Chapter 13

124K 2.8K 415
                                    


Chapter 13
Feel

"Congrats!" masayang bati ko kila Dianne at Kyle.

Oras na ng sayawan sa kanilang reception at agad namin silang nilapitan ni Josh nang wala ng bumabati sa kanilang dalawa.

"Thanks, Lyrae." ngiti sa akin ni Dianne at nakipagbeso. "Dapat ikaw makakuha ng bouquet ah?" natatawang sabi ni Dianne sa akin.

I chuckled sa kanyang sinabi at inakbayan naman ni Kyle si Dianne saka tumingin sa amin ni Josh.

"At ikaw naman dapat ang makakuha ng garter, Josh." ngisi ni Kyle kay Dianne.

Tumawa naman si Josh. "Makikipagpatayan ako para sa garter na yon basta ba si Lyrae ang nakasalo ng bouquet."

"Hindi pwede!"

Napatingin naman kami kay Anne at Lawrence ngayon na papalapit na rin sa gawi naming apat.

"Kami ang makakakuha ni Renz non." ani Anne at binelatan kaming dalawa ni Josh.

Kumunot naman ang noo ni Kyle sa ginawang pagsingit ng kanyang kapatid o nang dahil sa sinabi nito.

"You're still young, Anne. Shut up." mariin nyang sabi.

Dianne chuckled. "Mukhang si Anne na ang ikakasal next year ha?" inis nito upang mas lalong mabanas si Kyle.

Anne rolled her eyes. "Ah basta!" untag nya saka muli kaming nilingon ni Josh. "May the best couple wins." at humalakhak sya.

Ngumisi naman si Lawrence at napailing nalang sa kabaliwan ni Anne.

Hindi pa naman nagp-propose sa kanya si Lawrence pero mas gusto nya pang maunang ikasal silang dalawa kaysa sa amin ni Josh.

"Bakit, Renz?" baling ni Kyle kay Lawrence. "Did you already propose to my sister?" nakataas ang kilay na tanong nito.

Umiling naman si Lawrence. "Hindi nga eh." sabay kamot nya sa kanyang ulo at binatukan naman sya ni Anne.

"Ewan ko sayo." inirapan sya ni Anne at nagwalk-out na.

"Mukhang mapapa-propose ata ako ng wala sa oras." ani Lawrence at mabilis na hinabol si Anne na palabas na ng hall.

Natawa nalang kaming apat sa inasta ng dalawa. Sa totoo lang ay nakakatuwa ang relasyon nilang dalawa. Never silang nag-away na halos magbreak sila, gaya namin ni Josh. Laging tampuhan lang at mabilis naman nilang naaayos yon. Hindi ata sila sanay ng hindi nagpapansinan ng kahit isang oras lang.

Alam na alam na ni Lawrence kung paano susuyuin si Anne twing magtatampo ito kaya mabilis rin silang nagbabati.

"1, 2, 3!" sigaw ni Dianne at hinagis na patalikod ang bouquet.

Nakatayo lang ako at nakitang papunta na sa gawi ko ang bouquet nang biglang humarang si Anne sa harapan ko at mabilis itong kinuha.

"Oh my God! Yes!" tuwang-tuwa nyang sabi at tumitili pa.

Napatawa nalang ako sa reaksyon nya at lumingon ako sa gawi ng mga lalaki. Nakita ko si Josh na hinarang si Lawrence sa kanyang harapan.

"Go, babe!" sigaw ni Anne nang nakitang ihahagis na ni Kyle ang garter na kanyang hawak.

"Okay! 1, 2, 3!" sigaw ni Kyle at inihagis na rin ang garter.

Tinulak ni Josh si Lawrence papunta sa gawi ng garter at muntik na syang masubsob pero nakuha nya naman ang garter.

Nagtawanan kaming lahat at nagkatinginan kami ni Josh. Kumindat sya sa akin at napailing nalang ako sa kabaliwan nya.

Si Anne naman ay mabilis na tinakbo ang distansya nila ni Lawrence upang yakapin ito.

Shouldn't Have SaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon