Chapter 2

132K 3K 891
                                    


Chapter 2
Sincerely

"Congrats! Nakagraduate ka na!" masaya kong sabi.

Kinuha ko ang maliit na party popper sa aking bag at pinaputok nang papalapit na sya sa akin.

"Ah!" tili ko ng bigla nya akong buhatin at inikot-ikot sa sobrang tuwa.

Nang ibinaba nya ako ay iniharap nya ako sa kanya. Inayos nya ang buhok kong nagulo sa pagbuhat nya sa akin saka ngumiti.

Ugh. He smiled again.

Hindi ko alam kung bakit sa simpleng ngiti nya ay feeling ko'y bibigay na ako ng todo. Twing ngumingiti sya, it feels like I'm falling harder to him. It's making me crazy.

"I wont make this far without you." marahan nyang sabi sa akin. "Thank you, baby." aniya't humakbang upang halikan ako sa aking noo at napapikit naman ako sa sobrang rahan nito.

Pinagdikit muli namin ang aming mga noo at hindi ko mapigilan ang mapangiti nang makarinig ako ng pag-flash ng camera.

Napatingin ako sa gilid ko at nakitang hawak-hawak ni Kuya James ang DSLR. Lahat sila ay nakatingin sa aming dalawa ng nakangiti ngunit si Vini lang at si daddy ang tila'y walang pake.

"Mukhang kukunin ka na sakin ng guardian angel mo." he uttered at nginuso si Vini.

Lumapit naman si Vini sa akin at hinawakan ang aking kamay. "A-Ate, l-let's go." nauutal-utal nya pang sabi dahil hindi pa sya ganon katatas magsalita.

Tinignan ko naman si Vini at hindi ko mapigilan ang mapangiti. He's really possessive when it comes to me. Gusto nya'y lagi lang akong nakatingin at nakabantay sa kanya.

Lumebel naman si Josh kay Vini upang mapantayan ang mga titig nito saka ngumiti.

"Hindi ba pwedeng pahiram muna si ate?" malambing na tanong ni Josh kay Vini. "Graduation gift mo na to kay Kuya." dagdag pa nito at napailing nalang ako sa mga pinagsasasabi nya.

Ngumuso naman si Vini. "Okay." tipid na sabi ng kapatid ko at sinenyasan nya ako na ibaba ang ulo ko kaya agad ko syang sinunod.

Ano nanaman kaya ang ibubulong nitong poging bata na to?

Tinakpan ng dalawang maliit nyang kamay ang tenga ko upang makabulong sya ng maayos.

"Ate, I w-will allow him o-only for today, okay?" bulong nito sa akin and I chuckled.

Hinarap ko sya at ginulo ang kanyang buhok. "Okay po." malambing na sagot ko sa kanya.

Napangiti naman ito sa sinabi ko at saka inirapan si Josh bago bumalik kila mommy at naghighfive pa sila ni daddy na natatawa-tawa.

Nang mapalingon ako kay Josh ay nakita ko syang nakakunot ang noo kay daddy at Vini.

I chuckled. "Grabe ka namang makatingin kila daddy at Vini."

Nilingon nya ako at ngumuso. "Kala ko tapos na kami ng daddy mo. Ngayon, dumating naman si Vini. Kala ko magkakasundo kami paglaki nya." aniya.

Ngumisi ako at mas lumapit sa kanya. "He's a Sarmiento, Josh." I stated. "You should know that by now." at tinapik ko ang kanyang balikat na natatawa-tawa.

"Buti nalang gusto ako ng mga babaeng Sarmiento." bigla itong ngumiti ng nakakapanloko saka hinila ang bewang ko at niyakap ako patalikod.

Natatawa ako dahil naalala ko ang pagkikilatis sa kanya ni lolo na dinaig pa si daddy while si lola naman ay tuwang-tuwa kay Josh dahil meron daw itong paninindigan para sa relasyon namin. Sarmiento boys really hates him.

Shouldn't Have SaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon