Chapter 26

127K 2.7K 316
                                    


Chapter 26
Friends

"Say ah.." nakangiting saad ko habang sinusubuan ng lugaw si Isaac.

Bumaba na ang lagnat nya. Kung kagabi'y 40 degrees ay bumaba sya ngayon ng dalawa. Hinihintay nalang namin ngayon ang results ng platelet count nya.

Nagleave muna ako ngayon dahil gusto ko syang alagaan. Partly, alam kong may kasalanan ako kung bakit lumala ang lagnat nya.

"Sana lagi nalang akong may lagnat." bigla nitong sabi at kung wala lang syang sakit ay baka binatukan ko na sya.

"Mamamatay ka na kung ganon." sabi ko nalang at niligpit na sa isang tabi ang pinagkainan nya saka binigay sa kanya ang bottled mineral water at ang gamot nya.

"Hindi rin." aniya. "Magaling yung nag-aalaga sa akin eh." kindat nya sabay inom ng gamot.

Napailing nalang ako at nagpeace sign sya sa akin ng iabot nya ang bottled water pagkatapos nyang uminom.

"Goodmorning." bati ng doctor pagkapasok nya sa loob ng kwarto.

Tinignan ko naman ang orasan at nakitang 10AM pa lang pala. Kaninang alas-singko pa kasi ako nandito. Pagkatext ko kay Mr. Horan na ako nalang ang magbabantay kay Isaac ay agad na akong pumunta dito sa ospital at tulog pa sya ngunit nagising nang dumating ang pagkain nya na ngayon nya lang kinain dahil nakipagkulitan pa sya sa akin.

"Goodmorning rin po." bati ko habang nakatingin lang sa kanya si Isaac.

"Normal naman ang platelet count nya at wala rin syang dengue. Pwede na syang umuwi pagkabayad ng bills pero painumin pa rin natin sya ng gamot para mawala na ng tuluyan ang lagnat nya." aniya at binigay sa akin ang mga papel. "Nandyan na yung mga results sa test sa kanya. Dun nalang sa baba to pay the bills. Thank you." at saka ito lumabas ng kwarto.

Tiniklop ko ang mga resulta't inilagay sa aking bag saka kinuha ang wallet ko upang mabayaran na ang bills.

"What's with your wallet?" tanong nya sa akin nang makitang kinuha ko ito.

Nilingon ko sya. "I'll pay your bills para makalabas ka na." simpleng sagot ko sa kanya.

Sumimangot naman sya sa sinabi ko at kinuha sa desk sa gilid ng kanyang kama ang wallet nya saka hinagis na akin na agad ko namang nasalo.

"Use my card." aniya. "Hindi ko hahayaang ikaw ang magbayad. Hangga't may laman ang wallet at card ko, ako ang mababayad ng lahat."

Ibinalik ko na kaagad ang wallet ko sa bag dahil alam kong wala rin naman akong magagawa at sya ang na-ospital kaya natural lang talaga na sya ang magbayad ng bills.

"I'll be back. Wag kang maglikot dyan at baka tumaas ulit ang lagnat mo. Saka magbihis ka na rin para tuloy-tuloy na tayo. Okay?" mariing bilin ko sa kanya at tumango-tango nalang sya saka ako lumabas na ng room nya upang mabayaran na ang bills nang makita ko si Lorraine na may dala-dalang mga fruits.

Nakayuko lang sya habang naglalakad at nang mapansin nya ang presensya ko ay agad syang nag-angat ng tingin sa akin.

Namumugto ang kanyang mga mata na para bang hindi sya nakatulog at umiyak lang magdamag.

"I-Is he fine already?" nauutal na tanong nya sa akin. "Gising ba sya?" dagdag pa nya.

Tumango naman ako. "He's fine at lalabas na rin sya. Kanina pa sya gising." I answered all of her questions. "Gusto mo ba syang bisitahin? Pasok ka nalang sa room nya."

"Hindi na." umiling sya't lumapit sa akin saka iniabot ang mga fruits. "Ikaw na lang ang magbigay sa kanya ng mga 'to. Hindi nya kasi tatanggapin kapag ako ang nagbigay sa kanya kaya ikaw nalang." aniya. "And please.. take care of him, okay?" pilit na ngiti nya saka mabilis na pumunta ng elevator.

Shouldn't Have SaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon