Kabanata 206

8.1K 478 433
                                    

Kabanata 206:
Queen

"Why would I rehearse? They won't get Raiven." sagot ni Sir Agape kay Pierce.

Pierce only tsk on it. Nanatili kami sa kinatatayuan naming dalawa. Ilang metro na lang ang layo ng tren mula sa susunod na estasyon. Kaya naman nababawasan na ang pangamba ko na maulit ang nangyari noon sa gym. Kahit mas kakaunti lamang na tao ang kaharap namin kaysa noong nakaraan.

This moment, the whole scene feels dejavu. Nakakulong na naman ako at kasama ang isa sa mga last section. Si Pierce.

"I'm only lucky I got here in this part of the train with you Raiven. Kasi kung hindi ako nakaabot na makapasok rito, I can't imagine how livid Kuwai will be if you're alone here." ani Pierce sa harapan ko. My heart is hammering, hindi ko alam kung malakas ba ang kabog dahil sa kanina pang pakikipaglaban o dahil sa tumataas na tensiyon.

"I'm certain Sir Agape will have terrible physical damage if Kuwai is here with you." dagdag ni Pierce roon. Napatuwid ako ng tayo. I glance at the next station that is so near now.

Pierce seems to anticipate the stop of the train at the next station.

Sa kabilang banda, halos tatalamsik na ang pinto dahil pinagtutulungan nila Xerox na buksan iyon. Grabe ang pagyanig. It feels like there's an earthquake. Na napahawak ako sa metal holder dahil pakiramdam ko mawawalan ako ng balanse. Paniguradong kumukulo na rin ang dugo nila dahil sa nangyayari ngayon.

Nakahawak si Xerox sa pinto, para bang abang na abang na na makatapak rito. Hindi na makapaghihintay at mapakali pa.

Sir Agape is just standing proudly on his place. Wala akong nababakasan na pagkabahala o kaba sa kaniya. Ni hindi ko makitaan ng panik kahit na malapit na ang paghinto ng tren. Kumunot tuloy ang noo ko sa kinikilos niya.

Something is off.

Nakarinig na kami ng anunsyo mula sa speaker na nakakabit sa sulok para sa paghinto ng tren. Xerox shifted on his stance, like he couldn't really wait to enter here. Bakas na bakas sa ekspresyon niya na kating kati na siya na makaapak pa rito. Para bang hindi na makapaghihintay pa ang kamao niya na lumapat kay Sir Agape.

Dahan dahan na bumagal ang takbo ng tren. Nakamasid pa rin kaming dalawa ni Pierce sa gagawin nila Sir Agape pero nakatayo lang silang dalawa sa harap namin. The guy beside him is smirking. Narinig namin ang tunog ng makina hanggang sa nasilayan na namin ang estasyon at sa labas ay ang mga nakatayong tao, naghihintay na na makasakay.

Akala ko iyon na ang pag-asa para sa aming lahat ng makarating na kami sa sunod na estasyon. Kaunting usog na lang ay iyon na. Narinig ko na ang hudyat para sa pagbukas ng mga pinto pero kumunot ang noo ko kung bakit hindi bumukas ang para sa amin.

Mas lalong lumalim ang gatla sa noo ko nang biglang may marinig na tunog. Biglang bumagal ang tren at napahawak na lang ako sa upuan nang pilit iyong huminto!

Halos tatlong metro na lang ang layo mula sa sunod na estasyon at napaawang ang labi ko nang unti-unti iyong umaatras. Mabubuhayan sana muli ako pero gumuho ang pag-asa na nabuo dahil sa pasalungat na direksiyon nagtutungo ang tren.

"Anong nangyayari?" tanong ko.

Tumawa si Sir Agape. Habang si Xerox, mukhang natunogan na rin ang nangyayari kaya hinampas niya ang pinto. Malakas iyon na malakas rin ang nalikhang paglagatok na tunog.

Biglang bumukas ang bintana ng tren. Nakita ko na lang na tumakbo si Pierce patungo sa akin pero naharangan siya ni Sir Agape.

"Raiven!" Pierce scream so loud and I gasped when someone suddenly grab my arm. Napabaling agad ako roon at nakita ang isang lalaki na nakamaskara, nasa labas ng bintana. Mabilis niya akong hinatak papalabas na napadaing ako sa riin ng hawak at hila niya. Nagpumiglas ako sa hawak. I resist so bad that his grip on me tightens.

Ruling The Last Section (Season 3- Final)Where stories live. Discover now