dahil sa ginawa niya.

"Nung umalis ka, doon ko narealize na mahal kita. Nagsisi ako dahil pilit kitang pinagtatabuyan noon. Alam ko namang kapag nagtanong ako kay Tristan hindi niya sasabihin sa akin kung nasaan ka dahil sa mga nagawa ko sayo. Kaya naghintay ako dahil alam kong babalik ka sa akin." Hinintay niya ako?? At minahal niya din ako noon??

"Mahal kita Sevy. Sana mahal mo parin ako." saad niya na nagpalakas sa tibok ng puso ko.

"Mahal din kita Tyler." nahihiyang saad ko bago umiwas ng tingin sa kaniya.

My Professor Got Me Pregnant [COMPLETED/EDITING]Where stories live. Discover now