Chapter 14

120K 2.8K 258
                                    


Chapter 14
Ringing

"Lyrae!"

Napalingon ako sa pamilyar na boses na tumawag sa akin at nakita kong kumakaway na papalapit sa akin si Robin na may dala-dalang box ng Shakey's.

"Robin.." I called out his name at ngumiti sa kanya.

Inilapag nya sa lamesa ang box na tinakpan ang mga reviewer ko at agad ko namang naamoy ang paborito kong pizza. Alam na alam ko ang amoy non at ganito 'yon.

"Halos lahat ng nasa paligid mo ay pagkain ang nasa harapan samantalang ikaw, reviewer ang kaharap mo." biro nya at tinanggal na ang tali ng pizza.

"Uhm, malapit na ang finals at masyadong maraming tao sa library." dahilan ko habang tinitignan ko ang pagbubukas nya sa box ng pizza.

"Well, then let's eat first!" masayang untag nya at binuksan na ng tuluyan ang box.

Kuminang ang aking mata ng makitang hindi ako nagkamali. This is my favorite pizza! Natandaan nya pa!

"Nakita kasi kita dito ng mag-iisa at hindi naman malayo ang Shakey's kaya bumili muna ako ng paborito mong pizza bago ako lumapit sayo. Para ganahan ka ring magreview." he explained. "Wait, bili lang ako ng inumin." paalam nya't mabilis na umalis bago pa ako nakapagpasalamat nang dahil sa pizza na nasa harapan ko.

Hindi ko na natiis at hindi ko na sya mahintay kaya kumuha na ako ng isang slice saka nilagyan ng hot sauce bago ako kumagat.

"Lyrae really cant resist pizza huh?"

Napatingin ako kay Robin na ngayo'y nakangisi na habang inilalapag ang dala-dala nyang dalawang iced tea sa table.

"Sorry. Kumuha na ako." nahihiya kong sabi.

"Okay lang." ngiti nya at umupo sa tapat ko. "Para sayo naman talaga yan eh." dagdag nya pa.

"I'll pay for this, Rob. But still, thank you." nakangiting sabi ko.

Agad syang umiling sa sinabi ko. "I wont accept your money so dont try giving it to me." pinangunahan na nya ako sa pagdudukot ng wallet ko sa aking bulsa.

"Pero, Rob--"

"Let's eat and just enjoy this pizza cant we?" ngiti nya sa akin at kumagat na rin sa isang slice ng pizza'ng kinuha nya.

Suminghap nalang ako saka tumango at ngumiti. Alam kong hindi nya tatanggapin ang pera ko pero nakakahiya sa kanya at ayokong magkaroon ng utang na loob sa kanya as possible.

"Are you done with your investigatory?" tanong nya sakin nang matapos na kami sa pagkain ng pizza.

Tumango ako at tinuro ang nakalitaw na clearbook sa bag ko kung saan doon naka-compile ang investi ko.

"How 'bout you?" balik kong tanong sa kanya at inubos na ang iced tea.

"Tapos na rin. Nasa kotse nga lang." sagot nya. "Uhm, sabay na tayong magpasa?" alok nya sa akin at nilagay sa loob ng box ang tali ng box ng pizza pati na rin ang mga gamit ng sachet ng hot sauce.

"Sige lang." pagpayag ko at sinikop ko na ang baso saka tinapon sa pinakamalapit na basurahan.

Sumunod naman sya sa akin at itinapon na rin ang box.

"Hands?" humarap sya sa akin at inilahad ang kanyang isang kamay.

"Huh?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

Suminghap sya at kinuha ang kamay ko saka inilahad ito. May kinuha sya sa kanyang bulsa at nakita kong isa itong hand sanitizer. Nilagyan nya ng tamang dami ng sanitizer ang kamay ko at maging ang sa kanya.

Shouldn't Have SaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon