Special Chapter 3

148K 3.3K 574
                                    

Ang chapter na ito ay Rated SPG. Ito ay maaaring may maseselang tema, lenguwahe, karahasan, sekswal, horror o droga na hindi angkop sa mga bata.

Thank you! Last special chapter! Until my next stories. :)

------------------------------------

Special Chapter 3

"Josh, puntahan natin si Ariana." malambing na sabi ko sa kanya dahil walang kakilala si Ariana sa mga imbitadong guest namin dito sa kasal kundi ang pamilya lang ni Josh na inaasikaso rin ang iba naming mga invited guests at inimbita rin namin si Jasmine pero sayang dahil nagmasteral pala sya sa China't finals nila ngayon kaya hindi sya makakapunta.

Ako ang nagpa-invite sa kanya dahil naging matalik na kaibigan naman sya ni Josh at wala na sakin ang mga nangyari dati. Alam kong mahal nya si Josh kaya nya nagawa yon pero at least, ngayo'y mukhang natanggap nanaman na nya ang lahat kaya nya tinanggap ang imbitasyon namin dito sa kasal na talagang umuwi pa sya galing Paris.

Simula ng bumalik si Josh galing Singapore ay kinalimutan ko na ang mga nangyari dati dahil alam kong hindi naman na 'yon importante basta mahal parin namin ang isa't-isa. Hindi na rin namin napag-uusapan at masaya na ako sa kung anong meron kami ngayon lalo na't ikinasal na kaming dalawa.

Sinulyapan naman ni Josh si Ariana na tahimik habang kumakain ito ng cake saka muling binalik ang tingin sa akin.

"No." aniya't yumakap sa akin. "I just want to be beside my baby."

I playfully rolled my eyes at him saka sya siniko upang makawala ako sa kanya.

"Sige na please?" malambing na pagpilit ko sa kanya. "I just want to talk to her." at ngumuso pa ako.

Napabuntong hininga naman sya at tumayo na sa kanyang kinauupuan saka nilahad ang kanyang kamay sa akin.

"Let's go, Mrs. Sy." nakangiting aya nya sa akin.

Kinagat ko ang aking ibabang labi at pinipigilan ko ang pagngiti ko nang dahil sa pagtawag nya sa akin ng Mrs. Sy.

Ang sarap pakinggan na ngayo'y iyon na ang tawag sa akin. Ang sarap sa pakiramdam na dinadala ko na ang kanyang apilyido. It's all so surreal.

"Mamaya ka na kiligin kapag honeymoon na natin." aniya't kumindat pa sakin kaya nasira ang pagd-day dream ko tungkol sa kanyang apilyido.

I rolled my eyes at him saka binigay ang kamay ko sa nakalahad nyang palad. "Whatever." sabi ko nalang at hinatak ko na sya papunta kay Ariana.

Nang mamataan kami ni Ariana'ng papalapit sa kanya ay agad nyang tinigil ang kanyang pagkain at pinunasan ng tissue ang kanyang bibig saka humarap sa amin ng diretso.

"Ariana." nakangiting sambit ko ng pangalan nya.

Tumayo naman sya ng nakangiti saka naghalf bow sa amin at ganon rin ang ginawa namin ni Josh.

Chinese traditions.

Marami pa akong hindi alam na Chinese traditions kaya daw pag nakapagsettle na kami ni Josh ay pag-aaralan daw namin ang mga traditions sa China.

Balak pa naming i-enjoy ni Josh ang first year ng marriage life namin na kaming dalawa lang. I mean, travelling with him around the world as my husband.

Hindi pa naman kami nagmamadaling magkaanak kaya balak namin na pagkatapos ng isang taon ay saka na namin 'yon pag-iisipan. Pag natapos na naming libutin ang mundo'y ay ang anak naman namin ang imumulat namin sa buong mundong 'yon.

We will treat him/her like a prince/princess. Lahat ng gusto nya'y masusunod. Lahat ibibigay namin sa magiging anak namin dahil pagkatapos ng isang taon na kaming dalawa lang ni Josh ay wala na kaming kailangan kundi ang kasiyahan nalang ng magiging anak namin.

Shouldn't Have SaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon