Kabanata 234

6.7K 385 123
                                    

Kabanata 234:
Bisita

Zillah's POV

"I-Ikaw lang talaga mag-isa ang nakatira rito sa bahay?" nakaawang ang labi ni Nadia nang ilibot ang tingin nang makaapak kami sa loob ng bahay.

"Ano 'po' 'yon?" tanong ko dahil parang may nakaligtaan yata siyang idagdag sa sasabihin. Lumingon siya sa akin at ngumuso.

"Ikaw lang po ang nakatira rito sa bahay?" ulit ni Nadia sa tanong. She's holding a small bag that contains some of her things. Bago pa siya makauwi rito, pinaghandaan ko na ang pananatili niya. I ask one of my maids to buy her clothes, personal hygiene and other things that she needed.

Napangiti ako nang itama niya ang sasabihin. I messed her hair a bit and she pursed her lips more.

"Kasama sina Ate Cecille, ilang kasambahay at tauhan namin. Kasama ko sila para mapanatiling malinis ang bahay." sagot ko. Iginiya ko siya patungo sa sala. Panay ang libot ng tingin niya at pasalit-salit ng tingin sa kanan pa kaliwa. Hindi mahinto sa pagtanaw sa paligid. Mas lumaki ang ngiti ko sa nakikitang kong reaksiyon niya.

Parang ako pa ang nahihilo para sa kaniya.

Iyong kuwarto rin na tutuluyan niya ay nakahanda na at malinis. Siya na lang ang hinihintay. Hindi naman siguro halata na masyado akong excited sa pananatili niya rito. May kaunting kaba pa nga sa akin na baka mawalay siya sa kagustuhan kong makasama siya, dahil hindi ko pa naasikaso ang mga papeles para sa legal na pag-ampon sa kanya.

I am a bit nervous about that. Iilang araw ko pa lang kasama si Nadia at napalapit na ako sa kanya ng husto. Medyo nagkakilala na kaming dalawa, at ayoko na na mawalay pa siya sa akin.

I'm holding her hand while she's still busy and amaze on looking around the house. I think she's so amuse on seeing the furnitures and the exquisite interior designs. Kumikinang ang kanyang mga mata sa paghanga at parang hindi pa makapaniwala.

"Ang yaman niyo po talaga! Nasaan po ang mga magulang niyo, Papa?" inosenteng tanong ni Nadia. Naniningkit ang mga mga mata habang pinapasadahan ng tingin ang mga muwebles.

"Nakatira na sila sa ibang bansa. Doon na talaga sila at ako lang ang napagdesisyonan na maiwan rito." bumaling siya sa akin na kunot ang noo. Nagtataka.

"Bakit naman po?"

"Narito ang mga kaibigan ko at... si Eloisa." sagot ko. Bumagal ang pagsasalita at sinulyapan ang larawan ni Eloisa na nakalagay sa lamesa na katabi ng mga furnitures.

"Si Ate Eloisa?" she ask. Nabanggit ko na sa kanya ang tungkol kay Eloisa. Nauna ko pa ngang masabi iyon kaysa sa mga personal na bagay na kailangan niyang malaman tungkol sa akin. Tumango ako sa kanya. Napahawak naman siya sa baba niya na para bang may iniisip.

"Anong tatawag ko po sa kanya?" hinaplos ko ang buhok ni Eloisa.

"Call her Mama, o saan ka ba komportable?" marahan kong saad.

"Mama." she said softly and I smiled. Binalik niya ang tingin sa larawan.

"Sobrang ganda niya po talaga. Naiintindihan ko na po kung bakit hirap ka pong kalimutan siya." ani Nadia. Marahan akong tumawa roon.

"Hinding hindi ko siya makakalimutan. Kahit na tumanda ako, pumuti ang buhok, lumabo ang mga mata, kumulubot ang balat, hinding hindi siya mawawaglit sa isip ko. Lilipas ang panahon pero ang ala-ala ko sa kanya ay hindi." pumunghay ang mga mata ni Nadia sa sinabi ko.

Ngayon ko lang din napagtanto, noon hindi ko iniisip ang kahabaan ng buhay ko pagkatapos mawala ni Eloisa. Kung mamatay ako nang maaga, walang problema. Hindi ko kinakatakot dahil iniisip ko mabuti na rin iyon para magkasama na kami ni Eloisa at ng anak ko. Pero ngayong narito si Nadia, parang natatakot na akong lisanin ang mundo nang maaga.

Ruling The Last Section (Season 3- Final)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon