Chapter 3

7.9K 201 15
                                    

“Dahan dahan lang Tristan.” pakiusap ko sa kanya habang ginagamot niya yung sugat ko. Nililinis niya ito gamit ang tubig at bulak bago nilalagyan ng alcohol. Tuwing idinadampi niya ang bulak sa aking sugat ay napapa daing ako dahil sa sakit.

Nasasaktan pa din ako sa mga sinabi ni Sir Tyler. Bakit ba siya ganon? Mahal ko siya tapos sasaktan niya lang ako. Wala siyang pake sa nararamdaman ng iba, hindi siya aware na nakakasakit na siya.

He doesn't want me to be part of his life?

Para tuloy nawalan na ako ng pag asa.

Kailangan ko na siguro siyang kalimutan.

Baka hindi talaga kami para sa isa't isa.

“Are you still thinking about what he said earlier?” nag aalalang tanong ni Tristan habang nilalagyan ng alcohol yung sugat ko. Napadaing naman ako dahil sa sobrang hapdi. Sa totoo lang mas masakit pa yung sinabi ng kapatid niya kaysa sa sugat ko.

“Kung ayaw niya naman pala sa akin edi lalayo na lang ako. Madali lang naman dapat pala dati niya pa sinabi sa akin yun. Para noon pa lang hindi na ako umasa na magugustuhan niya ako kahit kaunti” i said while stopping myself from crying. Napansin ni Tristan na malapit na akong umiyak.

“Maraming salamat sa pag gagamot mo ng sugat ko. Alis na muna ako, pupunta pa nga pala ako sa kwarto ni Ate Tanya. Mamaya na lang ulit tayo mag usap.” aniya ko at tumango na lang siya. I smiled at him before i left his room.

Nang makalabas ako sa kwarto niya napansin ko namang nakatingin si Sir Tyler sa akin. Para bang kanina niya pa ako iniintay lumabas sa kwartong iyon. Halatang balak niya ako kausapin kaya binilisan ko na yung pag lalakad papasok sa kwarto ni Ate Tanya para hindi niya ako maabutan. Nang makapasok na ako sa kwarto ni Ate Tanya napatingin siya sa akin habang inaayos niya yung lamesa na may mga mamahaling alak at mga seafoods.

“Sevy narinig ko kay Tristan na nagca-crave ka daw sa seafood kaya umorder na lang ako sa isang restaurant. Pasensya ka na sa ugali ni Kuya ha. Halika kumain tayo at uminom ng alak.” pag aaya ni Ate Tanya kaya umupo na ako sa isang upuan. Napaka bait niya talaga. Parehas sila ng ugali ni Tristan, mabait, maalalahanin at mapag bigay. Si Sir Tyler lang naman ang ipinaglihi sa sama ng loob. Nararamdaman kong kumakalam nanaman ang tiyan ko kaya agad akong kumuha ng pag kain.

“Nakakainis na talaga si Kuya. Hindi ko alam kung bakit mahal na mahal niya yung babaeng yun eh hindi naman maganda. Mukang pokpok na nakatira sa squater. Ginayuma niya ata si Kuya eh.” naiinis na ani niya habang umiinom ng alak. Agad akong kumuha ng baso at nilagyan ko ito ng alak. Hindi naman siguro masama kung uminom ako ng alak ngayon diba? Saka 20 years old na ko pwede na akong mag inom.

“Alam ko namang hindi niya ako magugustuhan, sadyang ipinagpipilitan ko lang yung sarili ko sa kaniya. Huwag siyang mag alala hindi ko na ipagpipilitan yung sarili ko sa kaniya. Tutal ayaw niya din naman ako maging parte ng buhay niya.” aniya ko sabay inom ng isang baso na puno ng alak na dala ni Ate Tanya. Marami ako nireject na manliligaw ko dahil siya yung gusto ko, pero kahit kausapin ako ng maayos ay hindi niya magawa.

“Okay lang yan Sevy. You deserve better. Kung gusto mo marami akong kaibigan na lalaki irereto ko na lang sayo.” pag aalok niya habang nag iinuman kaming dalawa. Kahit sino pa ireto mo Ate Tanya ay hindi ko rin naman ito magugustuhan, alam mo naman kung gaano ako ka loyal jan sa kapatid mo.

“Hahaha pero napaka sakit talaga Ate Tanya..” I said and smiled bitterly. Sobrang sakit. Sino ba naman hindi masasaktan kapag sinabi ng taong mahal mo na ayaw ka niyang maging parte ng buhay niya. Palibhasa siya kahit kailan ay hindi pa nirereject. Hindi niya alam yung nararamdaman ko.

My Professor Got Me Pregnant [COMPLETED/EDITING]Where stories live. Discover now