Chapter 4

7.9K 198 14
                                    

Four days have passed at ngayon na ang araw na pupunta kami sa Laiya Batangas. Sa sobrang excited ko parang hindi ako makatulog kagabi. Kasalukuyan kaming nasa parking lot ng University namin habang inaantay yung iba pa naming kasama. Dalawang Van yung gagamitin namin dahil buong klase ang kasama. Maliban pa dun sa mga teacher at SSG Officer. Ina arrange namin ni Tristan yung mga kasama nang biglang dumating si Sir Tyler. Magkahawak kamay silang dalawa ni Darcie. Biglang sumikip ang dibdib ko sa aking nakita. Parang nung nakaraan lang bigla bigla niya akong hinalikan. Nagtama ang tingin naming dalawa pero agad akong umiwas at itinuloy ang ginagawa.

Sevy kumpleto na yung Van 1 saka Van 2.aniya ni Tristan habang may pinipirmahan. Finally, nahihirapan kase kami kanina dahil parang kulang.

Mabuti naman kung ganon. Teka saan nga pala ako sasakay? tanong ko sa kanila. Puno na yung dalawang Van tapos puno na din yung kotse ni Tristan. Puro SSG Officer ang nakasakay sa kotse ni Tristan. Ayaw ko naman sumakay sa kotse ni Sir Tyler dahil nandoon si Darcie. Napandin kong parang may gustong sabihin si Sir Tyler. Magsasalita na sana si Sir Tyler nang biglang magsalita si Sir Andrew.

“Sevy sa akin ka na lang sumabay. Solo lang ako sa kotse ko.” pag aalok ni Sir Andrew. Sakto, aantayin ko pa sana si Ate Tanya pero andito na si Sir Andrew. Bigla naman akong sinamaan ng tingin ni Sir Tyler. Para bang sinasabi niya na tumanggi ako sa alok ni Sir Andrew.

S-sige po Sir” saad ko na mas lalong nagpadilim ng aura ni Sir Tyler. Kinuha niya yung mga gamit ko at inilagay sa likod ng kotse niya. Ramdam ko parin ang talim ng tingin ni Sir Tyler habang papasok ako sa kotse ni Sir Andrew.

May relasyon ba kayo ni Tyler?biglaang tanong ni Sir Andrew nang makapasok kami sa kotse. Relasyon? Bakit mo naman naitanong yun Sir? Nako mukang malabo pa sa patis labo.

Wala po SirTama wala naman talaga kaming relaayon ehh. Ako lang naman yung nagmamahal sa aming dalawa.

“Sigurado ka ba? Para kasing gusto na niya ako patayin kanina nung inaalok kitang sumabay sa akin. Ramdam ko ang talim ng tingin niya sa akin bago tayo pumasok sa loob ng kotse.natatawang ani niya habang sinisimulan nang mag drive. Hindi nalang ako sumagot dahil wala ako sa mood. Tuwing naaalala ko kung paano hawakan ni Tyler yung kamay ni Darcie, parang gusto ko na lang mag wala.

Uhh Sevy gusto mo donut?? pag aalok niya bago kunin yung box ng Dunkin Donut sa may upuan sa likuran namin. Kaagad niyang inabot sa akin yung box nito. Wow sakto may matcha flavor. Wait, matcha flavor? May kakaiba tuloy akong naaalala.

Six piece's donut yan. Hindi pa kase ako nakakapag breakfast kaya bumili ako bago dumiretso sa waiting area. Feel free to eat some” saad niya habang umiinom ng coffee. Agad ko naman kumuha ng isa at kinain ito. Hindi pa din kase ako kumakain ng breakfast dahil sa pagmamadali ko kanina.

Sevy..

Bakit Sir?” tanong ko sa kaniya.

I-i kinda like your b-best friend.nahihiyang aniya nito. Bestfriend? Si Crystal ba ang tinutukoy niya?

Huwhattttt??

Gusto niya si Crystal?

Malamang over the moon yung babaitang yun kapag nalaman niya toh!!

Ikaw ha Sir Andrew type mo pala yung kaibigan ko, don't worry type ka din niya..

Talaga Sir? hindi makapaniwalang ani ko sa kaniya habang kumakain ng strawberry donut. This is unexpected, pero hindi na ako magtataka kung bakit di Crystal ang nagustuhan niya. Maganda na sexy pa.

My Professor Got Me Pregnant [COMPLETED/EDITING]Where stories live. Discover now