Chapter 8

7.5K 188 14
                                    


Apat na taon na ang nakalipas simula nung ipanganak ko si Zyler. Kagaya nga ng inaasahan namin, si Tyler ang kamuka niya. Para bang carbon copy siya ni Tyler. Parehas silang moody at laging seryoso. Mahilig din silang dalawa sa libro at ayaw nila parehas ng sardinas. Halos lahat ata kay Tyler niya nakuha. Habang ako paulit ulit na tinutukso ni Crystal dahil hindi ako yung kamuka nung anak ko.

Kasalukuyan akong nakaupo dito sa sofa habang nanonood kami ng movie. Nakangiti ako ngayon habang pinagmamasdan ang munti kong anghel habang tumatakbo papalapit sa akin.

“Mommy look, Tita Crystal gave me alot of chocolates today.” nakangiting aniya ng anak ko habang naglalaro ito sa ipad niya. Spoiled na spoiled talaga siya lalo na pagdating sa Tita Crystal at Tito Tristan niya. Kapag hindi mga pagkain minsan laruan tapos minsan pera din.

“Besh hindi talaga ako maka get over na ikaw ang nagluwal kay baby Zyler pero hindi ikaw yung kamuka.” natatawang ani ni Crystal habang kumakain ng chocolate. Talaga namang pinaalala pa ng babaitang ito. After kong manganak noon nagtatampo ako dahil ako yung nahirapan manganak pero hindi ako yung kamuka.

He was born with green eyes just like his father, even his lips, nose and whole face nakuha niya sa tatay niya. Wala nga siyang nakuha sa akin kase pati yung attitude niya kay Tyler din nangaling. Wala naman kaming balita tungkol kay Tyler dahil nang mabuntis niya kamo si Darcie ay lumipat na sila nang bahay. Baka kasal na sila ngayun nun. Hays bakit ko ba sila iniisip. Wala akong pakielam sa kanila, mag fofocus nalang ako kay Zyler.

“Naks pogi naman ng pamangkin ko. Eto na yung pasalubong ko sayo. Diba ito yung gusto mong bilhin sa mall diba?” aniya ni Tristan sabay abot sa anak ko nung laruan na nakita namin sa Mall nung nakaraang linggo. Teka 15,000 yun ah?

“Seryoso binili mo talaga? Kinse mil yun Tristan.” Alam kong gustong gusto ni Zyler ang laruan na yon. Hindi ko ito nabili sa kaniya nung nakaraan dahil sobrang mahal at kulang ang pera ko. Iba na talaga si Tristan pagdating sa pamangkin.

“So 15,000 lang naman yun ah. Saka kung para ba sa pamangkin kong pogi bakit hindi? Bigyan mo nga ng kiss si Tito Dad.” aniya nito kaya agad naman lumapit si Zyler at hinalikan ito sa pisnge.

“Eh kayo kelan niyo balak magkakaroon ng anak?” tanong ko kila Crystal at Sir Andrew. Hindi ko mapigilang matawa dahil biglang namula si Crystal.

“Ano kaba besh pagkatapos na ng kasal namin.” ani  ni Crystal habang namumula pa rin. Mabuti pa si Crystal ikakasal na sa taong mahal niya, samantalang ako eto single Mom. Natatakot ako baka isang araw biglang maghanap nang tatay yung anak ko.

“Tito Dad can i ask you po something?” biglaang tanong ng anak ko habang nilalaro na yung mga laruan niya.

“Yes baby Zyler. Ano bang itatanong mo?” tanong ni Tristan habang kumakain ng chips.

“Tito Dad bakit wala po akong daddy?” tanong ni Zyler na nagpabuga sa iniinom kong juice. Agad akong inabutan ni Crystal ng tissue at nagpunas ako.

Hindi, hindi ito maaari.

Anong gagawin ko?

Anong isasagot ko sa kaniya?

“Bakit parang biglaan naman yang tanong mo Baby Zyler?” hindi mapakaling tanong ni Tristan sa anak ko. Hindi ako makapag salita dahil sa itinanong ng anak ko. Hindi ko napigilang mag alala nang makita kong yumuko ang aking anak na para bang nalulungkot siya.

“Kase halos lahat po ng classmates ko ay sinusundo nung daddy nila. Nalulungkot po ako dahil wala po akong daddy.” aniya ni Zyler habang tumutulo ang luha. Agad akong lumapit sa anak ko ata pinahidan ang luha nito.

“Hindi ko pa pwede sabihin sayo ang dahilan anak. Pero malalaman mo din yun kapag medyo lumaki kana.” aniya ko habang hinihimas ang likod nito. Patuloy pa din ang pagluha niya kaya kinalong ko ito habang patuloy pa din ang paghimas ko sa likod nito. Maya maya lang ay nakatulog na din ito at inihiga ko ito sa kama.

My Professor Got Me Pregnant [COMPLETED/EDITING]Where stories live. Discover now