Chapter 2

8.5K 208 10
                                    

SEVIANNA KATE POV:

Mag dadalawang oras na akong nakahiga dito sa clinic habang si Crystal ay naka upo at nag ce-cellphone.

"Okay kalang ba Sevy?" tanong ni Crystal habang nakatingin sa akin. Alam kong naiinip na siya pero hindi pa din niya ako iniiwan.

"Last month kase hindi ako nagka regla, kaya siguro sobrang lakas at sobrang sakit nito ngayon." pagpapaliwanag ko habang nakahiga. Sobrang saya ko pa naman last month dahil hindi sumakit yung puson ko at nakapag laro ako ng volleyball.Naguusap pa kami ni Crystal nang biglang pumasok si Sir Andrew habang may dala dalang hot compress. Kaagad niyang inabot sa akin yung hot compress at pinaliwanag kung papaano gagamitin.

"Eto na yung hot compress Sevy. Dahan dahan dahil mainit ito. Ilagay mo yan sa loob ng palda mo para mawala na ang sakit ng puson mo. Mayroon din kumot jan gamitin mo pang takip sa legs mo. Kailangan mong matulog muna para mapahinga ang katawan mo at hindi na sumakit ng sobra ang puson mo. Pag gising mo ay sigurado akong hindi na yan masyadong masakit." aniya ni Sir Andrew kaya tumango nalang ako bilang pag responde. Uupo na sana muli si Crystal nang biglang magsalita si Sir Andrew.

"Hayaan na muna nating makapag pahinga si Sevy para maging maayos na ang pakiramdam niya. Lumabas na muna tayo Crystal" ani ni Sir kaya mas mabilis pa kay flash na lumabas si Crystal sa kwarto. Talaga yung babaeng yun! Pag talaga pogi ang nag aya ka agad sumusunod!

"Teka lang Sir, Sevy kapag nagutom ka or may gustong kainin i message mo lang daw si Tristan." saad niya bago tuluyang lumabas ng Clinic. Dahil sa sobrang sakit ng puson ko at medyo inaantok na ako ay ka agad akong nahiga para matulog. Dahil siguro sa sobrang sakit ng puson ko ay nakatulog agad ako pagka pikit ko.

-------------------------

Nagising ako sa ingay sa labas ng kwarto ng Clinic. Agad akong bumangon para malaman kung ano ang nagyayari ng makita kong maraming mga babae ang nakapila para magpa check up kay Sir Andrew. Hayss kapag talaga may pogi laging nandun sila. Lalo na si Ellina kase sobrang lagkit kung makatingin kay Sir Andrew. Nakooo pag nakita ka ni Crystal ehh. Yari ka dun! Wag mo agawin yang bebe niya!!

"Ohh gising kana pa Sevy. May masakit paba sayoo maayos na ang pakiramdam mo?" tanong ni Sir Andrew bago tumingin sa mga pasyente niya.

"Maayos napo ang pakiramdam ko Sir. Maraming Salamat po." pasasalamat ko sa kanya bago lumabas ng Clinic. Nagugutom ako parang gusto ko ng buttered shrimp at saka buko salad. Kaya nag deretso na agad ako sa Office ni Tristan para dun nalang magpalipas ng oras. Nang makarating na ako sa tapat ng pintuan nito may naririnig akong ingay sa loob kaya walang paalam ko itong binuksan at nakita kong nagsusuntukan si Tristan at si .....SIR TYLER?

Anong nangyayari? Bakit sila nag aaway?

Agad akong pumagitna sa kanilang dalawa para pigilan sila. Marahil nagulat silang dalawa ng bigla ko silang pinigilan. Bakit ba nandito si Tyler?!"Anong ginagawa mo dito?" malamig na tanong ni Sir Tyler bago bitawan si Tristan.

"Wala kanang pake dun. Ano bang problema mo bakit inaaway mo si Tristan." galit na sigaw ko sa kanya. Nagulat naman siya dahil ito ang unang beses na sinigawan ko siya. Lagi kase akong malambing kapag nakikipag usap sa kaniya.

"Tskkk. Marked my words Tristan." huling aniya niya bago umalis palabas ng Office ni Tristan.

"Marked my words? Ano pinagsasasabi nun?" nagtatakang tanong ko kay Tristan pero iniwasan niya lang ako ng tingin. Problema nilang magkapatid? Ang weird nila!

••

TRISTAN CARL'S POV:

_

My Professor Got Me Pregnant [COMPLETED/EDITING]Where stories live. Discover now