Chapter 1

168K 3.2K 568
                                    


Chapter 1
Alternate Name

"Gotcha!"

Napatili naman ako sa sobrang tuwa nang mahuli ako ni Josh at kinulong sa kanyang bisig ng sobrang higpit.

Nandito kami ngayon sa San Francisco upang magbakasyon for two weeks dahil yun lang ang break namin. Hindi katulad nung highschool ako na maraming araw ang walang pasok. Ibang-iba na talaga kapag college.

Pag-uwi namin sa Pilipinas ay a day before his graduation na. G-Graduate na sya at sya na rin ang maghahandle ng branches nila dito sa Pilipinas samantalang si Kuya James naman sa China.

"Josh!" pumapalag na ako ng sinimulan nya na akong kilitiin sa aking tagiliran. "Stop, please!" natatawa kong sabi na halos hindi na ako makahinga sa kakatawa.

He chuckled at iniharap ako sa kanya saka marahan na niyakap. Nakasubsob na ako ngayon sa kanyang dibdib at hindi ko mapigilan ang paulit-ulit na pagsinghot ko sa amoy nyang nakakaadik.

"Hinay-hinay lang, 'by. Mahal ang pabango ko." he chuckled at kumawala ako sa yakap nya saka sya sinapak.

Mas lalo syang tumawa at inirapan ko lang sya. "Kapal mo naman."

Ngumiti lang sya sa sinabi ko at tinitigan ako.

Naningkit ang aking mga mata sa ginagawa nyang pagtitig sa akin. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa ako sanay na makipagtitigan sa kanya na hindi naiilang.

He chuckled again saka muli akong niyakap.

"Kailan ka ba masasanay sa pagtitig ko sayo?" tanong nya sa akin habang yakap-yakap ako. "Dapat masanay ka na dahil balang araw kahit tulog ka ay matititigan na kita. Pag gising mo palang sa umaga nakatitig na ako sayo kaagad at bago ka matulog, nakatitig pa rin ako sayo." natatawa nyang sabi.

Pinagsalikop nya ang magkaliwang kamay namin saka ito itinaas sa tapat ng palubog na araw.

Halos mapapikit ako ng kaunti ng masilawan ng namamatay na sinag ng araw ang engagement ring naming dalawa.

"Ikaw nalang ang kailangang grumaduate and then everything's settled." aniya.

Tumango naman ako sa sinabi nya at pinagdikit namin ang mga noo namin.

He captured my gaze at hindi ko alam kung paano ko natagalan na titigan lang iyon. Ang lalim ng titig ng kanyang singkit na mata na parang malalasing ka sa pagtitig lang dito. I'd give everything for those eyes.

"I love you, baby." bulong nito sa akin. "So much.." dagdag pa nya at hindi ko mapigilan ang pagngiti ko.

"I love you too." ngiti ko sa kanya. "I love you more."

Napangiti naman sya ng todo ng dahil sa sinabi ko at unti-unting naglapat ang labi namin sa isa't-isa.

His kisses are very light pero ito yung tipong halik na nagpapasabik sayo. Yung handa kang sumugal para lang mas laliman nya ang kanyang mga halik. His kisses are torturing me. So bad that I want more.

Tumigil sya sa paghalik sa akin saka sya ngumiti. "Not yet." aniya. "I'd rather wait until the day of our honeymoon." he chuckled.

Pinalo ko sya sa kanyang dibdib at muli nya akong niyakap. Sabay naming dinama ang malamig na simoy ng hangin na bumabalot sa aming katawan mula sa dagat.

I could never get enough of these special moments. Kung ganito man ang gagawin namin araw-araw ay wala akong pakealam. It's a moment to die for.

"How 'bout an intimate family dinner at our residence?" suggested ni Tita Jasmine.

Shouldn't Have SaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon