Chapter 22

122K 3.1K 849
                                    


Chapter 22
Take Care

Pagkalagay ko ng aking light pink na lipstick ay tumayo ako ng maayos sa aking full length mirror upang tignan ang sarili ko.

Nakasuot ako ng isang white dress na hanggang ibabaw ng tuhod ko ang harapan habang pahaba naman papunta sa likod. Meron din akong flower crown na isusuot mamaya dahil fairies daw kami sabi ni Anne.

Hindi ko alam kung bakit naging fairytale ang theme ni Anne na literal na naging fairy kaming mga abay nya kaya kahapon ay inis na inis si Vini nang makuha nya ang damit nya.

Hindi ko alam kung ano ang problema ng batang 'yon sa damit nya samantalang ang pogi-pogi nya nga nung sinukat nya. Maybe he's not really into formal wears dahil sporty type sya at mala-hipster.

Napaupo ako sa harap ng tukador nang maalala ko kung sino ang kapartner ko mamaya.

"Are you crazy, Anne?!" iritadong tanong ko na halos magulantang ang taong malapit sa amin dito sa Shakey's.

"Easy, Rae. Calm down." mahinang sabi ni Anne na may hand gestures pa.

"How can I calm down when you invited Josh?" hindi mapakali kong tanong.

"Rae, dont be mad at Anne." singit ni Lawrence. "I'm the one who invited him. He's my best man. Matagal din ang naging pagkakabigan namin. Pati nung college, his my buddy. I have no brother at sa lahat ng mga kaibigan kong lalaki ay sya ang pinakamalapit sa akin. Nasabi ko na sa kanya yun nung hindi pa kayo naghihiwalay at nung nagp-plano palang akong magp-propose kay Anne. It's all on me. I'm sorry." paliwanag ni Lawrence.

Huminga nalang ako ng malalim dahil alam kong wala na akong magagawa. Hindi ko naman pwedeng magrequest pa kay Lawrence lalo na't close naman talaga sila ni Josh.

"Rae, isnt this the right time to face him?" biglang sabi ni Anne. "Pag nakita mo sya, malalaman mo kung may feelings ka pa ba talaga sa kanya o kung nakamoved on ka ba."

Hinawakan ko ang aking dibdib at paulit-ulit na huminga ng malalim sa harapan ng salamin nang biglang may kumatok sa aking pintuan.

"Lyrae?" rinig ko ang boses ni Isaac mula sa labas ng aking kwarto.

Kinuha ko na ang flower crown sa kama ko at saka nagdesisyong buksan na ang pintuan kung saan nandoon si Isaac na nakaputing longsleeves na nakatupi hanggang siko at black fitted jeans.

Inimbita na rin sya ni Lawrence dahil nakakahiya naman daw kung hindi pa ito iimbitahan gayong alam nyang kasal nila ni Anne ngayon.

"Ready?" nakangiting tanong nya sa akin at inilahad ang kanyang kamay.

Bumaba ang aking tingin sa kanyang kamay na nakahalad at hindi ko alam kung dapat ko ba iyong tanggapin o hindi.

Hindi ko pa sinasabi sa kanya ang tungkol kay Josh na sya ang best man ni Lawrence at kapartner ko sya mamaya. Na muli na kaming magkikitang dalawa.

"Uh, let's go." sabi ko nalang at hinawakan sya sa kanyang pulsuhan upang hatakin na pababa.

Nilingon kami nila mommy't daddy habang si Vini naman ay panay hawak sa kanyang suot na mukhang iritado pa rin.

"Let's go. We're gonna be late." ani daddy at nauna na sa paglabas.

Sumunod naman kaming lahat nila mommy at binuksan ni mommy ang back seat para sa aming tatlo.

"Rae, kayo na sa back seat ng kapatid mo at si Isaac." ngiti ni mommy saka binuksan ang pintuan ng front seat upang makaupo na sya.

Inalalayan ko naman ang kapatid ko sa pag-akyat sa kotse at sumunod na rin ako pati si Isaac.

Shouldn't Have SaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon